XXI

0 0 0
                                    

“Tala... let’s talk about it in peace. Umuwi na tayo.”

I shook my head. “No, Dad! I deserved to know the truth, right here, right now — na dapat, noon ko pa nalaman!”

Napako lang sila sa kinatatayuan. Gulat at natutop ang bibig ni Daddy, hindi alam kung paano magpapaliwanag. Mangiyak-ngiyak naman si Mommy, paniguradong nasasaktan at napapagod na sa lahat. Isagani is just standing a meter away from me, bowing his head with his hands close and shaking a bit.

I felt so betrayed. Sa dami kong nakilala sa mundong ito, sa kanila lang ako nagtiwala ng buo. Sinong mag-aakalang kaya nilang magtago sa akin ng ganito? Wala ba akong karapatan sa ipinagdadamot nilang katotohanan at nakaraan?

That was my sister... who’s missing for eighteen fucking years. Tapos malalaman ko, apat na taon na ang nakalipas matapos niyang magpakamatay? I felt so useless as her sister. Wala akong nagawa. Hindi ko man lang nasubukang hanapin siya. Hindi ko man lang siya nakilala, nakita, nahawakan, at nayakap.

Paano ko na magagawa ‘yon ngayon kung wala na siya?

“It was supposed to be you.”

“Therine! Don’t be this harsh to our daughter!”

“I want to hear... Daddy, I want to know.” Mahinang usal ko, nanghihina.

Even though my heart sank the moment I realized the meaning behind Mommy’s words.

Isagani flinched when I tumbled on the ground. Pero hindi niya naman ako nilapitan, si Mommy ang dumalo sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Hindi ko magawang yumakap pabalik dahil sa panghihina. I just whispered to her to tell me the story. Alam kong iniligtas ng mag-asawang Thel at Daniel si Tala Amora... pero hindi ang ‘it was supposed to be you’ na sinasabi ni Mommy.

“Simbang gabi... isang taon na kayo’t walong buwan noon. We were at the park after attending mass. I was playing with Amora... but I suddenly saw a stranger talking to you. Kinabahan ako at sa sobrang taranta ay naiwan kong mag-isa si Amora sa bench kung nasaan kami noon. Hindi ko alam na may kasabwat pa sila sa paligid noon at ang kapatid mo ang kinuha nang mabigo sila sa ‘yo.”

She put her hands on her mouth, suppressing her sobs. “I saved you from the kidnappers... but your sister didn’t.”

“Walang tumawag, walang humingi ng pera, walang nanakot... hanggang sa wala na kaming naging balita. Marcus made the investigators stop without asking my permission after two years. Halos mabaliw na ako sa kahahanap sa kakambal mo. Hindi ko na alam kung paano gigising at tutulog nang wala siya.”

“Until an incident made me realize that I still have you. I did not lose my Amore... pero muntik ka na ring mawala sa akin noong araw na nahulog ka sa hagdan... I was so so scared, I’m afraid, I might lose a daughter again dahil sa kapabayaan ko. Kaya simula noon ay mas tinutukan ko ang pag-aasikaso at pagmamahal sa ‘yo.”

The attention was on me because they were scared the history would repeat itself. Natatakot silang mawala ako kagaya ng pagkawala ng kakambal ko. That’s why they made me feel so loved.

“Bakit hindi niyo po sinabi sa akin?”

“Natatakot ako, anak,” she sobbed. “Baka kamuhian mo ako dahil naiwala ko ang kapatid mo. Baka magalit ka sa akin dahil hindi ko siys nailigtas... wala akong nagawa...”

“I would never... never put the blame on you, Mommy. Wala ka namang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang pagkawala niya.”

Everything has reasons. Napunta si Amora sa mag-asawang Thel at Daniel dahil alam ng Diyos na mas mamahalin siya roon at pagtutuunan ng pansin. Hindi naman sa sinasabi kong hindi kami kayang pag-alayan ng tunay naming mga magulang dahil alam ko sa sarili kong labis-labis ang pagmamahal na ibinibigay nila sa akin.

Tila TalaWhere stories live. Discover now