XX

0 0 0
                                    

Nahihilo na ako nang makarating sa paroroonan. Binuksan ko ang pinto at lumabas ng kotse. Nang mag-angat ako ng tingin ay sumalubong ang malamig na titig ni Isagani. Nanlambot ang mga tuhod ko’t nag-init ang sulok ng mga mata.

Tinakbo ko ang distansiya naming dalawa. Ngunit ang inakala kong mga brasong sasalubungin at yayakapin ako ay nanatili sa kaniyang mga bulsa. Bumagal ang takbo ko at hindi na itinuloy ang balak na pagsalubong ng yakap.

“Gani...” My voice broke.

I tried to reach for his hand. Pero para akong napaso sa init at agad na umatras. Nang iangat ko ulit ang tingin sa kaniya ay lumamlam na ang kaniyang mga mata.

“May lagnat ka...” Mahinang aniya.

I shook my head and smiled. “Ayos lang ako!”

Umiling din siya at hinawakan ang palapulsuhan ko para hilahin ako paalis sa lugar. Isinakay niya ako sa kotse niya.

“Tatawag na lang ako ng mag-uuwi ng sasakyan mo sa bahay... ko rito.” Sabi niya bago paandarin ang kotse. “Saka na tayo mag-usap, magpagaling ka muna.”

I heaved a sigh. Kumikot ang puso ko, parang pinipiga sa sakit. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magsaya ngayong kasama ko na siya. Siguro, dahil hindi ko rin maiwasang isipin ang mga susunod na mangyayari. Inaamin kong natatakot ako, kahit nangako si Isagani, may pangamba pa rin sa puso ko.

Paano kung hindi na talaga siya bumalik?

Nakarating kami sa bahay na tinutukoy niya nang hindi nag-uusap. Kahit nariyan lang siya ay parang ang hirap niyang hawakan.

“Ipinabibigay ni Dhea.” Iniabot niya sa akin ang isang kahon. Nagtataka man ay hindi ko magawang mag-react. Ano naman ang ibibigay ni Dhea?

Nang buksan ko ito ay nakita ko ang kuwadernong sinusulatan niya ng kuwentong inihayag niya sa akin noon. It’s been... almost three years. Natapos na niya?

“Magpahinga ka muna... ipagluluto kita.”

Hindi na ako umalma. Maluha-luha pa rin ang mga mata ko dahil na rin sa halo-halong sakit na nadarama. Tumango lang ako nang nagpaalam siya.

Kinuha ko ulit ang journal at binuklat. Hindi nagbago ang nakasulat sa unang pahina. Pinaraanan ko ang bawat pahina at mukhang natapos na nga niya. Lahat ito ay masulat na. Bahagyang magulo pero maiintindihan pa rin naman.

Ipinagpatuloy ko ang naudlot na pagbabasa.

Midnights, moonlights, under the starry skies. Who would have thought... that the other one is up there, shining so bright, and the other is staying here with me tonight.

The start is really interesting. The prologue was written from a male’s point of view. And the death of someone he truly loves. I continued reading. Confuse ako noong una sa umpisa dahil namatay na ang babae. Pero hindi pala siya ang bidang babae sa istorya.

Uno and Stella, the main characters, are getting familiar slowly by slowly. Tipong kumukunot na ang noo ko habang patuloy na nagbabasa dahil namumukhaan ko ang takbo ng kuwento, pero hindi ako nagpakain sa hinuha.

Four years of connection, but still lack of the past’s information. Unti-unting nabubuo ang mga piraso ng palaisipan sa isip niya. Unti-unting nabubunyag ang madilim na sikreto ng nakaraan.

“Ikaw si Stella... pero hindi ikaw si Stella.” Malamig na anas ng lalaki sa kaniyang harap.

“Ang babaeng ito...” Nanginginig ang mga kamay na itinuro ng babae ang larawang nakita sa kuwarto ng lalaki. Garalgal ang paghinga at maluha-luha ang mga mata.

Tila TalaWhere stories live. Discover now