CHAPTER 21

18 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Ilang minutong magkasunod ang mga sasakyang dala namin nang magkahiwa-hiwalay na kami dahil iba-ibang daan ang tinahak namin. Bumusina pa sa akin si Jaiden bago kami naghiwalay ng daan. Tahimik na si Theo sa tabi ko at ang mga mata ay nakatuon na sa labas ng bintana. Hindi ko naman alam kung paano ko pa siya kakausapin ulit. Kasi kilala ko siya, kung wala siyang planong magsalita, hindi talaga siya magsasalita unless ikaw mismo ang gagawa ng paraan para malaman ang hindi niya masabi.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating kami sa apartment ko. Sinusulyapan na ako ni Theo kaya nang akmang paparada na ako sa parking lot ay nagsalita na siya. "Dito nakatira si Zhairo?"

Natigilan ako. Mabilis akong napatingin sa back seat at pagod na sumandal sa head rest ng upuan ko habang nakapikit ng mariin. Nakalimutan kong ihahatid ko nga pala siya sa kanila. Feel na feel ko yata ang pagmamaneho na akala ko ay sasakyan ko ito. I groaned.

Ni hindi ko nga alam ang bahay nila!

Minulat ko ang mga mata ko at pagod na tiningnan si Theo na nakatingin lang din sa akin, marahil ay nagtataka kung anong nangyayari. "Pahiram cellphone mo."

I'll just text Rhea kung saan nakatira si Zhairo.

"I used the last battery of my phone to the last message I sent you." Sagot niya kaya ay marahas na napabuga ako ng hangin. Saan ko ito ihahatid kung ganun?

"Just let him stay with us." Pagod na rin na suhestiyon ni Theo na mabilis kong inilingan. No way. No h*ll way. Never. Kung pwede lang ay gusto kong iyong sa picnic na ang huling pagkikita namin ng lalaking ito.

Akmang magsasalita ako nang biglang lumabas si Theo sa sasakyan. Bagot na binuksan niya ang pintuan sa banda ni Zhairo tsaka ito inakay palabas ng sasakyan. Hindi makapaniwalang napabuntong-hininga nalang ako nang malabas niya si Zhairo at isarado ang pinto. Ipinark ko muna ang sasakyan sa parking lot tsaka sila nilapitan na naghihintay sa entrance ng building at inalalayan si Zhairo sa kanang bahagi habang si Theo naman sa kaliwa.

Madilim na ang paligid at tanging mga maliliit na ilaw sa hallway nalang ang nakabukas. Akay namin siya mula sa pagpasok sa elevator hanggang sa makarating sa palapag ng apartment ko. Nang makarating kami sa harap ng apartment ko ay mabilis kong kinuha ang susi ko tsaka binuksan ang pinto.

Inilagay namin siya sa couch ko sa sala at pagod akong nagbuga ng hininga. Ang bigat niya. Kahit dalawa kaming umaalalay sa kanya ay sumakit pa rin ang katawan ko. Sinulyapan ko si Theo na inililibot ang tingin sa loob ng apartment ko. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya dahil wala naman siyang ipinapakita.

"Sa kwarto ka ba matutulog---"

"Katabi mo?" Nakataas ang kilay niyang saad at maya-maya ay bahagyang ngumiwi. "Nah. Dito na ako sa kabilang couch."

Inirapan ko si Theo bago nagpunta sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Narinig ko naman ang mga yapak niya na sumunod sa akin.

Uminom ako ng tubig habang tinitingnan lang ako ni Theo. Maya-maya lang ay narinig ko siyang nagbuntong-hininga. "Uuwi ka ba next week?"

Tumango ako habang nakatitig sa wala nang lamang baso na ininuman ko. "Truth is... I'm not really sure. Feeling ko kasi, makikita ko si dad." Pagak akong tumawa na para bang biro lang ang sinabi ko.

"What will you do if you'll see him there then?"

Sinalubong ko ang mata ni Theo na para bang binabasa ang isip ko kaya ay umiwas ako ng tingin dahil may naaalala ako sa mata niya.

"I-I'll greet him. I guess?" Hindi segurado ko pang sagot sa kanya at nagkibit-balikat. "Hindi mo pa sinasabi yung sasabihin mo sana about kay dad."

Ngayon naman ay siya ang nag-iwas ng tingin bago kumuha ng bagong baso at uminom ng tubig. Sinundan ko lang siya ng tingin at hinintay na matapos siya sa pag-inom kaya ay nasamid pa siya. Ngumiwi ako. Gan'yan ba niya kagustong itago ang bagay na 'yun? Ano ba kasi iyon? Bakit hindi niya masabi?

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon