CHAPTER 16

13 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Umawang ang bibig ko sa tanong niya at ilang beses nagpakurap-kurap ang mga mata ko. Bakit niya itatanong ang bagay na iyon? Wala naman siyang alam sa nangyari sa amin 'di ba? At saka wala naman talagang nangyari sa amin. It's pure misunderstanding towards treat of friendship.

Nagpilit ako ng tawa upang pagaanin ang naghuhuramentado kong puso. Nagkita kaya sila ni Zhairo? Kaya ba wala sila nung lunch break? Pero ang sabi niya ay dahil iyon sa pinagawa sa kanila ng Prof nila. At kung magkikita man sila ay wala pa rin namang masasabi si Zhairo sa kaniya. I don't even know if Zhairo still remember me.

"Ang random ng tanong mo." Komento ko nalang imbes na sagutin ang tanong niya tsaka kinagat ang labi ko. How am I going to answer his question? Na ilang araw ko nang sinusundan ang bawat galaw nina Rhea? Na curious ako sa flow of relationship nila? Na nagmumukha na akong number one fan sa kanilang dalawa?

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Oo nga."

But somehow, I'm curious. "Saan ba galing ang tanong mong 'yan Jaiden?" Pinatunog ko lang na parang nagbibiro upang hindi niya mahalata na gusto ko talagang malaman.

Natahimik siya ng ilang segundo tsaka siya nakasagot. "W-wala Thea. Nagtanong lang talaga ako. May bagong story kasi si Rhea."

Napatango ako tsaka sinulyapan ang unan na bigay ni Zhairo. "Pero hindi ka magtatanong kung wala kang napansin. Tingin mo ba, may something sa kanila ni Rhea?"

Hinigit ko ang aking hininga habang hinhintay ang sagot niya. Matagal ko na kasing napapansin na may namamagitan kina Rhea at Zhairo pero wala naman akong nakukuhang kumpirma. Maybe I'll be able to get it now? At baka makampante na rin ako kung makumpirma ko man.

"I don't really know Thea. Ang alam ko lang, they've become closer than before."

Mabagal akong tumango na parang makikita niya ako. Closer than before? Sapat na ba iyon para makumpirma ang tumatakbo sa utak ko?

I chuckled. What am I doing really? Bakit ba kailangan ko pang kumpirmahin kung anuman ang meron sa kanila? It's not like I am their, like sort of, their mother. I am just someone who should support them, right?

"Pero kung meron mang namamagitan sa kanila. You're okay with it right? You'll support them, right?"

Natahimik ako ng ilang minuto sa tanong niya. If ever Rhea and Zhairo will be confirmed as a couple. Will I be able to support them? Can I support them?

I gulped before answering hesitantly. "O-of course. Ano namang magiging rason ko para hindi sila suportahan 'di ba?"

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga. "Yeah, right. Of course you will."

Kumunot ang noo ko. Of course I will? Bakit? Sila ba? Hindi ba sila susuporta? Bakit naman?

"Bakit parang nakampante ka yata?" Natatawang pilit kong tanong na tinawanan din niya.

"I am just relieved na may susuporta sa kanila." Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig. "Rhea is one of my best of best friends. Alam ko kung ano yung pinagdaanan nila ni Zhairo. Alam namin actually. I'm sure Kiana wouldn't approve them Thea. I'm just glad they have someone like you who can be there for them."

Napamaang ako at natulala na sa kisame. Ano bang alam nila na hindi ko alam? Bakit hindi nila papayagan sina Zhairo at Rhea? At ako pa ang magiging supporter nila?

"Kung totoo man na may namamagitan sa kanila. Can you not hate them Thea? Can you not leave them? Our friends? Kasi hindi ko maipapangakong mananatili sina Kiana at Mayo. Can you at least be there for them?"

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon