20 - Talk

141 18 3
                                    

That night, Thistle decided to go to Creed's main house. Ang sabi ni Saint sa kanya kanina bago sila maghiwalay ng landas ay pupunta muna 'to sa penthouse ni X at tatattoohan ang lalaki. So, this is the perfect timing to talk to his mom or.... dad. If they met.

Kasama niya ngayon si Josephine at Mikaela, 'di mawawala sa tabi niya ang dalawa.

"Yaman naman ni Daddy Saint, mansion na mansion ang bahay, eh!" ani Maki.

"Kaya ka buhayin Thistle kahit sampu pa ang anak ninyo." ani naman ni Joseph.

"Mga sira." napailing na lang si Thistle. Pumindot na siya sa doorbell at naghintay na may lalabas na katulong para papasukin sila.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Kakausapin mo sila kahit wala sa tabi mo si Saint?" si Maki.

"Oo, sigurado ako." mas nahulog siya kay Saint dahil sa mga sinabi nito kanina.

At ito lang ang magagawa niya para sa taong mahal niya.

"Nandyan naman kayo sa tabi ko." dagdag pa niya. Natigilan ang dalawang kaibigan niya pero napangiti na rin.

"H'wag kang mag-alala, kapag sinaktan ka, saktan din natin!" si Maki ulit.

"Bobo mo naman! Sasaktan? Eh 'di imbis na tanggapin si Thistle eh 'di na lalo. Ipagdasal natin siya, kasi sabi ni Lord, mahalin at ipagdasal ang kaaway natin." komento ni Joseph.

"Tama, tama."

May lumabas na isang matandang katulong at may kasama na guard.

"Sino sila?"

"Ako po si Thistle Wright, gusto ko pong makausap si Mrs. Creed."

Nagkatinginan ang matanda at ang guard. "Sige, sabihan ko lang si ma'am."

"Salamat po."

Iniwan na ng matanda ang guard at ang tatlong babae sa labas muna.

Maya-maya pa ay dumating na rin sa wakas ang mama ni Saint, nakadamit pang trabahao pa ang matanda at naka make up pa, her aura is like a rich mother in k-drama, mataray ang mukha kaya naman kinabahan bigla ang tatlo.

"What are you doing here, anak ni Taffy at Yale?" Even her voice sounds classy and authority too, just like Thistle's mother.

"How did you know my parents name?"

"I'm their classmate, in college."

"Ma'am," huminga ng malalim si Thistle. "I'm here to talk about Saint. I don't plan to break up with him. Your son taught me how to love in my opposite gender and he accepted me for who I am. Kahit tomboy po ako, kahit ganito po ako, mahal niya ako. At... mahal ko rin siya. So, ma'am, please... h'wag niyo po siyang i-engage sa isang babae." lumuhod si Thistle dahilan para magulat ang mga kasama niya ro'n. "Seryoso po ako, ma'am."

"Sabihin na nga natin na hindi ko na siya i-engage sa iba, at ano ang handa mong gawin para sa kanya? Do you have a job? Based on the information I got from you, you are just an online seller. You also didn't enter the business world like your parents. Ano ang kaya mong gawin para sa anak ko?"

"Nasa business world din po ang online selling. I am not good at everything, and I will not make any promises but the thing that I will do for your son is to love him unconditionally. I will take care of him, submit to him, and even serve him for the rest of my life. Na hindi niya mahahanap at mararamdaman sa iba. Hindi naman po ako naghahangad na matanggap ninyo, gusto ko lang pong iparating sa inyo na, mahal ko siya."

Seryosong-seryoso si Thistle ngayon, na ngayon lang nakita nina Maki at Joseph. May nakaka-date nga itong babae pero hindi siya ganito, Thistle looked desperate to beg in front of Saint's mom.

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon