It’s almost the end of February. Parang kailan lang ay nag-iingay pa ang lahat para sa pagsalubong ng bagong taon, ngayon ay ikalawang buwan na agad ang matatapos. I became very busy after the field trip. But a miracle happened that sometimes can lighten my strenuous day.
Isagani and I were kind of improving in terms of interacting. He often smiled at me whenever our eyes met. Paminsan-minsang nagkakausap na rin kami tungkol sa mga bagay na hindi kalahok ng pag-aaral.
“Hi,” I greeted. “Si Tiff, narito na ba?”
“Good morning,” he smiled and checked the attendance. Siya ang naghahawak noon as a class secretary. “Wala pa. She’s usually early for his man, pero wala pa siya ngayon.”
Kumunot ang noo ko. “Sana naman, hindi sila nag-away kaya late siya ngayon ng kaunti.” Ganoon si Tiffany. Kapag may hindi pagkakaintindihan sa kasintahan ay nawawala siya na parang bula.
“Kumain ka na?”
“Hindi na ako nakapag-almusal, muntik na akong ma-late.” I pouted.
He laughed a little. Tapos ay bumalik na sa upuan niya. I checked myself through my phone’s camera. Eksaktong pag-click nito ay lumitaw si Isagani sa likuran ko, holding a kakainin that I don’t really know the exact name. Bahagya akong nagulat kaya itinago ko agad ang phone ko at nilingon siya.
“Bibingka? Kumakain ka?” He offered. “May nakita akong nagtitinda kanina... na-miss ko lang kumain kaya bumili ako ng dalawa. Sa ‘yo na ‘to kung kumakain ka nito.”
I was hesitant at first. Pamilyar naman ako sa pagkain na iyon pero aminado akong hindi ko pa natitikman. It’s just, my family doesn’t like ‘kakainin’ so we don’t cook or order foods like that. “Thanks, Gani!” Pahabol ko nang talikuran na niya ako. Tinanggap ko pa rin.
Nakangiti ako habang nagj-jot down ng notes. That bibingka is indeed delicious. It might be my new favorite. Maganda talaga ang simula ng umaga kapag si Isagani ang nag-umpisa.
“Tiff, where are you?”
[“Bahay, kuwarto.”]
“Something happened?”
[”The guy I was with last field trip, wala na. Tangina. Sabihin ba naman sa aking kaya niya ako nagustuhan ay dahil naaalala niya ang ex niya sa akin. Nakakagago, right? Nakakagalit, sobra!”]
I can never imagine how it feels to be loved by someone just because they were seeing their past love in you. Doesn’t it hurt so much? To the point that you would question yourself, hindi ba ako sapat para mahalin bilang ako at hindi dahil parang ako siya? Hindi ba ako sapat para makita bilang ako at hindi dahil may pagkakatulad kaming dalawa?
I cannot imagine what Tiffany feels right now. So I decided to visit her after class. Kaso it’s raining so hard. Hindi ko tuloy alam kung paano ako aalis. I was planning to commute na lang kanina dahil maaga ang dismissal at pupuntahan ko pa nga si Tiff kaso bumuhos naman ang malakas na ulan.
Then I saw Isagani, sumusugod sa ulan. Tanging hoodie niya lang ang panlaban. Nagtitilamsikan ang tubig sa kaniyang dinadaanan. Nakayuko ito’t tumatalbog-talbog ang buhok habang tumatakbo. Pinanood ko siya hanggang sa makalapit ito sa akin sa loob ng shed.
“May sundo ka?” Hinubad niya ang makapal na hoodie. He combed his hair using his fingers. Bahagyang basa rin ang panloob niyang puting t-shirt na hakab na hakab sa katawan nito. What the hell, Tala, take your eyes off of that thing!
Nag-iwas ako ng tingin. “Wala, e. Commute sana.”
“Hatid na kita.”
Napalingon ako rito. Nagl-level up na talaga kami! “Hala, no need! Gusto ko rin kasing puntahan si Tiff muna...”

YOU ARE READING
Tila Tala
Teen FictionJust like a star, I stare you for long. While everything has change, I can not break away.