5 - Dare

227 18 0
                                    

Happy 1k reads! Thank you so much for reading this! <3

---

Mitchelle Laguran: next time na lang tayo mag meet, k? I have something to do today. Sorry.

Thistle Wright: sure :)

Thistle sighed and exited their conversation; she was so excited to see Mitchelle today pero 'di natuloy. She's wearing her favorite polo shirt and some trousers, she's literally a soft masc today. She's also wearing some jewelry and a watch to look like some decent soft masc and here she is, standing at the outside of their house, looking disappointed. She looked at the opposite house in front of her, hindi na niya binigyang pansin pa si Saint Adonis at 'di na rin niya inalam kung bakit may bahay 'to rito. The house now looks sad and dark inside. Walang katao-tao.

Umalis na kaninang madaling araw si Saint Adonis at nagtungo na sa main house.

Thistle began to contact her friends, Maki and Joseph. Makapagbilyar na lang.

Thistle: let's go play billiards.

Joseph: k.

Maki: yon! Usual place?

Thistle: pasundo muna ako, J. I can't drive and Kuya already went to his shop.

Joseph: k.

She exited the Messenger App, naghintay na lamang siya kay Joseph sa labas ng gate nila. After a couple of minutes, Josephine came on her famous tricycle. Simple lang naman ang buhay ng mga kaibigan niya at kahit gan'to, they are never using Thistle wealth. Never din ang mga 'to nagpalibre sa kanya and they're a true friend. Kasa-kasama niya sa lahat ng oras at problema.

"Sakay na Mayora, susunduin pa natin si Kapitana."

Napatawa si Thistle sa sinabi ng kaibigan.

"At ikaw sino?"

"Sekretarya."

Mas lalong napatawa si Thistle at pumasok na sa loob ng tricycle.

"Bihis na bihis ka, ah? An'yare sa lakad niyo ni Mitch?"

"'Di natuloy."

"Aguy! Kaya pala nagyaya magbilyar!"

"Wala rin naman akong gagawin, eh."

Dumating na sila sa tapat ng bahay ni Maki, nakita nila 'to na nakain ng barbeque. Tinitira na naman ang panindang barbeque nila. Kahit maaga ay nagtitinda na agad ang pamilya ni Maki.

"Hoy! Kung lalamon ka lang din naman mamigay ka!"

Bumaba na sila ng tricycle at lumapit kay Maki. "Oh, bili! Bili! Walang libre ngayon sa negosyo namin!"

"Here, my card." Nilabas na ni Thistle ang credit card nang maalala na wala na pa lang laman 'yon dahil binayad niya kay Saint.

"Card!? Ano'ng klaseng card 'yan!? Platinum ba? Jusko, Thistle, cash ang kailangan sa tindahan namin!"

"Ito, dalawang daan! Bigyan mo na kaming barbeque ngayon din at bilisan mo naman, bilyar na bilyar na kami, eh!"

Thistle sat on the bench while waiting for Maki to finish cooking the barbecue. When she became friends with these two, she also learned to eat it. Maki's Father, Uncle Albert, came out with a melon flavor cooler.

"Oh, sakto, nandito pala kayong dalawa. Gusto niyong palamig?"

"Libre ba, Tiyo?" Pagtatanong ni Joseph habang nakangisi.

"Oo naman. Kayo naman parang 'di ko na rin kayong mga anak."

Nagtakal agad ang Ama ni Maki ng palamig at isa-isang iniabot sa kanila. Sometimes, having an average and simple life is also a good thing. May pressure man to survive at least 'di gaya ng ibang mayayaman na puro kumpetensiya. Thistle's mom and dad are like that, they like to competent some businessman and businesswoman. Nag-iba si Thistle ng landas at natutong rumaket, without exposing her wealth to others.

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon