XVII

1 0 0
                                    

“Flower delivery po para kay Miss Tala Lagdameo!” Salubong sa akin ng delivery rider nang makalabas ako ng gate.

I thought it was Isagani na kanina pang bumubusina. Kaya nga natagalan ako sandali sa pagbaba dahil inayos ko pa ang kulang pula kong damit para sa araw ng mga puso.

“Po? For me?”

Tumango si Manong. “Pakipirma na lang po rito, Ma’am.”

I took the red roses with me inside again. I was looking for a note at hindi naman ako nabigo.

Happy hearts’ day sa babeng nilalaman ng puso ko. Mahal kita, sa hirap man o ginahawa.

— Gani

Sa hirap o ginhawa. That means a lot to me. Sana talaga ay kumapit ng mahigpit si Isagani sa hirap man o ginhawa.

That made my day. Kahit hindi nagtugma ang schedule namin ni Isagani maghapon ay nagawan pa rin ng paraan na makalabas kami para sa hapunan. Since nasa labas din naman ang mga magulang ko, lalabas na rin ang anak.

“Gani... ano ‘to...” I pouted.

Akala ko ay hindi niya naalala. Hindi niya ako sinipot maghapon at hindi pa inihatid pauwi. Iyon pala ay nauna siya sa bahay namin para ihanda itong pakulo niya. He prepared so well for our first anniversary. He smiled widely as he handed me a bouquet of red roses.

In our wide garden, there is a prepared circular table for two. May candlelights at bulaklak sa gitna noon. Nakahanda na rin ang mga pagkain. On the other side of the garden, there are Christmas lights, oh, I forgot that it’s already November. A gentle music is also playing in the background. Sa kabila pang parte, roon ako namangha. There are printed photos of us hanging in the air. May mga naka-envelop din na wari ko’y mga sulat.

I looked at Isagani beside me. He smiled and shrugged his shoulders. Inaya na niya akong maupo. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. I never expected a man to effort this much for me, Isagani never let me feel less.

“Did you like it?”

I chuckled. “Who wouldn’t? Who wouldn’t love it?”

“Magtatampo na sana ako. You aren’t responding all day.”

“It’s a part of the plan. I’m watching you when you’re not looking kaya, the baby is sulking.” Pang-aasar pa niya.

“Tito and Tita are out for a date, too. Magc-cine pa yata sila, so let’s assume we own the place until midnight.” Isagani said.

I was busy looking at the pictures when I felt him on my back. Isagani gently encircled his arms on my waist, hugging me from behind. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko. I winced a little as it tickles me. I heard him chuckle.

I can now feel butterflies in my stomach, my heart is thumping loudly but with joy. In the bottom of my heart, I was praising Isagani repeatedly. I admit, minsan, ang hirap niyang basahin at timplahin. Pero kapag nakuha mo na ang tamang sangkap para mapaamo siya, madali na lang sa ‘yong makita ang pinakamagandang bersyon niya.

“Happy birthday, Gani... I love you so... so much.”

He gave me a peak and decided to let go. Good decision.

“Ito ‘yong...”

“Sa simbahan. Seventh day ng simbang gabi. When I confessed.”

“Ito ‘yong unang paskong magkasama tayo,” he pointed to the picture where we are wearing Christmas hats. “Tapos ito noong birthday ko, birthday mo— oh, I forgot the Palawan vacation one... ang cute.” He chuckled.

I watched him adore every picture he took. Seeing him smiling wholeheartedly makes my heart also celebrate in happiness. This is the Isagani I wanted to remember hanggang sa susunod na buhay. He looked so happy, so am I.

Time flies so fast. Time did not stop when our relationship reached a year. Unti-unti, mas naiintindihan ko ang mga bagay-bagay. Hindi palaging masaya, hindi palaging malungkot at masakit. May mga araw na kailangan nating kumapit ng mahigpit, sa hirap man o sa ginhawa.

“Enrolled ka na?”

“Tal,” he called. Isagani reached for my hand. “Paano kung... huminto muna ako ng panandalian?”

“Gani...” I called with my voice full of concern. “May problema ba?”

“Paubos na rin kasi ang savings ko. Siguro ay magtatrabaho muna ako para makaipon ng pang-dalawang semester. Dalawa na lang naman...”

My heart softened. Malamlam ang kaniyang mga mata, marahil ay namomroblema nga ngayon kung paano siya makakapagbayad ng tuition fee para sa dalawang natitirang semester. Matagal na rin ang tatlong taon at paniguradong malaki na ang nawala sa kaniyang pera.

“I can help.” Desididong sabi ko.

“Please, let me. Hindi ko ginagawa ‘to para sa sarili ko o dahil naaawa ako sa ‘yo o dahil boyfriend kita. I’m offering this to you para rin sa ‘yo mismo. Kaunting hirap na lang, makakapagtrabaho na tayo na may diploma. Sabay tayong magmamartsa, Gani.”

Kumislap ang mga mata niya pero dahil sa namumuong luha. Umiling ito, hindi binabali ang tingin sa akin.

“Hindi ko matatanggap, Tal.”

“Tanggapin mo... para sa sarili mo...”

Senior year welcomed us with a rough day. Araw-araw ay nakakapagod, parang hindi na puwedeng magpahinga. Iniisip ko pa lang na sa mga susunod na buwan ay mag-uumpisa na ang OJT ko, parang pagod na pagod na agad ako.

“Hi...”

Sinalubong niya ako ng yakap. “How’s your day?”

“Okay na. Kasama na kita, e.”

Mahina siyang tumawa. Nagyaya akong kumain sa labas kahit medyo maaga pa. Hindi naman kami puwedeng magpagabi dahil marami ring ginagawa. Gusto ko lang siyang makasamang kumain sa ngayon, pareho na kaming abala sa sari-sariling buhay.

“Uuwi ako ng Tagaytay sa Sabado,” panimula niya. “Death anniversarry ni Mama.”

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Oo nga pala. “Gusto mo bang... samahan kita?”

“Hindi na... alam kong busy ka, mag-focus ka na lang muna sa dapat unahin at pagtuunan ng pansin.”

I smiled a little and nodded. “Ingat ka. Magsasabi ka sa akin, hmm?”

Dumating ang Sabado, maagang umalis si Isagani base sa message niya sa akin. Natutuwa ako at palagi na siyang nagpapadala ng update kahit hindi ko hinihingi kahit pa nasa Tagaytay siya. Hindi tulad noon na kapag naroon siya ay parang hindi niya ako naaalala.

“Si Gani, anak?”

“Nasa Tagaytay po.”

Napatango siya. “Posible palang magkita kami roon. Tagaytay din ang punta namin bukas.”

“Ingat, Dad. Say I love you to Gani from me!” Panunudyo ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

“May I love you kay Isagani, sa akin, wala? Isusumbong kita sa Mommy mo.”

Tumawa ako at nagpaalam na gagawa muna ng mga proyekto sa kuwarto. I spent my whole weekened in my room, doing all the schoolworks I have to pass this week. Madalas namang tumatawag si Isagani pero hindi na siya nakapagpadala ng mensahe nang sumapit ang Linggo ng hapon.

To: Gani
pauwi ka na? imy :(

Hindi siya sumagot. Sinubukan kong tumawag pero hindi niya pa rin sinasagot. Bahagya akong nag-alala pero hindi ko hinayaang lumala iyon. Baka naman abala sa pagmamaneho, o nagpapahinga kung saan dahil pagod na ang mga kamay at mga mata.

•••

Tila TalaWhere stories live. Discover now