10 - Crazy

155 22 11
                                    

Next UD: Bukas, at seven o'clock in the evening.

---

Saint moved away from Thistle; the woman froze while her eyes are opened widely. Ang dalawang kaibigan ni Thistle ay parang nakakita na ng maligno. They couldn't believe that Saint really did that. Sa'n nakakuha ng lakas nang loob ang lalaki?

"Let's go home now, love. Mag-usap tayo kapag 'di ka na lasing."

"Hindi ako lasing and why... why did you kissed me again?"

"I'm happy lang." simpleng wika ni Saint.

"That because you're happy? Ganyan ka rin ba sa ibang babae, huh?"

"No, sa'yo lang." Nagsisi tuloy bigla si Saint kung bakit naging playboy pa siya.

"Hindi ako naniniwala sa'yo."

"Sa'n ka 'di naniniwala?"

"Sa lahat!"

Saint sighed, kulang pa ata ang halik at pagharana niya sa dalaga. Kailangan ata ng malakasang galawan ang gawin niya para maniwala si Thistle sa kanya.

"Words and actions are not enough, I know." lumuhod si Saint sa harap ni Thistle. Nawala na ang epekto ng alak sa babae dahil sa lalaking 'to. He's crazy! "Sabihin mo sa'kin kung ano ang dapat kong gawin para maniwala ka. You want me to beg? I would beg. You want me to lick every part of your body. I gladly do it. You want me to suffer? Then you can make me suffer. I am here begging you to believe me. I am here kneeling for you, love. I, Saint Adonis Creed, declaring my love to you. The song I sang earlier, the kissed we shared earlier, sa'yo ko lang 'yon ginawa. Believe me. Never kong ginawa 'to, ang pagharana, at ang pagbigay ng bulaklak sa babae, Tle. I am so sorry if I'm a playboy and from now on, my lips will be yours, forever if you want to."

Tikom ang bibig, Thistle didn't know how to respond to Saint's words.

This Saint in front of her is crazy.

Sino'ng mag-aakala na gagawin ni Saint ang magmakaawa at lumuhod sa isang babae? Partida, nanliligaw pa lang siya. Kung nandito lang ang mga kaibigan niya, vinideohan na siya at inasar na.

"Fine! Tumayo ka na riyan, Saint!"

"No, hindi ako tatayo. Labag sa loob mo ang pagsabi niyon."

"Hindi 'yon labag."

"Labag."

"I know myself, Saint. Please, tumayo ka na at uuwi na ako."

"Tayo." tumayo na si Saint. "Uuwi na tayo."

Thistle nodded her head, "Yes, uuwi na tayo."

Nang makalabas na ang dalawa sa bahay ay nagkatingan si Josephine at Maki. "Kung mayro'ng Saint lang sa buhay ko, feeling ko magiging babae na agad ako." ani Josephine at bumuntong-hinga.

"Iisa lang siya. Sad."

Nagtawanan ang dalawa at nagpatuloy sa pag-inom ng alak.

Naka-hubad pa rin si Saint habang nakasakay na sa motorbike nito.

"Hey, put some clothes on, will you?"

"Akala ko ba ayaw mo ng amoy ng damit ko?"

"Kanina 'yon, magdamit ka na!"

Napailing si Saint at nagsuot na ng damit. Binigay niya ang isang helmet kay Thistle na lagi niyang dala. Sinuot na 'yon ni Thistle habang nag-aayos ng sarili si Saint. Nagsuot na rin siya ng helmet at pagkatapos ay sumakay na si Thistle sa motorbike.

Kusa na niyang pinulupot ang mga braso sa baywang ng lalaki. Nagulat si Saint pero panandalian lang 'yon, napangiti na rin siya.

Saint started the engine, bumusina muna siya bago paandarin ang sasakyan palayo sa bahay ni Joseph.

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon