ALTHEA MONTE POINT OF VIEW
"Thea, usog ka nga." Saad ni Farah sa akin kahit na wala na naman akong mauusugan. Kulang nalang ay sa hita ako ni Chanel umupo.
"Wala na kasing space po." Komento naman ni Chanel na bahagya nang nakakunot ang noo. May gamit na pamaypay si Farah kahit na may aircon naman. Sa hulihan kasi kami nakaupong tatlo kasama ng natutulog na si Rosh na kandong pa si Zharr at Miko.
Tatlong van naman ang nakalaan para sa pagpunta namin sa sementeryo pero siksikan kami kasi halos lahat ng mga pinsan namin ay dito sumakay. Kung hindi pa sinita nina daddy ay hindi lilipat ang iba sa ibang van.
"Ang lakas humilik ni Rosh, kaasar!" Reklamo pa ni Farah na katabi ang natutulog na si Rosh. Si Zharr ay nakangisi habang paharap na nakupo sa hita ni Rosh at ginuguhitan ang mukha nito gamit ng isang pulang marker.
"Hayaan mo na lang po." Mahina na sagot ni Chanel. Tahimik lang ako habang pasulyap-sulyap sa cellphone ko. Naaalala ko na naman ang nangyari kagabi. Joke lang ba ni Zhairo ang bagay na iyon? Yung mga sinabi niya? But why does he looked so serious? Na para bang totoo iyon? Minsan ay nakakalito rin talaga siya.
Ilang minuto lang ang binyahe namin dahil hindi naman masyadong malayo sa mansiyon ang sementeryo. Nang pumasok kami sa main gate ng malawak na sementeryo ay marami na ang mga taong dumadalaw sa mga mahal nila sa buhay na hindi na nila kasama.
Iiwas na sana ako ng tingin sa labas nang may mahagip ang mga mata ko na pamilyar na bulto ng lalaki. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa likod nito.
Nakatitig lang ako rito at nanlaki ang mga mata nang mapaharap ito sa gawi namin. Jaiden? Kukumpirmahin ko pa sana kung siya ba talaga ngunit mabilis na nakalampas ang sasakyan namin.
Siya ba iyon? Anong ginagawa niya rito? Sumunod ba siya sa mommy niya? Kay tita Zaya?
Posible naman. Sa pagkakaalam ko ay dito inilibing ang mgamagulang ni tita Zaya kaya ay hindi naman kataka-taka na nandito siya. Nagulat lang talaga ako.
Lumiko ang sasakyan namin sa isang bahagi ng pribadong lugar ng Monte. Binili ito ng isa sa mga ninuno namin at hanggang ngayon ay nasa pangangalaga pa rin ng pamilya namin.
May isang malaking gate na may nakalagay na Monte sa itaas at pumasok ang sasakyan namin. May mga halaman at puno sa paligid na itinanim ng binayaran nina daddy para sa pangangalaga sa lugar. Napanatili rin ang kalinisan dito.
Para itong village kasi may mga malalaking parang kwarto kung saan nakaburol ang iba't ibang Monte. Kagaya noon ay nagbibigay pa rin ng kilabot sa akin kapag pumupunta ako rito.
Nang makababa kami ng van ay tagaktak ang pawis ni Farah na para bang walang aircon ang sinakyan namin. Ganun din naman kami nina Chanel na nakahinga ng maluwag nang makalabas.
Tumatakbo pa rin sa utak ko ang nakita ko. Si Jaiden ba talaga iyon? Ilang araw na rin kaming hindi nag-uusap.
"Kandila, Thea?" Tanong ni kuya Jordan sa akin habang may hawak siya na mga kandila. Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang mga kandila na binigay niya.
Nag kanya-kanya na sila sa pagpunta ng mga puntod dahil hindi naman pwede na magkasama kaming lahat sa isang puntod dahil baka magsiksikan kami sa loob ng kwarto. I plan to visit my mom first tsaka ako magsisindi ng kandila sa iba. Pagkatapos nun ay babalik din ako kay mommy.
"Thea, pasama."
Napatingin ako kina Farah at Chanel na nasa gilid ko. Nakalimutan ko na hindi pala sila mga Monte. Though our family is close to theirs. Marami rin naman silang mga malapit na Monte na nakalibing dito.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
Lãng mạnAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...