12 - Surprise

123 18 0
                                    

Try to listen to this song while reading this chapter hehe. I just find it on Youtube and I think it's 80's-90's song, maganda rin haha.

Anyway may four drafts na po akong sinulat, 'yong apat po ay i-upload ko mamayang gabi. :) Excited lang akong i-share sa inyo!

---

Tatlong araw ang nakalipas at 'di na nagkita sina Saint at Thistle. Busy si Saint sa pagdesign ng mga kotse habang si Thistle ay busy sa pag-online selling. Do'n din namalayan ni Thistle na magbibirthday na pala siya bukas and she almost forgot it!

Nawala sa isip niya at laman ng isip na niya ang lalaki.

Kakatapos niya lang mag-online selling at lahat ng binenta niyang gamit ay binili ni Dous. Nagtataka man ay hinayaan na lang niya ang lalaki.

"So, Mayora, ano'ng plano sa birthday mo bukas? Dating gawi?" ka-videocall na niya ang dalawa niyang kaibigan ngayon.

Ang dating gawi na tinutukoy ni Josephine ay ang magpunta sila sa BGC at mag-ikot-ikot do'n hanggang abutin ng alas dose nang madaling araw.

"Siguro girls' night out tomorrow, here in my room."

Hindi hilig ni Thistle ang magcelebrate ng bongga sa birthday, masaya na siya na kumpleto ang family niya at nandyan ang dalawa niyang kaibigan. Well, ngayon ay may pagbabago na siguro. Because Saint is currently courting her and kung dati, wala 'tong pake sa birthday niya. Bukas siguro ay baka may gawin na naman 'tong kakaiba sa kanya.

"Gusto mo ng barbeque? Ipagluluto kita." ani Maki, nainom ngayon ng palamig.

"Damihan mo, Kap." wika ni Joseph.

"Si Mayora ka ba?"

"Gago ka, ginaganyan mo na ang sekretarya mo!"

Nagtawanan sina Thistle at Maki.

"Anyway, Mayora, kamusta puso mo? Normal pa ba ang pagtibok nito?" pagtatanong ni Maki rito.

"Eh, si Saint? Kamusta? Babae ka na ba?"

"Oo." ani Thistle, nagsitilian ang dalawa. "Normal pa ang tibok ng puso ko, oo. Kamusta si Saint? Nahinga pa siguro. At kung babae na ako? Pass."

"Ay!" pagrereact ng dalawa.

"Umamin ka na sa'min! Na fall ka na! H'wag mo nang lokohin sarili mo, dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan. H'wag na i-deny ang nararamdaman mo dahil lalabas din ang katotohanan." madamdaming wika ni Josephine.

Natahimik si Maki at Thistle sa sinabi ni Joseph.

Parang may dumaan na anghel bigla, walang nagsalita. Nakatingin lang sila sa isa't-isa.

Thistle sighed and nodded her head.

At do'n nagtatapos ang usapan nilang tatlo.

Maagang binati nina Joseph at Maki si Thistle sa Facebook at sa Messenger. Her family also greeted her in her bed, nagtataka man sa pagbabago ng magulang ay naging masaya na si Thistle. Slate personally baked a cake and gave it to Thistle. The cake was made in thistle color, a shade of purple color.

Lumipas ang maghapon but Saint Adonis didn't greet Thistle. No chat. No text. No call. As in walang paramdam pa.

Thistle wanted to ask her brother about Saint but she's too shy to ask.

Around seven o'clock nang dumating ang kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay. Maki and Joseph didn't bring any food. Nakapambahay lang ang dalawa.

"May girls' night out tayo ngayon, ah? Ba't nakasuot kayo ng ganyan?"

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon