CHAPTER 51

45 0 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Napatawa nalang ako ng mahina sa mukha ni Jaiden. He looks troubled. Sa totoo lang ay hindi naman niya kailangan na mamroblema sa akin. I'm not that dumb. I can feel it. I can sense it.

He may be kind to me but it's not different to the way he treated everyone else. Pero may isang babae siyang palaging minamataan. "You confessed to her?"

"And she rejected me right away." Mabilis niyang sagot at saka tumawa ng mahina. He looked away from me pero nahuli ko pa rin ang dumaan na sakit sa mga mata niya kaya ay mapait din akong napangiti. Jaiden doesn't deserve a rejection. "She's really into him."

Napayuko ako sa sinabi niya at tumikhim. "Well, I guess good girls like those bad boys."

Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin kaya ay tiningnan ko siya. May kakaiba sa ngiti niya at napagtanto ko iyon nang tumaas ang kaliwang kilay niya. "Really, huh?"

Inirapan ko siya. "What now?"

"Just say it already. You have feelings for Zhairo." Saad niya na para bang napakadali lang nun kaya ay sinamaan ko siya ng tingin.

"It doesn't matter." Kasi wala na rin naman. Ni hindi na nga siya nagte-text. Hindi na siya tumatawag.

"It does matter to me." Sabi niya at saka tumingin sa unahan namin. "Nakokonsensiya ako. Seriously, I shouldn't have asked you that favor. Ni hindi ko man lang naisip na baka mahihirapan ka sa favor na iyon. Supporting someone you like to be with someone else is not an easy task."

"And you asked me the favor because you can't simply support someone you like to be with someone else." I stated.

Gulat na napatingin sa akin si Jaiden at awkward na tumawa. "W-what are you saying?"

"Aminin mo na Jaiden. Nireject ka rin naman ehh. There's no point hiding it." Inobserbahan ko kung paanong mag-iba ang reaksiyon niya ngunit kalaunan ay napakamot lang din siya sa batok niya.

Nang hindi pa rin siya makapagsalita ay tumango nalang ako. Alam ko na rin naman kaya hindi na niya kailangan kumpirmahin. He likes Rhea. I could see how he cares for her. And the favor he asked me is one of the evidences.

Nanatili pa kami roon ng isang oras bago niya ako inihatid pabalik sa mansiyon. Hindi namin napag-usapan ang tungkol kay daddy at tita Zaya. Will he be fine with it?

Tumihaya ako ng higa sa kama ko at tinitigan ang kisame. 4:00 AM pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi talaga tatawag si Zhairo? Ano bang problema niya?

I groaned before forcing myself to sleep. Tanghali na ako nagising dahil sa ingay ni Farah at Chanel na nasa loob ng kwarto ko. Hindi ko pala iyon nalock kagabi.

"Lumabas na po tayo. Baka magising pa po si Thea." Narinig kong saad ni Chanel.

Nagtaklubong ako ng kumot at humikab. Inaantok pa ako. Ano naman kasing ginagawa ng mga ito sa kwarto ko?

Narinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto ng kwarto ko kaya ay bumalik ako sa pagtulog. Hapon na nang magising ulit ako at papalubog na ang araw. Napagpasyahan kong bumaba at nakita ko na nag-iinuman sina tito at tita ko kasama si daddy.

"Nasa rooftop ang mga pinsan mo." Saad ni daddy sa akin nang makita ako.

Tumango lang ako at pumuntang kusina para tingnan kung ano ang makakain ko. Wala akong planong pumunta sa rooftop dahil paniguradong nag-iinuman din sila. Pagod ako kaya ayaw ko munang uminom.

Kumain nalang ako at pagkatapos ay bumalik din sa kwarto ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang wala pa rin akong natatanggap na kung ano galing kay Zhairo. Bahala na talaga siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon