13 - Period

119 16 0
                                    

One week had passed simula nang mangyari ang birthday ni Thistle, 'di pa rin sila gaanong nagkikita ni Saint pero nagkakausap naman sila sa phone. Tanghali na pero nasa kama pa rin si Thistle, at may iniindang sakit.

Today is the day for having a menstrual cycle.

Isa 'yan sa dahilan kung bakit ayaw ni Thistle maging babae, kada buwan, kailangang may indahing sakit.

'Di naman niya mapigilan kumain ng unhealthy foods dahil tao naman siya, madaling bumigay sa tukso. Madaling mag-crave.

May biglang tumawag sa phone ni Thistle, pagkuha niyon ay nakita niya ang number ni Saint. Hindi niya pa 'yon in-eedit at nilalagyan ng name pero kabisado na niya ang number ng lalaki.

"Oh, napatawag ka?"

"Ang sweet mo naman." anito.

"Wala akong gana ngayong makipag-usap sa'yo, Saint." ani Thistle sa nanghihinang boses, namimilipit na siya sa sakit ngayon.

"Are you sick?" may pag-aalala ngayon sa boses ng lalaki.

"Hindi."

"Why did your voice sound like that? You are in pain!"

"I have a red day today, a bloody one."

"Huh? Bloody one?"

Napangiti si Thistle dahil 'di na gets ni Saint ang kanyang sinabi.

"Wala. Bye na."

"Hey, Tle-"

Thistle ended the call, halos gusto ng mapasigaw dahil sa sakit ng kanyang puson. Wala siyang gana kumain, at wala ring ganang uminom ng gamot. She called a maid earlier at may pagkain at gamot na sa side table pero 'di pa 'yon nagagalaw. Ang mga maid lang ang natingin sa kalagayan niya, her mom and dad are busy again, at gan'on din ang kanyang kuya. Ayaw niya naman maistorbo si Saint at ang mga kaibigan niya dahil simpleng dalaw lang 'to.

Lilipas din ang isang araw.

Bukas ay mawawala rin ang sakit.

Hindi comfortable si Saint habang tinatattoohan si Denisse, buti at maliit na bulaklak sa may balikat ang i-tatattoo niya sa babae. Nang matapos ay agad siyang nagtanong dito about sa red day and a bloody one.

Tumawa si Denise habang nagbabayad, "Red Day? Menstruation."

"Oh." tumango-tango si Saint. "Ano'ng gamot do'n? And... napkin kailangan, 'di ba?"

"Mayaman naman ata 'yang babae mo. Marami na siyang napkin siguro sa bahay nila. Pero bilhan mo na rin saka mefenamic, pwede na 'yon, I think? Dagdag pogi points."

"Sige, thanks sa idea."

Nang makaalis na si Denise ay sinarado na niya ang tattoo shop niya at agad na nagtungo sa isang convenience store. Kumuha na siya ng maraming napkin sa isang stall at nilapag sa harap ng cashier.

May mga customer na napapatingin sa kanya pero wala na siyang pakialam.

"At gamot sa... sakit sa ano... alam mo na 'yon, Miss."

Tumango ang babaeng cashier at isa-isa nang nilagay sa lagayan ang mga pinamili niyang napkin at gamot. Nagbayad na siya ng isang libo at 'di na kinuha ang sukli. Saint wants to go to Thistle house to see her condition.

Pagdating sa bahay ng mga Wright ay agad na siyang nagtungo sa kwarto ni Thistle, pagbukas ng pinto ay nakita ang babae na nakahiga sa kama at hawak-hawak ang puson nito.

Nakita rin ni Saint ang pagkain sa side table na 'di pa nagagalaw. At pati ang gamot do'n.

"Tle..." Saint called her in a low and deep voice. "Thistle, I bought a lot of napkins and a medicine."

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon