Alliesha (POV)
Tumigil naman ito kalaunan pero akala ko kakain na pero ang loko ay........... bumalik lang naman sa pagkakahiga! Nagtatampo pa akong tiningnan!
Heh! Akala mo naman madadala ako!
"Halika na nga! Susubuan na kita" Tanging nasambit ko na lang.
"Yes!" Masiglang saad nito at mabilis na tumakbo papunta kung saan ako nakaupo ngayon pasalamat siya crush ko siya.
Ginawa ko nalang ang gusto niya at nang matapos kami ay bumaba ako para ilagay sa kusina ang pinagkainan nakita ko naman ang mga katulong duon.
At sila narin ang nagrepresenta na maghugas. Kaya naman bumalik na ako sa silid ni myloves dahil nakita ko pa naman na hindi pa tapos kumain Si Ellyse ant ang mga magulang ni Asthon myloves.
Nang makarating ako ay nakita ko itong nakaupo kaya lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang noo niya at salamat dahil bumaba na ang lagnat niya.
"Magpahinga kana at baka mamaya ay magiging magaling kana" Saad ko.
"Magaling kasi ang nag-aalaga sakin" Sambit naman niya.
Pero guys ha! Bumait ang loko pero pustahan tayo pag tuluyan na tong gumaling babalik din ito sa pagiging Lion.
"Segi na't bilisan mo na" Sambit ko.
"Can you sleep beside me! Promise i won't do anything bad to you" Saad niya with pa baby effect duhhh!
"Okay basta matulog kalang" Saad ko.
Masaya naman itong humiga at ako naman ay tumabi na din sa kanya! Nakatulog din naman ito pero heto ako ngayon nag-iisip kung bakit ko ito ginawa ngayon.
Ano kaya ang ginawa ng mga kaklase ko ngayon pero hindi naman ako nabahala don! Wala kaming kahit anong activities.
At sinabi narin sakin ni Tita na tinawagan na niya ang advicer namin na hindi kami makapasok sa ngayon.
Sa sobrang pag-iisip ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Ellyse (POV)
Kanina pa kami nandito sa dinning table ngunit hindi padin bumalik ang bruha kong kaibigan. Kaya nagrepresenta nalang akong puntahan ang dalawa.
"Tita! Puntahan ko muna si Alliesha and Asthon sa taas?" Saad ko ngunit pinigilan ako ni Tita.
"No need! Ako nalang ang pupunta" Saad niya kaya wala na akong nagawa pa kundi sumang-ayon nalang ako.
We've been here when Tita said na dalhan lang daw niya ng pagkain ang dalawa! Oh tingnan mo nga naman an sarap saksakin ng dalawa.
Malamang naglokohan lang naman yung mga yun! Feeling in love pero walang balak umamin Tskk! Ewan ko nalang sa dalawang to!
Nagsimula nalang kaming kumain ng biglang nagsalita si Tita.
"Ellyse! Can i ask you a question?" Tanong niya.
"Yes Tita! Go on" I said.
"Anong connection ni Alliesha kay Asthon! Since earlier in the morning Asthon want Alliesha to be with him." Naguguluhan niyang tanong.
No mali ka Tita! In love lang talaga yang dalawa! duwag lang. Isa pa to si Asthon di man lang alam na inlove na siya kay Alliesha.
Paano ba naman hindi eh kita naman sa mga galaw nito. Tskk.
"Wala naman silang connection Tita! Kung alam mo lang kung gaano kasungit yang magaling mong anak kay Alliesha" Saad ko.
"Eh bakit naman niya susungitan! Sa nakikita ko kanina panay hanap niya kay Alliesha nagwawala pa nga eh!" Sambit naman ni Tita.
YOU ARE READING
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy {UNDER EDITION}
RomanceAlliesha Lae Mendoza is a kind and a gorgeous woman. Inspite of being not good in a condition, she still manage to work hard for herself and her family. Her life was fully peaceful not until she encounter Asthon Luke Saavedra, the man who had a let...