“Hi...”
Nasa harap ako ng vanity mirror. Nakapatong doon ang phone ko. Isagani answered my call doing something with his pen and notebook but put it down when he heard my voice.
[“Miss mo na ‘ko, ‘no?”] He teased. Sino ba namang hindi makaka-miss sa lalaking naka-white shirt ngayon, nakasabit sa leeg ang headphone, may magulo pero maganda pa ring tingnan na buhok, at mapupungay na singkit na mga mata.
Tumawa siya. [“Lagot ka. Nagtatampo si Tiffany, hindi mo raw tinatawagan. Sasabihin ko ba? Na ako na ang bago mong paborito?”]
“Ang sama mo...” I pouted. “I’m planning naman mamaya... busy all day, e.”
[“Pero ako ang unang tinatawagan, hmm?”] Taas kilay niya pang pang-aasar.
“I met new friends...” Sabi ko. “Ang guguwapo.” I giggled in front of him.
Tinitigan niya ako saka napatango-tango. [“Hmm, mas guwapo kaysa sa akin, that’s why enjoy ka riyan.”]
Kumawala ang mga tawa ko. Hawak ko pa ang tiyan at naiiyak na sa katatawa. He looked so jealous while uttering those. “Tunog nagseselos naman ang paborito ko...” Ang cute.
Isagani glared at me. But there are ghosts of smiles on his lips, still staring at me. Napatigil ako sa pagtawa nang magtagpo ang mga mata namin. Kahit sa screen ay napakaguwapo pa rin.
[“When are you going home nga ba ulit?”]
“After a month, so... see you next month!”
He shrugged. [“Hindi mo sure.”]
Days passed by really quick. I went to different places already. Sometimes with Papalo and Mamala, often with Jade and some of his friends that are also my friends, I think. Hindi na kasi sila puwedeng mapagod nang sobra kaya naman sina Jade ang sumasabay sa trip ko.
We stopped at Starbucks to grab some coffee. Masyado pang maaga pero hinahabol namin ang pagsikat ng araw na ni-request kong mapanood noong nakaraan. We are living in a village in Manila, that’s why I often missed the sunrise. Kami lang dalawa ngayon ay sakay sa vintage car ni Papalo. The other refused to come, ‘date’ raw ito, mga malisyoso.
“Antok pa,” bulong ni Jade nang makita ang paghikab ko habang naghihintay ng order.
I pouted. “Sorry, ha?! Seven pa kasi ako gumising sa Manila. This is so maaga for me.”
Tumawa siya. Pinauna na niya ako sa sasakyan habang kinukuha niya ang binili. Nakatulog pa ulit ako sa maikling biyahe kaya malamig na ang kape ko nang sumimsim ako rito.
Jade found the perfect place to watch the sun rise. Naglatag siya ng picnic blanket sa damuhan. Uupo na sana ako roon pero pinigilan niya ako’t may ipinakita na isa pang telang nakatiklop. Inilapag niya iyon sa tabi niya.
“Dito ka maupo para hindi masyadong matigas.”
I smiled and thanked him.
“Bagong lipat ba kayo ro’n?” I asked.
He nodded. “Yep. We are also from Manila. Sabi mo, umalis ka sa Palawan for SHS. Ako naman, lumipat doon para sa college ko, two years ago.”
“Masyadong magulo ang Maynila para sa akin. Palawan is much better. I love being here, I might spend my entire existence here.” He looked happy. I wonder what his life is in Manila for him to describe it as ‘magulo’.
“If I didn’t dream that much in Manila, I prefer staying here also. But there is a bigger world for me.”
“Hala, ayan na!”
![](https://img.wattpad.com/cover/366442265-288-kbabce2.jpg)
YOU ARE READING
Tila Tala
Teen FictionJust like a star, I stare you for long. While everything has change, I can not break away.