Maaga naman akong nagising kahit late na akong nakatulog. As usual maaga akong pumasok at sobrang saya ko dahil nasilayan ko na naman si myloves pero gaya nang dati ay nagbabasa na naman ito ng libro.
Kahit alam kong di niya ako papansinin ay kinulit ko pa rin. Papansin na kung papansin pero ayoko talaga siyang tantanan mas gusto ko kasing kinulit siya paki niyo ba! Nakakatakot na tuloy itsura niya, para nang mangangain ng buhay pero go parin tayo, role natin ang inisin siya kaya gorabels lang tayo.
Nabalik nalang ako sa wisyo nang dumating ang first subject teacher namin. Tahimik naman akong nakinig sabay silip sa katabi. Ayan te! asar ka ng asar.
Discuss lang nang discuss every subject teacher hanggang sa mag lunch time na kami.
"Uyy beshh tara sa labas na tayo mag lunch"
"Anong sa labas eh nasa loob kaya tayo ng school" Pero ang bruha sinapak ako.
"Gaga ka talaga kahit kailan! Syempre nasa loob tayo nang school pero kung lalabas tayo eh di nasa labas gagi ka talagang bruha ka!" Oo nga no!
"Grabe ka naman sakin beshhhh! balak mo ba akong mamatay ng maaga"
"Okay lang yan beshhhh ako na bahala sa lahat! Mawala ka lang sa landas ko! Panalo na"
"Bahala ka na nga ayoko na sayo!"
"Eysst ito naman, binibiro lang" Sapak!
"Oo na! ayy teka! pwede kaya tayo lumabas?"
"Pwede naman"
"Mahilig ka kasing tumakas kaya alam mong pwede" Another sapak!
"Pang ilan na yang sapak mo beshhhh! Kunti nalang talaga ipapa-DSWD talaga kita"
"Gaga ka talaga! Halika na nga!" Wala na akong magawa kundi magpatianod sa bruha. Dumating kami sa labas nang gate at pumunta sa malapit na restaurant.
"Uyyy beshhhh tika" Hinila ko muna siya palayo sa restaurant.
"Bakit na naman?"
"Huwag nalang kaya tayo jan!"
"Eh bakit naman?"
"Itsura palang niyan mukhang mamahalin! Di ko afford"
"At sino namang may sabi na ikaw ang magbabayad?"
"Wala"
"Yun naman pala eh! Kaya wag ka nang umangal pa jan halika ka na" Sino naman kaya ang magbabayad oh Wait! Don't tell me?
"Jinowa mo ang may-ari no kaya siya ang magbayad?"
"Anong jinowa? Hoy bruha para sabihin ko sayo, ako ang magbabayad! OA nito"
"Wehhhhh?"
"Sipain kita jan eh! Halika na at correction lang ha! Ako ang magbabayad wala akong jinowa!"
"Sure ka ba talaga?"
"Oo bruha ka. Ngayon mamili ka iiwan kita dito o samahan mo ko plus may libre ka! Segi pili"
"Eto naman naniniguro lang naman! ayoko kasing maghugas ng pinggan kapag nagkataon"
"Halika na nga"
Pumasok na lang kami sa restaurant pero halos manigas buong bulbol ko sa sobrang lamig. Nagkasagutan pa kami ng orderin, ang bruha ba naman kase hindi denidetalye kaya ayun nakatanggap ako ng sapak kaya ang ginawa ko sinabi ko na lang na kung anong orderin niya yun na lang din sakin.
"Ang gaga mo talaga! Kahit sa pag-order dito hindi mo alam" Ayan na naman ang bruha.
"Hindi uso ang ganito samin! Street foods lang!"
"Ewan ko na nga sayo"
Tumahimik naman kami nang dumating yung order at nagsimulang kumain. Kinuha ko na rin ang baon na luto ni mama. Pero di sa pang judge ha! Mas masarap parin luto ni mama kaysa sa restaurant nato kasi hindi ko naman talaga gusto yung inorder ni Ellyse kaloka.
Buti nalang talaga at matakaw to kaya't siya na ang umobos dahil gutom na gutom daw rin siya. Matapos kaming kumain ay bumalik na din kami sa campus namin. Pagdating namin sa classroom ay dumiritso na agad ako sa upuan ko.
Hindi ko na sinulyapan ang katabing upuan kasi alam kong nagbabasa parin yun ng libro kaya nagfocus muna ako sa pagre-review kasi may quiz kami mamaya. Tahimik lang ako sa bawat minutong lumipas at hindi rin nagtagal ay dumating sa ang guro namin.
Media and Information Literacy ang subject namin ngayon at ito din ang subject na mag-quiz kami. Nagsimula na kaming mag-quiz at syempre kahit may pagkabobo ako ay madali ko naman itong nasagot.
Matapos ang quiz at hulaan niyo! Nakapass ako ako sa quiz! I got 18/20. Actually di naman ako matalino di rin ako bobo! Medyo lang yung parang sakto lang. Honor student ako and good thing dahil hindi kami pini-pressure ni mama at papa.
Di nagtagal ay natapos na din at hindi lang yun at may good news pa dahil wala daw pasok lahat sa senior high and junior high dahil may mahalagang pinagme-meetingan ang mga guro.
Abot langit ang tuwa ng mga kaklase ko dahil sino ba naman ang hindi diba! Asahan kong isa ka riyan! Kahit gaano ka pa sa good student. Lahat ay naghanda at kaming mga cleaners ay nagsimula naring maglinis. Pagkatapos ay isa-isa na ding nag-uwian.
Actually wala na ang magaling kong kaibigan kasi tumakas na naman sa paglilinis. Kasama ko siya bilang cleaners at ako ang nagdadala ng attendance pero dahil mabait ako ay palaging present sa paglilinis ang bruha.
YOU ARE READING
My Encounter with Mr. Cold-Hearted Guy {UNDER EDITION}
RomanceAlliesha Lae Mendoza is a kind and a gorgeous woman. Inspite of being not good in a condition, she still manage to work hard for herself and her family. Her life was fully peaceful not until she encounter Asthon Luke Saavedra, the man who had a let...