CHAPTER 23

20 1 0
                                    

Althea Monte Point Of View

"Thea."

Sinulyapan ko si Theo sa tabi ko na may hawak na ice cream na binili ko. Nasa grocery store kami ngayon dahil paubos na ang stock ko sa apartment. Lalo na ang cup noodles na madalas kong kainin kapag wala na talaga akong choice.

"May halloween party kayo 'di ba?" Tanong niya sa akin habang tumutulong sa paglalagay ng pagkain sa cart na tinutulak ko.

"Oo, sa lunes."

Tumango siya at may kinuhang mga chips. "Sama ako."

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. "Wala kayo?"

"Meron."

"Then, bakit hindi ka umattend?" Tanong ko sa kaniya na ipinagkibit-balikat niya lang.

Nag-text sa akin si Kiana kanina. Baka raw mamili na sila ng costume. Sabi niya isasama raw nila kami para makapili na rin ako.

Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung aattend ba ako ng halloween party. May parte kasi sa akin na bumubulong na kailangan kong umuwi para kausapin si daddy. I don't know if it's really him who did it to Theo pero may gusto akong itanong sa kaniya. And I also want to know kung bakit niya ako hihintayin. Ano bang kailangan niya?

Nang makabalik kami ni Theo sa apartment ay wala na si Zhairo doon. Baka umuwi na.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya pero ang dating sa akin ay para kasing biro. Isa pa, seryoso man siya sa bagay na yun o hindi ay pareho pa rin ang isasagot ko. Ayokong maging karibal ng kaibigan ko lalo na at alam kong seryoso talaga si Rhea sa kaniya. The last thing I want, is to be the hindrance of her happiness.

Maybe dahil sa sinabi ko kay Zhairo ay hindi na siya lumapit pa sa akin. Which I think is beneficial to both of us. Mas magiging madali para sa akin ang iwasan siya.

Nakahiga lang ako sa kama ko habang si Theo ay nasa sala at nanonood ng pelikula. Nang wala akong ibang magawa ay nag-cellphone nalang ako hanggang sa tumawag si Kiana.

"Yan?" Bati ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag.

"Huyy, ano na?" May bahid nang excitement ang boses niya nang sambitin niya ito.

"Anong ano na?"

"Althea Monte! Halika na! Mamili tayo ng costume!" Tili pa niya sa kabilang linya kaya ay bahagyang nailayo ko ang cellphone sa tenga ko.

"Sayang pera Kiana." Reklamo ko nalang para tigilan niya ako. Nang makabalik kami ni Theo rito sa apartment ay nag message ako sa kanya na hindi muna ako sasama dahil hindi ako sure kung aattend ba ako ng halloween party. Kaya seguro siya tumawag.

"Ayh no Monte! Hindi pwedeng ma-miss mo ang halloween party! Maraming gwapo dun! Lalo na sa Engineering department!"

Napangiwi ako sa kanya at hinayaan siyang dumaldal ng dumaldal sa kabilang linya.

"Tsaka, may gusto rin kasi akong itanong sa'yo."

Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Itatanong? Ano naman iyon? Tungkol na naman ba kina Rhea? Hayaan niyo naman akong maka Gra
duate sa kanila.

"A-ano ba iyon?" Kinakabahan kong ani sa kaniya.

"Hindi ko sasabihin kung hindi ka pupunta rito." Mataray niyang ani kaya ay napabuntong hininga nalang ako. It's pretty obvious. Tinatrap niya lang ako dahil alam niya na hindi ako mapakali kapag may mga tanong akong hindi ko alam ang sagot.

"Nasaan ka ba ngayon?"

Napairap ako nang makarinig ako ng palakpak sa kabilang linya at ang mala-demonyo niyang tawa. "Sa bahay ni Rhea. Sge na. Ipapasundo kita kay Zhairo. Bye!"

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon