ALTHEA MONTE POINT OF VIEW
Hindi man lang siya nabigla sa sinabi ko at sumulyap sa loob ng kwarto ko.
"Do you know what it means to be in the same room with me?" Seryosong saad niya at tumitig sa akin. Mabilis akong tumango habang hindi pa rin mapakali. It means safety to me for now. Hindi naman seguro siya masamang tao para may gawing masama sa akin. Hindi lang ako sure.
"Alright." Saad niya kaya ay ngumiti ako ngunit nawala rin ang ngiti ko nang kumalabog na naman ang loob ng kwarto ko. Tiningnan ko siya at nakangisi na siya habang nakatingin sa akin. "That is if you know how to jump the gap of our veranda."
Wala sa sarili akong napahakbang upang tingnan ang baba mula sa veranda. Ganun din ang ginawa niya at tumango-tango pa siya. "Hindi naman ganun kalalim."
"Are you blind or something?" Mahina ang boses kong saad. Ang lalim. Seguradong patay ako kapag nagkamali ako. "I can't."
Nginitian niya ako and shrugged his shoulder. "Well, that ends our little deal here." He turned his back at me and waved his hand.
"T-teka lang."
Tumigil ulit siya at nagbuntong-hininga. "Sana pala hindi ko nalang sinabi." Mahinang bulong niya at nanlaki ang mata ko nang umakyat siya sa railings.
"Atras."
Mabilis akong umatras nang tumalon siya papunta sa veranda ko. For once, akala ko ay bumagsak ang puso ko at napanganga nalang nang mahinahon parin siya nang magtagumpay sa pagtawid. "Baliw ka ba?"
He looked at me and shrugged his shoulder again. Nagitla ako nang may kumalabog na naman sa loob ng kwarto ko. Mabilis kumalat ang takot sa sistema ko kaya ay wala sa sariling napahawak ako sa braso niya. Hindi naman niya iyon pinansin dahil nakatingin din siya sa loob ng kwarto ko. "Meron kaya?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Sinulyapan niya ako bago humakbang papasok sa kwarto ko pero dala ng takot ay hinila ko siya pabalik. "What are you doing?"
"Titingnan lang." Mahinang saad niya at humakbang ulit kaya ay binitawan ko siya. Wala akong planong pumasok. Tatawagin ko nalang siya mamaya at kung hindi siya sasagot ay tatalon nalang ako.
Napakagat ako sa labi ko at hindi ulit mapakali nang makarinig ulit ako ng kalabog pagpasok niya. Nagsunod-sunod iyon kaya ay napaatras ako hanggang sa maramdaman ko na ang railings sa likod ko.
"Its---"
Napasinghap ako nang biglang lumabas ang seryosong mukha niya. "Ano?"
Tinitigan niya ako. "Better look at it yourself."
Kahit hindi ko magawang pagkatiwalaan ang seryoso niyang mukha ay dahan-dahan ko paring hinakbang ang mga paa ko palapit sa kanya. Sumulyap ako sa loob at nakita ang mga gamit ko na nagkalat. Ang mga notebook ko ay nasa sahig na at ang mga kahong nakahanay ay kung saan-saan na napunta. "What the."
"Sorry." Mahinang saad niya kaya ay tiningnan ko siya. Hindi siya makatingin sa akin at kinakamot niya ang batok niya. "It's Hervor."
"Hervor?" Nakakunot ang noo ko nang may ituro siya.
Sa kama ko ay nakahiga ang isang puting pusa habang may kagat-kagat na yarn. Sinamaan ko siya ng tingin. "Pusa mo 'yan?"
"Yeah." Mahinang saad niya at sinulyapan ako. "Kukunin ko nalang."
Nilapitan niya ang pusa at kinarga ngunit nadala nito ang yarn. Napasinghap pa ako nang makitang may mga marka ng kalmot ang unan ko. Wala pa naman akong ibang dalang unan.
Napaungot ako sa inis at tinitigan ng masama ang pusang karga niya. Pinipilit niyang kunin ang yarn ngunit hindi ito binibitawan ng pusa. Nang makita ang paraan ng pagtitig ko ay tumalikod pa siya para itago ang hindi disiplinadong pusa niya.
I sighed. "Ilabas mo 'yan dito. Dalhin mo na ang yarn."
Walang salitang tumango siya at sumunod sa sinabi ko. Ako naman ay nagsimulang ayusin ang mga gamit ko. Ibinalik ko ito sa mga pinaglagyan ko. Mabuti nalang talaga at walang nabasag na gamit. Karamihan ay mga libro at notebook lang dahil seguro sa pilit niyang pagkuha ng yarn. Nang kunin ko ang isang makapal na notebook na itim ay kumunot ang noo ko nang may nakita akong nakaipit dito. Kinuha ko ito at nakita ang isang litrato. Dalawang magkahawak na maliliit na kamay habang nakasuot ang pamilyar na bracelet. Kumunot ang noo ko nang bumalik sa utak ko ang bracelet na nakita kong suot ng lalaki sa bookstore. Kapareha iyon nito.
Galing ang notebook na ito sa naging kaibigan ko noon nang anim na taong gulang pa ako. Hindi ko na masyadong naaalala ang mukha niya kahit mga maliliit na bagay tungkol sa physical appearance niya pero naaalala ko pa ang mga bagay na pinagsamahan namin. He was there when I needed someone. He thought me how to accept what happened to my family and love my brother.
Kinuha ko sa cabinet ang bracelet ko at tinitigan ito. Itim ang kulay nito at ang style ay pangluma na lalo na at galing pa ito sa lola niya. I don't know his name because he prefers me calling him Parr. Tinitigan ko ang bracelet. Alam ko naman na baka kapareha lang ang bracelet na ito sa nakita ko pero hindi ko mapigilan ang sarili na isiping baka siya nga. I miss him.
"Hey."
Napaigtad ako at tumingin sa pinto. Mabilis na umikot ang mga mata ko. "Bantayan mo nga pusa mo. Baka bumalik na naman iyon dito." Saad ko at binalik ang bracelet sa cabinet.
Nang sulyapan ko siya ay pinapalitan na niya ang unan ko ng dala niya. Nagpatuloy ako sa pagbalik sa mga libro ngunit inilagay ko rin sa cabinet ang notebook na may larawan.
"I'm really sorry. I'll just give you some of my pillows." Saad niya habang pinagpagan pa ang unan niya. It's covered with black pillow sheets. Napataas ang kilay ko.
"Your favorite color is black?" Tanong ko sa kanya habang inilalagay niya sa gilid ang sira ko nang unan.
"How did you know?" Tinaasan niya ako ng kilay kaya ay umirap ako.
"It's obvious." I stated and sat on my bed.
Luminga-linga naman siya sa loob ng kwarto ko. "It's my first time seeing this room."
"Kakalipat ko lang kaya wala pa masyadong buhay."
"No. That's not what I mean. Marami kasi talagang usap-usapan tungkol sa apartment---"
Sinamaan ko siya ng tingin na nagpatigil sa kanya. I won't let him tell stories again. "Shut up."
Ngumisi naman siya sa akin. "Kanina lang ay hindi ka mapakali habang nasa malapit ako. Ngayon may gana kanang tarayan ako?" Natatawa niyang saad na nagpatigil sa akin. He's right. Hindi na nga ako masyadong kinakabahan sa presensiya niya.
"Umalis ka na. Matutulog na ako." Walang ganang saad ko sa kaniya nang mapasulyap sa wall clock malapit sa study table ko.
"Babantayan na lang kita habang natutulog ka."
The nerve? Tinapon ko sa mukha niya ang unan niya ngunit mabilis naman niya itong nasalo.
"Oo na. Lalabas na." Natatawa pa niyang sabi at ibinalik sa akin ang unan.
"Pakilock ng pinto ha." Paalala ko pa sa kaniya bago siya lumabas.
Humiga ako sa kama nang may ngiti sa labi. Hindi naman pala mahirap pakisamahan. First impression ko lang pala yun sa kanya. He's actually friendly.
Nang ipikit ko ang mata ko ay bumalik sa isip ko ang bracelet. Sobrang tagal na rin simula nang makita ko si Parr. Hindi ko rin naman alam kung saan sila nakatira. Bata pa naman kasi kami nang magkakilala kami. May pag-asa pa kayang makita ko siya ulit? Bumalik sa utak ko ang lalaki sa bookstore at ang bracelet na suot niya.
Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ako ng pag-asa. Baka may pag-asa pa talagang makita ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
RomanceAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...