25 - Birth

144 14 4
                                    

Lumipas ang ilang buwan and Thistle are now ready to give birth to their first baby. The baby is a girl, at ready na ang mga gamit nito. Nasa private hospital na siya at nagle-labor na. Kasama niya ngayon ang mama niya at mama ni Saint, na naging close ngayon.

"Masakit pa ba ang tiyan mo?"

"Kaunti, mom."

"I'm excited to see the baby, and it's a girl. I will give her a lot of toys, bags, clothes and a lot of girly things."

Napangiti si Thistle. Naging maayos na rin kasi ang relasyon niya sa mama ni Saint.

Napangiwi siya nang maramdaman lalo ang pagsakit ng tiyan.

"Mom, sobrang sakit na..." napaluha na siya at naramdaman na may umagos na tubig sa kanyang hita. Sumabog na ang panubigan!

"Oh, shit! Nurse! Manganganak na anak ko!" ang mama ni Saint.

Mabilis na nagsilapitan ang mga nurse at inihiga siya sa hospital bed. Dumating na rin si Saint, kagagaling lang sa banyo.

"Oh, shit! She's in pain!"

"H'wag stupid, Saint. Manganganak na nga, eh. Malamang she was in pain." ani Theresa sa anak.

Hindi alam ng ibang nurse kung tatawa ba o hindi at gano'n din si Taffy sa narinig. Dinala na si Thistle sa E.R, nagsidatingan na ang kaibigan ni Saint at pati sina Josephine at Maki. Umalis si Dous pagkakita kay Maki, si Wyatt ay umupo sa dulong upuan pagkakita kay Josephine. Hindi na nagtanong pa si Saint sa dalawang kaibigan kung ano'ng nararamdaman nila sa dalawang tomboy but their story will come.

Naghintay lamang sila sa labas ng E.R at nang bumukas ang pinto, kinausap agad ng doctor si Saint.

"She has ten fingers sa hands and ten fingers sa feet. She has two eyes, a nose and lips. She is also healthy. Congratulations on having a healthy baby girl."

Lumabas ang isang nurse at bitbit na ang anak niya. "Ilalagay ko muna siya Sir sa nursery room para malinisan ng ayos at masukat ang timbang niya."

"Okay."

Nilabas na sa E.R si Thistle at nilipat sa isang silid, tulog pa ang babae. Ang mama at papa ni Thistle ay nasa silid kasama si Slate at dalawang kaibigan niya. Si Saint at ang iba pa ay nagtungo sa nursery room, sa labas lamang sila.

"Kamukha mo Saint, shit, baka maging lalakiero 'yan paglaki." si Xpencer.

"Gago, tuturuan ko 'yan maging pihikan sa lalaki. I'm the standard, you know."

"Ang cute ng pamangkin ko, she looks small." ani Slate.

"Kunin mo akong ninong, Saint. Sa lahat, 'yong mga gamit na binili ko kay Thistle noon sa pag-online selling niya ibibigay ko sa kanya." komento ni Dous.

"Ako rin, Saint. Kunin mo akong ninong." sabi ni Wyatt.

"Kahit h'wag na ako, Saint." si Uno. "Wala siyang mapapala sa'kin."

"Lahat kayo ay kukunin kong ninong, walang maiiwan."

Nagtawanan ang iba.

Lumabas ang isang babaeng nurse na agad naman nilandi ni Dous.

"Sir, ano'ng name po ng anak niyo?"

"Just Lv."

"Pardon, Sir?"

"Iyon name ng anak namin, Just Lv Wright Creed."

"Okay, Sir. Ganito po?" pinakita ng nurse ang papel na hawak para matignan kung tama ba ang spelling na sinulat niya.

"Yes, thank you."

Umalis na ang babaeng nurse na hinalikan agad ni Dous sa pisngi.

"Kahit kailan ka talaga, playboy ka." natatawang wika ni X. "Ang pagiging playboy, nilulugar."

"Lol, I am just curing my sickness."

"Sickness?" ngumisi si Wyatt. "Kagaya ba ng akin?"

Nagkaintindihan si Wyatt at Dous, kaya napangiti na lang si Dous.

"Gising na si Thistle." ani Slate. "Mom just texted me."

"Okay, let's go."

Nagpunta na sila sa silid ni Thistle. Sa sobrang dami nila, sumikip ang silid.

"Magsilabas na muna ang iba sa inyo." ani Theresa. "You guys are so huge and masculine, sobrang sikip na ng silid."

"We love tight place, 'Ta." said Xpencer. "Don't worry."

"I'm not worrying you, X, I'm worried about my daughter. Layas na muna."

"Saint, sa labas na kami muna, ah? 'Di na kami mahal ni Tita."

"Ikaw lang X ang 'di niya mahal, mahal pa niya kami." singit ni Exo.

"Ulol."

Nang makalabas na ang mga kaibigan ni Saint ay hinalikan niya si Thistle sa labi. "You're brave, you did well."

"Where is she? Is she... pretty? Cute? Sino kamukha? Nawalan na ako ng malay kanina kaya 'di ko na siya nakita agad."

"She looks like me."

"Huh? You're lying!"

"No, I'm not."

Bumukas na ang pinto at niluwa niyon ang nurse kanina at bitbit na ang anak nila.

"Ito na po anak niyo, Sir and Mom."

Iniabot ng nurse ang anak kay Thistle. Nagsilapitan ang mga matatanda at lahat ay sumang-ayon na kamukha nga ni Saint ang bata.

"Wala man lang nakuha sa'yo, Thistle. Ikaw ang nagdala, iba ang naging kamukha."

Saint laughed. "Sorry, love. By the way, her name is Just Lv, nickname ay Lv."

"Kung ano na naman pinangalan mo sa kanya." napangiti na rin si Thistle sa huli.

"It's just love. Tinanggal ko lang ang vowel sa love."

Napangiti nang malawak si Thistle pagkarinig ng explanation ni Saint.

"Hi, Just Lv, baby. Welcome to our world." Thistle whispered; the baby is still sleeping peacefully in her arms.

Saint felt something warmth in his chest as he looked at his wife and their daughter. Wala na siyang hihilingin pa kung 'di ang makasama niya nang matagal ang dalawa sa buhay niya.  

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon