I woke up in the morning with my eyes swollen a bit. I cried silently last night, praying for everyone’s healing and fast recovery. Kahit wala akong alam sa pinagdadaanan nila, hangad ko palagi ang kapayapaan sa puso’t isip ng lahat.
“Long time no see, bro!” Damon lifted his hand for a fistbump. Tipid akong ngumiti at binangga ang kamay niya gamit ang akin.
“Ayos ka lang ba?” Mahihimigan ang pag-aalala sa tono ng boses niya.
“Oo naman...”
Patuloy kaming naglalakad, hindi ko nga alam kung saan ako pupunta, masyado pang maaga. Kaya lang naman ako nagpasyang umalis ng maaga sa bahay ay dahil hindi ko makayanan ang atmospera.
“Ice cream tayo, libre ko!” Damon tries to light up the mood.
“Masyado pang maaga.”
“Hala, tumanggi ka sa ice cream? May sakit ka ba?” Inilapat niya pa ang likod ng palad sa noo ko. I chuckled. “Wala naman... I’ll save it for later, ha?”
I nodded. Nagpaalam na siya dahil maaga ang klase niya. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad-lakad. Hanggang sa matanaw ko si Isagani mula sa malayo. Pinagmasdan ko lang na tangayin ng hangin ang ilang hibla ng buhok niya, kung paano maningkit ang mga mata sa tama ng sinag ng araw, kung paano siya mag-isip ng malalim.
“Hold my hand and let me save you, baka nalulunod ka na... sa lalim ng iniisip mo.” I smiled a little.
Nag-angat siya ng tingin sa akin, malamlam ang kaniyang mga mata pero makikita ang bakas ng pagngiti rito. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakalahad. Bumilis ang tibok ng puso ko nang abutin nga niya ang kamay ko.
“You’re always saving me, kahit hindi ko hawak ang kamay mo... palagi ka namang narito sa puso’t isip ko.”
Tumawa ako at mahina siyang hinampas. “Corny mo.”
Kahit ang totoo ay nag-iinit ang puso ko. Isagani is still holding on, at hangga’t nakakapit siya, hindi rin ako bibitaw. Walang rason para mapagod.
“Sabay tayong mag-lunch, hmm?”
I just nodded, speechless. How I miss being with this Isagani once again. We missed almost a month because of that little problem. I hope, everything got fixed and we can finally go back to the us, almost a month ago.
“Kumusta ka?”
“Gani...” I pouted. “Hindi ako okay.”
“Magkuwento ka, makikinig ako.”
His tone and words enveloped my ears and melted my heart. Those are the only words I always wanted to hear when everything feels heavy. Gusto ko lang ng taong handang makinig at samahan ako sa oras ng kaguluhan.
“Syempre, bilang anak nila, mahirap para sa akin ang nakikita silang nagsasagutan sa isang bagay na hindi ko naman alam, na ayaw nilang ipaalam sa akin.” Tinapos ko ang pagkukuwento at bumuntong hininga na lang.
I felt Isagani’s arm encircling my shoulders. Hinapit niya ako palapit sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ng labi nito sa sintido ko. I closed my eyes and felt it.
“I’m sorry, you have to experience this...” He whispered. “I cannot promise but I will still pull your hopes up na maayos lahat ng ‘to. Kaunting panahon pa.”
Isagani and I parted ways and did not see each other again for days. Nawala na naman siya na parang bula sa gitna ng kaguluhan. Saan ko na naman siya hahagilapin ngayong kailangan ko siya?
“Hindi pa rin sumasagot?” Tanong ni Tiffany.
Umiling lang ako at ipinatay na ang telepono. Bumuntong hininga ako at tumitig sa kawalan. Hindi ko magawang magalit dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala sa puso ko. Hindi ko mawari kung bakit pero hindi ko maiwasang kabahan sa bawat oras at araw na lumilipas na hindi ko siya makausap.
YOU ARE READING
Tila Tala
Teen FictionJust like a star, I stare you for long. While everything has change, I can not break away.