CHAPTER 9

20 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Kasingbilis ng takbo ng sasakyan ni Zhairo ang pintig ng puso ko. Para kaming nakikipagkarera kay kamatayan.

"A-abo?"

Sinulyapan ko siya habang pigil ko ang aking hininga at nakitang mas humigpit ang hawak niya sa manibela. Napakagat nalang ako sa labi ko tsaka itinuon ang atensyon sa harap nang mas bumilis ang takbo ng sasakyan. Nakita ko ang guard sa harap na natatarantang binubuksan ang gate.

"A-abo?"

Napasinghap ako nang walang prenong lumabas siya ng gate at mas bumilis pa ang takbo ng sasakyan. Nakita kong pinara pa kami ng guard para seguro balaan pero ni hindi ito nilingon ni Zhairo. Nakakunot ang noo nito at nagngingitngit ang ngipin. Nakakakita na ako ng apoy sa mata niya at usok sa ilong at tenga niya.

"Ash." Hinihingal na aniko nang makarating na kami sa highway. Bumusina ang mga sasakyan na seguradong para sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang lumiko na sasakyan at humarang sa amin.

"Zhairo!" Wala sa sariling sigaw ko habang pinagmamasdan ang sasakyan namin na papalapit sa sasakyang lumiko. Mabilis na nakapagpreno si Zhairo at nakita kong may lumabas sa sasakyan sa harap bago ito nabunggo ng sasakyan ni Zhairo.

Umabante ako sa harap dahil sa impact pero dahil nakapagpreno si Zhairo at hindi masyadong malakas ang pagkabangga ay napigilan ng seatbelt ko ang katawan ko sa pag-abante. Natahimik ako at nablanko ang utak dahil sa nangyari.

"F*ck!" Dinig kong mura ni Zhairo tsaka hinampas ang manibela. Lumabas siya ng sasakyan kaya ay lumabas din ako. Nakita ko siyang sinugod si Jaiden na siya palang may-ari ng sasakyang humarang sa amin. Wala sa sarili lang akong nakatingin sa kanila nang kwelyuhan ni Zhairo si Jaiden.

"Hibang ka ba ha?!" Bulyaw niya rito.

Nakaramdam naman ako ng humawak sa braso ko kaya ay tiningnan ko ito. Hindi ko siya kilala pero tiningnan niya kung may sugat ba ako.

"Ayos ka lang?" Tanong niya na hindi ko masagot. Paano ko ba iyan sasagutin kung muntikan na akong mamatay?

"Ikaw ang hibang! Kung hindi kita hinarangan, anong gagawin mo ha! Nababaliw ka na ba?! Ni hindi mo manlang naisip na may kasama ka! Paano kapag may nangyaring masama kay Thea?!"

Sa sinabi ni Jaiden ay napabaling sa akin si Zhairo. Para siyang nabalik sa sarili nang makita ang kalagayan ko. Pabalang niyang binitawan si Jaiden at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat ko at pinakatitigan. Nakitaan ko siya ng pag-aalala pero hindi ko iyon ma-appreciate dahil sa isip kong nagsasabi na muntikan na akong mamatay. "Are you okay, Thea? Oh f*ck, I'm so sorry."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinitigan lang siya. Muntikan na akong mamatay. Muntikan ko nang iwanan ang kapatid ko. Sa naisip ay napaiyak ako. Kumawala ang hikbi sa labi ko. Si Theo. Ano nalang ang mararamdaman niya kung may nangyari sa akin? Ano nalang ang iisipin niya? Paano nalang siya.

"Jaiden, ako na muna bahala kay Thea." Narinig kong sabi ng babae. "Ayusin mo si Zhairo."

"No. I can take care of her." Angal ni Zhairo ngunit wala na siyang nagawa nang hinawakan siya ni Jaiden sa braso at hinila palayo sa akin. May sira ang sasakyan ni Jaiden dahil sa pagkakabangga ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin nang hawakan ako ng babae. Sumunod nalang ako sa kanya dahil nawalan ako ng lakas na magtanong.

Dinala niya ako sa malapit na hospital at hinayaan ko lang siya na dalhin ako sa kung saan. Pumasok kami sa isang kwarto at maya-maya pa ay may isang doctor ang pumasok. "What happened?"

"She got in an accident. Pakitingnan lang kung ayos lang ba siya, doc." Sagot ng babae at dumistansiya sa amin ng doctor. May mga tanong ang doctor na hindi ko alam kung nasagot ko ba ng maayos.

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon