ALTHEA MONTE POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung paanong nagawa ko pang manatili ng ilang oras dun matapos ang tagpong iyon. Seguro dahil nakikipagbiruan na rin naman siya. Nakikipagtawanan siya sa akin habang pinipilit ko ang sarili kong sabayan siya na parang wala lang sa akin ang nangyari. Kasi parang wala lang din sa kaniya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa lakas ng katok ni Farah sa pinto ng kwarto ko.
"Thea! Pupunta raw tayong sementeryo! Bangon na!" Sigaw pa niya kaya ay napangiwi ako at tinabunan ng unan ang mukha ko. Kumikirot ang ulo ko dahil seguro sa nainom ko kagabi.
Wala akong gana. Para bang pagod na pagod ako. Gusto ko na magmukmok sa kwarto ko at humiga lang sa kama ko. Sana pala naglasing ako ng todo kagabi. Para hindi ko nalang napuntahan si Zhairo sa labas ng gate. Para hindi kami nagkausap.
Kasi paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang mga napag-usapan namin ni Zhairo kagabi. Paulit-ulit lang din na bumabalik sa akin ang dismaya sa nangyari. Bakit ba ako dismayado? Sinegurado ko naman na hindi ako mag-eexpect ng kung ano. Alam ko rin na mangyayari rin naman ang nangyari kagabi. Napaaga lang.
"Thea!" Sigaw pa ni Farah ngunit hindi ako sumagot man lang at nanatiling nakahiga sa kama ko.
Ilang sandali lang ay nawala ang sigaw ni Farah sa labas kasabay ng pagtigil ng malalakas niyang katok kaya ay ipinikit ko ang mga mata ko sa pagkakaakalang makakatulog na ako. Napakunot lang din ang noo ko nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Paano niya iyan binuksan?
"Leave me alone, Farah!" Reklamo ko sa kaniya habang pinapakinggan ang mga yapak niya papalapit sa kama ko.
"It's me, Thea." Napatigil ako nang marinig ang boses ni daddy kasabay nang paglubog ng dulong bahagi sa kama ko. Bahagya kong kinuha ang unan ko na nakatakip sa mukha ko para makita siya. Nakaupo siya sa dulo ng kama habang nakangiti sa akin. "Drunk?"
I hummed. Ibinalik ko ang pagkakatakip ng unan sa mukha ko. Wala talaga akong gana para sa araw na ito. Dumagdag pa na undas na at naaalala ko na naman si mommy. Parang biglang bumagsak ang lahat. Bumalik sa utak ko ang mga ngiti ni mommy at ang mga tanong ko. Hindi ba talaga niya alam ang ginawa ni daddy?
Ang hirap pala kapag ang dami mong tanong na isang tao lang ang makakasagot pero alam mong hindi na niya ito masasagot pa. "Are we going to visit mom?"
Ilang minuto ang lumipas nang masagot ako ni daddy na para bang kahit sa simpleng tanong na iyon ay nahihirapan siya. "Yes, Thea. We will visit your mom. We will tell her everything. We will tell her those things. Yung mga problema natin. Lahat lahat."
Mabagal akong bumangon sa kama at sinalubong ang tingin ni daddy. "Do you still love mom?" tanong ko sa kaniya na walang halong kahit ano. Walang halong galit, dismaya, o sakit. Tinanong ko iyon na para bang gusto ko ang malaman bilang kumpirmasyon at unang hakbang para tanggapin ang mga bagong darating sa amin. I can't keep on living in my past, our past. Kung nagawa ni daddy na mag move on sa nangyari, then I can. Magagawa ko rin iyon. For now, I'll just believe him when he said he loved mom. At least he did, but he can't continuously love someone who will not be on his side anymore. He can't love a dead woman forever.
"Your mom is my first love Thea." Nakangiting sagot ni daddy sa akin kaya ay ngumiti rin ako. Masakit pa rin na hindi na niya mahal si mommy pero hindi ko naman siya mapipilit. Ayaw ko rin naman na ikulong niya ang sarili niya sa nakaraan.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya habang nanunubig na ang luha ko. Masakit pero nakakagaan pala ng loob. Ilang salita lang iyon pero para bang unti-unti ko na talagang natatanggap. My daddy needs to move on and he did. At ngayon ay nandito na siya. I shouldn't make this harder. I just also need to move on slowly and accept dad again.
"Nag-usap na kami ni Theo." Sabi ni daddy kaya ay mabilis akong bumitaw sa yakap niya. Tiningnan ko siya nang may ngisi sa labi.
"Really?" Hindi makapaniwala ngunit masayang tanong ko.
Tumango siya sa akin. "Yes. But... pwede bang amin na muna ang kung ano man ang pinag-usapan namin? Can we give him space for now?"
Mabilis akong tumango habang malaki ang ngiti. "Of course dad."
Pero hindi ko talaga kayang hindi marinig ang kung anong iniisip ni Theo. Kaya nang bumaba na si daddy at maiwan akong mag-isa sa kwarto ko ay ilang beses ko siyang tinawagan. Gusto kong malaman kung ano ayos na ba siya. I am so d*mn excited that it made me d*mn disappointed when he didn't answered. Kunot ang noo ko nang tingnan ang cellphone ko. Is this part of his space? Hindi pala ako exempted?
Nagkibit nalang ako ng balikat. At least nag-usap na sila. Ayaw ko namang bigyan ng pressure si Theo kaya hahayaan ko nalang muna. I did my morning routine happily. Yung nawawala kong gana kanina ay mabilis na bumalik kaya ay ngiting-ngiti ako nang bumaba.
"Saya natin ah..." Puna pa ni Farah na nginisihan ko lang.
"Wag ka nalang po kasing panira ng kasiyahan ng iba po." Saad naman ni Chanel na ikinairap ng huli.
"Ang respectful mangaway." Bulong ni Farah kaya ay tumawa na ako bago tumulong sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin namin sa sementeryo.
May misa kasi sa sementeryo kaya ay magsisimba muna kami bago dumeretso sa puntod ng mga lolo at lola nina daddy. May malawak na lugar kasi kami sa sementeryo kung saan nanduon ang mga puntod ng mga lolo at lola nina daddy pati na rin si mommy.
Dito kasi talaga sa isla nakatira ang mga ninuno namin kaya ay malawak din ang lupain namin dito na pinamamahalaan ni daddy at nang iba niyang pinsan na nandito sa isla.
"Someone is getting weird." Komento ni Josiah nang makita ako na nginisihan ko lang din.
Binati ko silang lahat kaya ang iba ay napataas pa ang kilay sa akin. Hindi seguro sila sanay na ganito kaliwanag ang mood ko ngayon. Hindi rin naman kami palaging magkasama pero kapag nagkakasama kami ay madalas tahimik lang ako sa gilid o kung minsan ay tumatakas pa.
"Mag-umagahan kayo bago tayo umalis. Baka may mahimatay dun, ililibing ko talaga agad." Saad ni tito Auriel na tinawanan ng iba naming tita at tito.
Napababa ang tingin ko nang may humila sa laylayan ng suot kong puting dress na hanggang tuhod ang haba. Nakita ko si Zharr na nakatingala sa akin. "Kuya Theo is not coming?"
Napangiti ako sa kaniya tsaka siya kinarga. "Kuya Theo is somewhere far far away, baby."
"Why far siya pumunta?" Ngusong tanong niya kaya ay napatawa na ako.
"Because your kuya Theo will buy you some barbie dolls..." Saad ni tito Jhonas na nasa likod ko pala at kinuha si Zharr. Kinindatan niya ako bago naglakad palayo at papunta sa isang van.
"Really?" Rinig ko pang tanong ni Zharr bago sila tuluyang makalayo.
Napatingin ako sa cellphone ko na kanina ko pa binabantayan. Wala pa ring message si Theo. Alam kong hindi magiging madali sa kaniya ang lahat kagaya nang kung paanong naging mahirap din ito sa akin. But he should be able to realize things and accept it the way I did. Dahil maraming naghihintay sa kaniya.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
RomanceAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...