"Condolence Patricia."
Mula sa hagdanan ay nakasilip ang isang anim na taong gulang na batang babae. Malungkot na nakamasid sa kabaong ng mommy niya. She thought it wasn't fair. Losing her mom at a young age wasn't fair. Maraming katanungan ang bumabagabag sa isip niya. Who will sing her to sleep? Who will prepare her pack lunch for school? Who will help her in her assignments? Could her father do it alone? Will he be fine? Won't he be sad? What will happen to them now?
Ramdam ng bata ang sakit at pangungulila sa ina ngunit walang luha ang tumutulo mula sa kanyang mga mata. She's an 'ate' now. She already have a little brother. She needs to be strong. But she can't mask the sadness in her eyes. She can't even look at her brother.
"Althea?"
Nag-angat ng tingin ang batang babae sa kapatid ng mommy niya. Simula nung una ay siya na ang nag-aayos ng lahat ng para sa burol ng mommy niya. Her daddy can't even help in the preparation without crying.
"Tita." She whispered, almost asking for help. She can't take good care of her father and brother at the same time at her age.
Lumuhod ang tita niya para pantayan siya. Her tita smiled at her reassuringly. "Everything's gonna be fine. Don't worry."
But still, she can't help it. Kahit na sinabi 'yun ng tita niya ay naaaninag niya pa rin ang awa, lungkot at pangangamba sa mga mata nito. And right there, she knew, nothing's gonna be fine.
"Can you call your dad for me?" Sabi ng tita niya na mabilis naman niyang sinunod. Umakyat siya sa ikatlong palapag ng mansion nila at dahan-dahang lumapit sa nakaawang na pinto ng kwarto ng parents niya, just to hear her father's sobs and see his misery. Sa batang edad ay nasaksihan niya kung paano magmahalan ang parents niya kaya naman ay alam niya kung gaano kasakit para sa daddy niya ang nangyari. Even with her young age, she know what her father is feeling at that moment. Alam niya kung paano nabuo ang munting galit sa puso ng daddy niya para sa munti niyang kapatid na siyang dahilan kung bakit inalay ng mommy niya ang buhay nito. Alam niya dahil may munting galit din siyang nararamdaman sa puso niya.
"Dad?" Mahinang tawag niya rito kaya ay natigilan ito. Suminghot pa ito at pinahid ang mga luha bago lumingon sa kanya.
"Thea. Come here."
Mahina ang hakbang na pumasok sa kwarto ang batang babae. "A-are you okay?"
Ngumiti ng maliit ang daddy niya pero hindi ang ngiting iyon ang nakikita ni Thea kundi ang sakit sa mga mata ng daddy niya. "Yes, of course. Everything's gonna be okay."
Sinuklian niya ang daddy niya ng maliit na ngiti. Those words. Ilang beses na ba niyang naririnig ang mga salitang iyon? Those words are nonsense. Those are lies. But Althea knows better than letting everyone know how affected she is. At a young age, she learned how to fake her emotions just to hide her true feelings just to avoid making everyone worry.
"Hanap ka po ni tita Pat dad." Saad niya at ngumiti sa daddy niya. Nang makita ito ng daddy niya ay ngumiti rin ito.
"Then, puntahan ko muna ang tita mo. Bantayan mo muna ang kapatid mo Thea." Saad ng daddy niya at tumingin muna sa crib na nasa gilid ng kama bago ito lumabas.
Umupo si Althea sa kama na kaharap ang crib at walang emosyon itong tinitigan. Gising ang kapatid niya habang may hawak na laruan. Tumitingin-tingin ito sa paligid ngunit hindi alam ni Thea kung nakakakita na ba ito. If mom told dad to chose her life than this baby, will everything be okay? Yun ang tumatakbo sa utak ni Thea habang nakatingin sa bata. Kung wala bang mababago sa pamilya niya kung pinili lang ng parents niya na mabuhay ang mommy niya kaysa sa batang nasa harap niya. Kung magiging masaya pa ba sila kung pinili nalang ng parents niya na mamatay ang kapatid niya. Nanatiling nakatitig lamang si Thea sa kapatid niya kahit nang makita niyang nabitawan nito ang laruan nito at nagsimulang umiyak. Sa isip niya ay kinekuwestiyon na niya ang karapatan nitong umiyak sa harap niya. He should be happy being alive. Hindi ito dapat umiiyak dahil wala naman itong rason para umiyak. Pinili itong mabuhay kapalit ang buhay ng mommy niya, then why would he cry? What rights do he have to cry?
"Patahanin mo siya."
Nabigla si Althea nang makarinig ng nagsalita. Tiningnan niya ang batang lalaki na sa wari niya ay tatlo o dalawang taon lang ang tanda sa kanya. Nakatayo ito malapit sa nakabukas na pinto ng kwarto.
"What are you doing here?" Walang emosyong tanong niya sa batang lalaki. May tinuro ito sa bandang paanan niya kaya tiningnan ito ni Thea at nakita ang bola malapit sa paa niya. Bakit hindi niya man lang naramdaman na may napasok na bola sa kwarto? Ganun ba talaga siya katuon sa kapatid niya?
Thea sighed and kicked the ball. Gumulong ito papunta sa batang lalaki na kinuha naman nito.
"Now leave." Saad niya sa batang lalaki. "Hindi ka pwede rito."
Tumawa lang ang batang lalaki kaya ay nangunot ang noo ni Thea. "You sound like a matured woman."
Imbes na lumabas ito at umalis ay nilagay lang nito ang bola sa sahig at lumapit sa crib. Pinagmamasdan ni Thea ang batang lalaki habang nakatingin naman ito sa umiiyak niyang kapatid. Kinuha nang lalaki ang laruan ng kapatid niya at ipinahawak rito. Nang tumigil ito sa kakaiyak ay napangiti ang lalaki at hindi maiwasan ni Thea na mapatitig sa malalim nitong dimple.
Tumingin ang lalaki sa kanya at nagtama ang mga mata nila kaya ay napaigtad si Thea. Ngumiti ito ng nakakaloko. "But a matured woman won't blame her brother for her mother's death."
Hindi nakaimik si Thea sa sinabi nito at tiningnan lang ang lalaki na kinuha ang bola at umalis.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
RomanceAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...