Althea Monte Point Of View
"What do you think you're doing?" Inis kong saad kay Kiana nang makarating kami sa garden nina Rhea. Kinaladkad ko talaga siya rito dahil simula nang dumating kami ay hindi na siya natigil kaka-ship sa amin ni Zhairo. it's getting into my nerves lalo na at desidido talaga ako na lumayo kay Zhairo. She's putting me on a great danger.
Nagkibit-balikat siya sa akin at nilagpasan ako para umupo sa swing na nasa likuran ko. Hinarap ko siya habang nakakunot ang noo ko.
"What?" Pa-inosenteng tanong niya habang nakatingin sa akin na para bang wala lang ang mga pinaggagagawa niya.
"Anong what? Kiana it's damn obvious. 'Wag mong sabihing matchmaker ka na ngayon?" Tumaas ang isang kilay ko sa kaniya dahil sa inis.
"Come on Thea. It's just an easiest way para naman matauhan na si Rhea." She said.
Sa totoo lang ay hindi talaga ako sang-ayon sa kanila, una pa lang, sa pagtutol nila kina Rhea at Zhairo. "Alam mo, hindi ko kayo maintindihan. Why wouldn't you just let them be? Hayaan niyo nalang sila. Kung m-mahal nila ang isa't-isa, then let them."
"Yun na nga Thea!" Tumayo si Kiana at nilapitan ako. "Hindi naman mahal ni Zhairo si Rhea ehh!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi mahal ni Zhairo si Rhea? Pero bakit ganun siya kung i-treat si Rhea? Bakit parang may something sa kanila? Bakit para silang magjowa?
"A-ano ba talagang nangyari sa kanila noon?" Wala sa sarili kong tanong na matagal nang bumabagabag sa isip ko.
Kiana was taken aback at napatitig sa akin. "You don't know?"
"Just tell me." Mabilis na sabi ko.
"Not my story to tell." Kiana shrugged which made me grunt. Ang unfair nito. Ginagamit niya ako para mapalayo si Zhairo at Rhea tapos ngayon hindi man lang niya sasabihin sa akin kahit yung tanong nalang na iyon ang kaniyang sagutin? Nasaan ang hustisya noon.
"Then stop matchmaking Zhairo to me." Pigil ang inis na saad ko.
Bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Why? What's the big deal, anyway? Kahit naman kung sino pang I ship ko sa'yo, hindi naman iyon magiging ganun ka importante kung wala ka lang feelings para sa taong iyon 'di ba?"
Nanliit ang mga mata niya sa akin nang natigilan ako. Humakbang pa siya ng isang beses at pinantayan ang tingin ko. "Tell me Thea. Do you have feelings for Zhairo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa deretso niyang tanong tsaka napaatras ng isang hakbang. "W-what? O-of course n-not!"
"Then bakit ba big deal sa iyo?!"
"Because I'm not like you!" I shouted in frustration. "Hindi ako katulad mo na---"
Natigilan ako sa akmang sasabihin ko nang makita kung paano natigilan si Kiana. I went too far.
"Na ano? Na naglalaro lang?"
"T-thats not what I mean." Mahinang saad ko tsaka problemadong inihilamos ang palad ko sa mukha ko. "I-I just... I-I just want you to stop Kiana."
Tinitigan niya pa ako ng ilang minuto bago nagbuntong hininga. "Alright. Fine, I'm sorry."
"But Thea." Hinawakan niya ang kamay ko tsaka tiningnan ako na apra bang nagmamakaawa. "Please. Kung may magagawa ka man para hindi magkatuluyan sina Rhea at Zhairo ay gawin mo. Please."
Ginawaran niya ako ng isang maliit na ngiti bago tapikin ang balikat ko at umalis. Napatulala naman ako sa kawalan habang tinitimbang ang mga pangyayari. Bumalik sa utak ko ang binitawan kong salita kay Jaiden. Na susuportahan ko si Rhea at Zhairo, bagay na hindi nila kayang gawin. And now, now Kiana want me to stop Zhairo and Rhea to happen.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
RomanceAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...