CHAPTER 46

79 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

"Theo!"

Mabilis kong tawag sa kaniya nang akmang aalis siya padaan sa likurang pintuan. He's wearing a simple white polo shirt and faded jeans.

Tumigil siya sa paglalakad ngunit nakatalikod pa rin siya sa akin. I smiled. Parang ang tagal niyang nawala. Parang ang tagal na nung huli ko siyang makita.

"Hey." Mahinang tawag ko ulit sa kaniya. "How are you?"

Humarap siya sa akin at nginitian ako. There is something in his smile that I couldn't figure out. "Thea."

Inirapan ko siya tsaka ako lumapit sa kaniya. His face seems bright. Parang ang gaan niyang tingnan ngayon. Parang wala siyang negatibong dinadala. "Thanks god, nandito ka. Akala ko hindi mo dadalawin si mommy."

Tumawa siya ng mahina at sumulyap sa puntod ni mommy. "Pwede ba iyon? She's my mother afterall."

"Halika, Theo." Hinawakan ko ang kamay niya tsaka ko siya hinila papalapit sa puntod ni mommy. Pinaupo ko siya sa hagdan na nakapalibot dito. "Hindi ka maniniwala sa ikekwento ko sa'yo. I'm sure matutuwa ka. Well I think it won't be just you. Matutuwa rin si Zharr na makita ka."

Pinapanood niya lang ako habang nakatayo ako sa harap niya at nagdadaldal. Iwinawagayway ko pa ang kamay ko minsan sa harap niya habang malaki ang ngiti. He also have his smile on his face while watching me.

"Oh. That hardheaded kid have her own ways to lighten even the greatest storm." Natatawang aniya.

"Well... The little kid wants to see you. Palagay ko ang tagal mong nawala." Saad ko sa kaniya.

"I just left, Thea. Kung makapagsalita ka parang isang taon na tayong hindi nagkikita." Nakangising saad niya at umiling-iling pa na parang hindi makapaniwala.

"Whatever. You're coming home with me this time though." Aniko habang nakangiti.

I saw how his smile faded lightly. Bumaba siya ng tingin sa magkasiklop niyang mga kamay habang nakatukod ang dalawa niyang siko. "You looks happy, Thea."

"Of course!" Mabilis na sagot ko sa kaniya at tumawa pa nang nag-echo ang boses ko sa iba't ibang sulok ng kwarto. "Theo, hindi man nawala lahat talaga. At least nabawasan man lang ang mga dinadala ko. Alam mo iyon? Iyong parang biglang gumaan? Iyong pakiramdam na may nabawasan sa mga dinadamdam mo? Hindi na siya ganun kasakit. Hindi na siya ganun kahirap. At kahit papaano ay naiintindihan ko na si daddy."

"Maybe you just need to open your heart again? To forgive him and give him a chance." Mahinang anas ni Theo nang magtama ang mga mata namin. His eyes are gentle. "Thea. I'm sure hindi na niya sasayangin pa ang lahat sa pagkakataon na ito. You will have the family you longed for."

Napangiti ako sa pagbanggit niya sa pamilya. "Yes, Theo. We will have our family again." Umupo ako sa tabi niya habang nakaharap sa kaniya. "Nag-usap na raw kayo ni daddy? How was it?"

He licked his lower lip and looked at me straight in the eyes. "Let's just say. I felt the same way as yours. Gumaan ang pakiramdam. Nawalan ng mga dinidibdib. Or whatever you name it."

"Theo. You will finally feel how it felt like to have a father." Nakangiti kong sabi. Sobrang tagal niya itong hinintay. Sobrang tagal...

Umiwas siya ng tingin sa akin. Bahagyang umigting ang panga niya at kumunot ang noo ko nang makita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. "Theo? Ayos ka lang?"

Mabagal siyang tumango at humugot ng malalim na hininga. "Yes, Thea. I will finally experience having a father."

Nawala ang kunot sa noo ko. Maybe it's still hard for him. Hindi rin naman naging madali sa akin kahit nung unang usap namin ni daddy. But soon, he will learn to accept everything.

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon