Nagising ako sa ingay ng paligid. Marahan kong kinusot ang mga mata bago magmulat. I saw everyone leaving the bus except me... or us. To my surprise, I was resting my head onto his shoulder. Napabangon ako agad sa gulat.
“Gani...” I whispered. “S-Sorry...” Ni hindi ko alam kung bakit parang ang big deal nito para sa akin.
“Let’s go. Maiiwan na tayo.”
Tumayo na siya’t naunang lumabas. Hinintay kong makabawi ako sa nangyari. I even tapped my cheeks a lot of times para magising. My heart was racing! Hindi naman ako nagkakape! Dumagdag pa na hinihintay niya pala ako sa labas ng bus. Malayo-layo na ang mga kasama namin na maabutan sana niya kung nauna na siyang naglakad pero narito pa rin siya.
Uh. Don’t assume things, Tala!
“This painting of Leonardo Da Vinci entitled Starry Night, he painted this when he was about to die.”
Everyone’s attention is in the paintings, but mine were always on him. The way his eyes glister whenever he sees artworks with stars. I wonder what’s with it. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero mayroon siyang star keychain na palaging nakasabit sa bag niya, mayroon ding necklace na bituin ang palawit, even his phone case sa xr niya ay tala.
Tala... Tala?
I shook my head. I should really stop focusing on him. Masyado na akong maraming napapansin at nabibigyan ng pansin. Then, one of my blockmates suddenly grabbed me for a picture.
“Isagani, sali ka!”
Isagani just smiled and nodded at Yuisa’s offer. Nagpamulsa siya at naglakad palayo. Naiwan ang tingin ko sa kaniya habang patuloy na naririnig ang pag-click ng camera.
“Magl-lunch lang tapos Enchanted Kingdom na! Hay, para akong batang excited dito. Tagal ko na hindi nakakapagliwaliw!”
I texted Daddy after lunch. Ang bilin niya lang palagi ay to update him from time to time. Kahit masyadong maraming pabaong rules and regulations, hindi naman nila ako pinaghihigpitan.
Our experience in Enchanted Kingdom is indeed messy but fun. Nagulat ako nang may magsuka pa at literal na hilong-hilo after a few rides. Natatawa na lang ako habang naghihimas ng likod nila at umaalalay para hindi matumba.
“Tatag naman ng sikmura ni Tala! Hindi pa rin nagrarambulan, e, naka-ilang rides na!”
Napuno ng tawanan ang gawi namin dahil sa makalat na eksena. There I saw him in the corner of my eyes, laughing and interacting with some people. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Very genuine and looks so comforting.
“Gani, sakay tayo!”
“Kaya mo na ‘yan,” bahagya siyang ngumiti.
Tila lumundag ang puso ko nang masilayan iyon. He smiled? He smiled at me?! Hindi ko na tuloy dinamdam kahit hindi niya ako sinamahan sa rides na gusto kong sakyan. That smile means a lot!
Marami-rami rin kaming napuntahan ngayong umaga. Tamang-tama lang ang biyahe na nagsimula kaninang alas tres ng madaling araw. Magkatabi ulit kami sa pinakadulo. Ngayon ay hinayaan niya akong sa tabi ng bintana. Take turns daw kami. Habang nasa biyahe papunta sa huling destinasyon, suot ko ang headphones ko’t nakikinig ng music.
I looked at Isagani who was peacefully sleeping beside me. He is like an angel who came from above. Napakapayapa ng hitsura. Maging ang buong pagkatao ay mala-anghel. I wonder what’s with his past. Bakit ganoon ang kuwento ni Tiffany tungkol sa kaniya? Why is he like that towards his parents when he can be like this towards strangers?
Naputol ang pag-iisip ko nang bahagya siyang gumalaw. Nanatili itong nakapikit ngunit may maliit na kunot ang noo. His breathing is uneven kaya bahagya akong naalarma. Binabangungot kaya siya? Then suddenly, he whispered a name that was... similar to mine.
“Tala...”
The bus stopped in a restaurant for dinner. Nanatili akong nakatitig sa kaniya hanggang sa dumating si Kyle para gisingin ang lalaki. Sa pagmulat niya ay nagtama ang aming mga mata. Hindi nakalagpas sa akin ang luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata. That confused me a lot. But he acted like nothing happened. Naiwan ako sa loob ng bus habang sinusubukang intindihin ang nangyari.
He shed a tear because of... Tala... in his dreams? Sino ba talaga si Tala sa buhay niya?
Tahimik ako sa buong hapunan. Hindi ako makasabay sa usapan dahil sa labis na pag-iisip. Hindi ko naman dapat ito pino-problema! Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasang isipin. Na para bang... parte ako. Na parang may kinalaman ako.
“Tal, ikaw?” Ate Nami asked.
Napaangat ako ng tingin. “Po?”
“Okay ka lang ba? Masyado kang preoccupied.”
Tipid akong ngumiti. “Ayos lang po ako, medyo napagod lang...” Napapagod kakaisip sa kaniya.
Somewhere in Tagaytay, we stopped by to breathe some fresh air and took a little rest before heading home. Naupo ako sa malaking bato na nakita at pinagmasdan ang tanawin. Napaihip ako ng hangin nang maramdaman ang kakaibang lamig ng lugar. Hinubad ko kanina ang sweat shirt ko dahil pinawisan ako sa mga rides. Naiwan ko iyon sa loob ng bus.
I can’t help but to think of it. Pero wala naman dapat akong pakialam. I should divert my attention, really.
College is indeed tiring. I am here, taking education. Hindi ko nga alam kung bakit ako napadpad doon. Ang alam ko lang ay dapat, may kuhanin ako. Dapat, may daan akong tahakin. Then I found myself following Mommy’s unfinished business. Mommy is now a baker and not her dream, teacher.
I love kids. I like teaching. But I guess, I am not really for this. Pero hindi ko yata kayang sukuan ito sa ngayon. Minsan, napapaisip na lang ako... kung bukal sa puso ang pinili kong daan, aangat din kaya ako? Would I excel because it is something I love to do, to study, and to become someday? Para akong naliligaw.
Warmth enveloped me as someone put a jacket on my shoulders. Nag-angat ako ng tingin at siguradong bakas ang gulat sa mukha ko nang makita ang lalaki. Naupo si Isagani sa tabi ko. Nanatili akong tulala at tameme dahil sa ginawa niya. Anong nakain nito at siya ang unang nag-approach sa akin? Sinusuyo niya ba ako?
“Hindi ako sanay na tahimik ka.”
Napalabi ako’t nag-iwas ng tingin. I know, I am not in the position to ask so I will try to stop myself.
“You can ask me now, Amore.”
I don’t know why he is being nice now. Kung bakit ganito niya ako kausapin. Alam ba niyang maraming naglalarong mga tanong sa utak ko? Pero alam ko sa sarili kong kahit gaano akong kasabik malaman ang bawat sagot doon ay hindi ko magagawang isa-tinig ang mga iyon.
“Wala naman akong gustong itanong...” I answered lowly.
He chuckled a bit. “I’m giving you a chance now,” our eyes met as I looked at him directly in his. There were ghosts of smiles on it. “First and last chance.”
“Hindi ko naman ipinipilit... kung hindi mo gustong magkuwento o sabihin, okay lang. Hindi mo naman obligasyong sagutin ang mga gusto kong malaman.”
Nakipaglaban lang siya ng tingin. Sa halip na makaramdam ng init dahil sa pagkakabalot ng jacket niya sa akin ay lalo akong nanlamig. His stares weren’t as cold towards me as they used to be before. Nakakapanibago. Pero nakakatuwa. I could sense a change.
“Okay, then. It’s for you to find out the answers now.”
•••

YOU ARE READING
Tila Tala
Fiksi RemajaJust like a star, I stare you for long. While everything has change, I can not break away.