CHAPTER 6

16 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

"Hello Rhea?" Tawag ko sa kabilang linya. Alas nuwebe na ng gabi nang maalimpungatan ako sa tawag niya. Bumangon ako para pumunta sa kusina. Wala pa akong kain.

"Ahh Thea. Magkasama ba kayo ni Ash kanina?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Ash?"

Narinig kong tumikhim siya. "I-I mean si Zhairo."

Napa-ahh ako at tumango-tango. Pumasok sa isip ko ang busangot nitong mukha kanina habang nagmamaneho. Halatang wala ito sa mood kaya ay hindi nalang ako nagsalita hanggang sa makauwi kaming dalawa. "Oo. Kanina, sabay kami umuwi. Bakit?"

"May naiwan kasi siyang importante. Kailangan niya yata bukas pero hindi ko naman matawagan. Ang sabi ni Kiana ay magkatabi lang naman kayo ng apartment 'di ba?"

"Galing siya sayo?" Wala sa sariling bulong ko habang nakatulala sa puting dingding.

"Ha? Ano yun Thea?"

"Ahh, wala. A-ano. Oo Rhea. Magkatabi lang naman kami ng apartment. Sabihin ko nalang sa kanya."

"Sige. Salamat Thea."

I murmured a welcome before ended the call. Bigla ay nawala ang gutom ko. Parang gusto ko nalang ulit bumalik sa tulog at magpahinga. I was about to go back to my room when the doorbell rang. Walang gana akong lumapit sa pinto at binuksan ito.

Nakahoodie si Zhairo habang seryoso ang mukha at may hawak na supot ng pagkain. He was about to say something but I shut the door close. Neknek niya.

Tumunog ulit ang doorbell ngunit hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa pagpasok sa kwarto ko. Walang ganang humiga ako sa kama at nangunot ang noo ko nang maamoy ang baho ni Zhairo. Bumangon ulit ako at sinamaan ng tingin ang itim na unan.

"Buwisit mo talaga." Sinuntok ko ito at nang hindi makuntento ay kinuha ko ito at hinampas-hampas. "Kainis ka! Hindi ko alam kung bakit pero nakakainis ka! Buwisit!"

Tumigil ako at nagbuntong-hininga. Hindi pa rin nababawasan ang inis ko sa kanya pero pinipilit ko itong mawala dahil wala naman akong rason para mainis. Pambihirang mood swings din ito.

Nagulantang ako nang may kumatok sa sliding door mula sa veranda. Naka-off ang ilaw kaya ay hindi masyadong kita pero dahil sa postura ay napag-alaman kong si Zhairo ito. Siya lang din naman ang malakas ang loob na tumawid sa veranda.

Umikot ang mata ko at binuksan ang ilaw bago ko siya pinagbuksan.

"Hindi mo pala ako pagbubuksan ng pinto kung hindi sa kwarto?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Hindi ko siya pinansin at umupo lang sa upuang kaharap ng study table ko. Lumapit naman siya sa akin at nilagay ang pagkain sa harap.

"Paano mo nalamang wala pa akong kain?" Kunot-noong tanong ko sa kanya bago kinuha ang pagkain.

Tumitig naman siya sa akin at kahit hindi ko siya tingnan ay ramdam ko ang intensidad nito. Sinulyapan ko siya at nakita ko ang pag-abot ng dalawang kilay niya. He's staring at me like I've done something wrong. "Ano na naman ba?"

"Hindi ka pa kumakain?" Kunot-noong tanong niya.

"Hindi mo alam?" Balik-tanong ko naman sa kaniya. "Kung 'di mo alam. Bakit ka nandito at may dalang pagkain."

"Aayain lang sana kitang kumain pero nag-expect akong kumain ka na. Alam mo ba kung anong oras na? Bakit hindi ka pa kumakain? At dumeretso ka pa sa kwarto. Wala ka talagang planong kumain?" Nakapamewang niyang saad. "Kung hindi pa ako dumating, hindi ka talaga kakain."

"Tumigil ka nga. Ikaw nga iniwan ang destroyer mong pusa sa akin para makipagdate ehh."

Nanlaki ang mata ko at mabilis tinakpan ang bibig ko dahil sa nasabi. Sinulyapan ko ang ekspresyon niya na nabigla rin yata sa sinabi ko.

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon