CHAPTER 38

93 2 2
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Narinig kong tumikhim si tito Auriel at tumalikod para kumuha ng plato at iba pa. Napabaling naman ako kay tito Jhonas na nakatingin pa rin sa akin at naghihintay ng sagot.

Bakit siya nagtatanong tungkol kay Theo?

It's actually my first time hearing him mention my brother in front of me. Tahimik lang kasi sila kapag tungkol kay Theo ang pag-uusapan.

What makes him utter his name?

Ano ang nangyari sa kaniya?

For an instance, I felt the urge to touch his forehead to feel his temperature. Baka kasi nilalagnat. Ipinilig ko ang ulo ko sa naisip at nginitian si tito Jhonas. "H-he's f-fine, tito."

Ilang minuto niya pa akong tinitigan bago mabagal na tumango kasabay ng pag-iwas ng tingin. "I hope he really is."

Bumaba ang tingin ko sa magkasiklop kong mga palad na nakapatong sa lamesa. Something in his eyes caught my attention. Was it a spark of pity I saw before he averted his gaze? Pero bakit ngayon lang? Isa na naman ba ito sa iisipin ko?

"Eat up, Thea. I know you're starving." Napaangat ako ng tingin kay tito Auriel na naglagay ng bowl ng sopas sa lamesa. Mahina niya itong itinulak papalapit sa akin. "Kumusta kayo ng daddy mo?"

Kinuha ko ang bowl ng sopas at nagsimulang kumain. "Ayos lang naman po."

Ngumiti ako sa kanila habang pinapanood nila akong kumain. Kung minsan ay nagbibigay pa sila ng komento at nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay na nginingitian ko lang naman.

Tito Auriel's question keeps on repeating in my head. Kumusta kami ni daddy? Hindi ko alam sa totoo lang.

But I admit something inside lifted up after our talk. May munting bigat ang nawala sa puso ko na para bang ang tagal na nitong dala-dala ang bigat na iyon. Though it only makes me feel so vulnerable in pain. Para bang ang mabigat na iyon ang tumatakip sa malaking sugat sa puso ko na habang unti-unting nawawala ang bigat ay mas nararamdaman ko ang sakit.

At napagtanto ko na ang bigat na iyon sa puso ko ay ang galit na sobrang tagal ko nang kinikimkim. Ang galit sa puso ko ang nagsisilbing panakip ng sakit na nakabaon dito.

At nang makita ko kung ano ang kalagayan ni daddy. Nang kausapin niya ako. Nang malaman ko na naging mahirap din ito sa kaniya. Unti-unting nalulusaw ang galit. Unti-unti ko siyang naiintindihan.

Lahat naman kami ay nasaktan. Lahat kami ay nawalan. Oo, hindi maganda ang naging desisyon ni daddy para maibsan ang sakit ng puso niya but I can't really blame him right? Lahat naman tayo ay iba-iba ang paraan ng pagmoving forward. Ako ay mas pinili kong ibaling ang atensiyon kay Theo. Though it's a good coping up technique of mine, I can't really expect dad to do the same thing. Baka mas madali sa kaniya ang lumayo at hindi ko siya masisisi sa naging desisyon niya.

Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na masakit. Hindi ibig sabihin ay wala na ang sakit sa puso ko. Kasi kahit anong intindi ko sa kaniya, hindi niyon mababago ang katotohanan na wala siya nung mga panahon na kailangan namin siya. Kahit anong intindi pa ang gawin ko ay hindi niyon malulunasan ang mga sugat sa puso ko. Naiintindihan ko lang siya pero hindi pa rin nawawala lahat.

Marami pa rin akong katanungan. Marami pa rin akong hinahanap na sagot. At maraming bagay pa rin ang hanggang ngayon ay hindi ko matanggap. Kagaya ng kung paanong hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makita si Theo samantalang handa na siyang maging ama sa iba.

"Kumustang lovelife Thea?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni tito Auriel at mabilis na nabulunan. Tinawanan lang nila ako nang mabilis kong inabot ang tubig sa lamesa at uminom.

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon