ALTHEA MONTE POINT OF VIEW
"Huyy Kiana! Ilabas mo na ang alak!"
Sigaw ni Mayo sa amin nang maiparada nila ng maayos ang sasakyan nila sa isang malawak na karsada sa taas ng bundok. Sa gilid ng karsada ay isang patag ng bermuda grass na kung saan ay kita ang buong syudad. Napatulala ako sa nakita. Malapit nang lumubog ang araw at ang nagliliparang ibon ay dumadagdag sa ganda ng nakikita namin.
"Ang ganda." Bulong ko sa sarili habang nakatitig pa rin sa syudad.
"Mas maganda ka."
Mabilis akong napaigtad at humakbang palayo kay Zhairo na nasa likuran ko pala. Ilang segundo ko lang naman naramdaman ang hininga niya sa bandang leeg ko ngunit nagbigay iyon ng kilabot sa buong katawan ko.
"Problema mo?" May inis ko nang tanong sa kanya. Napagpasyahan ko na ngang gawing kaswal ang relasyon namin pero siya naman ang nagbibigay ng kung ano-anong motibo. Kumunot ang noo ko. Motibo? Bakit naman siya magbibigay ng motibo? Maybe he just want to see my pissed face so bad kaya siya lumapit sa akin at tinititigan ako ng malalim habang nakangisi.
Inirapan ko siya. "Back off, will you?"
"I will not. Never." Rinig ko pang saad niya bago ako tumalikod sa kanya at lumapit kina Kiana para tulungan siya sa pagdadala ng mga gagamitin namin mula sa compartment sa likuran ng sasakyan.
Nagtulungan kaming lahat para iset-up ang mga gamit namin. Si Zhairo ang nagdala ng lahat ng gamit kaya ay puno talaga ang compartment ng sasakyan niya. May dala rin siyang isang mga tent, malaking basket na may nakalagay na mga pagkain, junk foods, alak, picnic blanket, comforter, pati mga unan, at... mga saranggola?
Kunot-noong kinuha ko ito. Anim ito lahat at may iba't ibang kulay at shape.
"Sa'yo yang black and white." Sinulyapan ko si Zhairo na kinukuha ang comforter at unan. "Favorite color mo, right?"
Tumango ako sa kanya bago siya umalis dala ang mga unan at malaking comforter. Bumaba naman ang tingin ko sa hawak kong saranggola. Hinanap ko ang black and white na sinabi niya at nang makita ay kumunot ang noo ko. It's in the form of a cat! Hindi ko alam kung lilipad ba ito pero segurado akong pusa talaga ito. Nang tingnan ko ang ilalim nito ay nanliit ang mga mata ko nang makita ang dinikit niya na picture ni Hervor dun habang nasa bunganga ang yarn na kung hindi ako nagkakamali ay kapareho ng kulay ng binigay ko sa kanila noon. Nang-aasar ba ang lalaking iyon?
Tiningnan ko ng masama si Zhairo na nakikipagtawanan na kina Kiana habang nag-aayos ng mga gamit. Nang mapansin ang titig ko ay sinulyapan niya ako at nginisihan. Umirap ako sa hangin at ibinalik ang mga saranggola sa compartment. Kahit kailan ay hindi ako tatanggap ng mga gamit na may mukha ng pusang iyon!
Kinuha ko ang ibang unan na hindi nadala ni Zhairo bago lumapit sa kanila. Si Zhairo, Jaiden at Theo ay nag-aayos sa malaking tent habang si Mayo naman ay nag-aayos sa pagkain at alak habang si Kiana at Rhea ay nakaupo na sa blanket.
"Pambihira ka Mayo. Patay gutom ka talaga." Asik ni Kiana kay Mayo nang kumuha na ito ng chips at nagsimulang kumain habang pinagmamasdan lang sina Theo na maghirap sa malaking tent. Hindi na siya sinagot ni Mayo at inirapan nalang dahil may laman ang bunganga niya.
"Balak niyo bang matulog dito?" Tanong ko at naupo sa tabi ni Kiana sa blanket.
"Baka raw maging overnight ito, sabi nina Rhea." Sagot ni Kiana sa akin.
"Hindi tayo kakasya sa tent." Dagdag naman ni Rhea at kumuha ng tatlong mansanas at bigyan kaming dalawa ni Kiana.
"Baka umuwi kami ni Theo." Saad ko tsaka tumingin sa tanawin sa harapan. May pag-uusapan pa kami ni Theo and I really have a guts na hindi maganda ang usapang mangyayari sa amin. Oh well, wala namang magandang usapan ang nangyayari kapag tungkol kay daddy.
"Hatid ko na kayo then." Sabi ni Jaiden na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin. Sinulyapan ko ang tent at nakitang maayos na ito. Jaiden sat beside me tsaka inilagay ang ulo sa hita ko. Hinayaan ko nalang siya at mas inayos ang pagkakaupo ko para hindi mangalay ang leeg niya. I brush his hair using my fingers habang nakatingin siya sa akin. "Sorry kanina. Hindi kita naihatid. Dapat hindi kita hinayaang umalis mag-isa."
I just smiled at him a little dahil umusbong na naman ang kaba sa dibdib ko. I can feel a burning stare that's saying I am in great danger. Tinigil ko ang pagsuklay ng buhok ni Jaiden tsaka tumikhim bago tumingin sa may puno sa likuran ni Rhea. And there I saw Zhairo staring at me dangerously. Ang itim niyang mga mata ay mas dumilim pa yata dahil sa paraan ng pagtitig niya habang nakasandal sa puno at nakakrus ang mga braso sa dibdib.
"Gusto mo Ash?" Narinig kong pagkausap ni Rhea sa kanya kaya ay inalis ko na ang tingin ko sa kaniya tsaka kinakabahang napakagat sa mansanas. Mayo is enjoying his chips habang si Kiana sa tabi ko ay kinakausap si Jaiden. Hindi na rin naman bago ang ganitong trato sa kanila dahil ganito talaga si Jaiden madalas. It's not like it's something special since he also act this way to Kiana. Minsan ko na ngang nakita si Kiana na nakapiggy back ride kay Jaiden. Ewan ko lang kung bakit parang may mali kung makatingin si Zhairo.
Nang tingnan ko si Theo sa harapan ko ay narealize ko na hindi lang pala si Zhairo. Theo is glaring at Jaiden na nagpapanggap na hindi napapansin ang titig niya. Nang hindi makatiis ay lumapit si Theo sa amin at bahagyang sinipa ang binti ni Jaiden. Mabilis naman itong naintindihan ni Jaiden dahil natatawa siyang umayos na lamang ng upo.
"Protective brother huh?" Nakangising komento ni Kiana nang mapansin ang nangyari.
Hindi ko napigilan ang sarili na sulyapan si Zhairo para tingnan ang reaksiyon niya ngunit mabilis ko rin itong pinagsisihan nang makitang hindi na siya nakasandal sa puno kundi ay nakaupo katabi ni Rhea habang nakangiti at nakatingin dito. Rhea is sharing him something and he's listening attentively na para bang ang sinasabi ni Rhea ang pinakainteresanteng bagay na narinig niya.
Napakagat ako ng labi ng makaramdam ng kunting kirot sa dibdib at umiwas nalang ng tingin. Nagpasya akong ituon nalang ang aking atensiyon sa tanawin lalo na at nagsisimula nang lumubog ang araw pero hindi nakakalagpas sa tenga ko ang bahagya nilang tawanan kaya ay napapasulyap parin ako sa kanila. What a scene.
"Tatanga lang ba tayo?" Tayo ni Mayo tsaka nilagay sa isang supot ang wala nang laman na chips niya. "Magpicture tayo!"
Sa sinabi niya ay mabilis tumayo si Kiana at kinuha ang iPhone niyang cellphone at selfie stick. Inilahad ni Jaiden ang kamay niya sa akin na mabilis ko namang tinanggap na may ngiti sa labi. Pumwesto kaming lahat at inilapit ang sarili sa isa't isa habang nasa likod namin ang lumulubog na araw. Habang nakangiti kaming lahat sa cellphone ni Kiana ay napansin ko ang mga mata ni Zhairo sa screen. He's staring at my reflection in the screen intently with a small smile on his lips. Bahagyang nawala ang ngiti ko at ibinalik nalang ang atensyon sa sarili kong repleksyon. The nerve of this guy.
Ilang pose pa ang ginawa namin tsaka kami bumalik sa pagkakaupo. But this time katabi ko na si Zhairo sa kaliwang bahagi habang sa kanan ko naman ay si Theo na katabi rin si Jaiden. Nakatalikod sa amin sina Mayo, Kiana, at Rhea at nakaharap kaming lahat sa sunset. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita dahil lahat kami ay nasa tanawin lang ang atensyon. Maliban nalang sa katabi ko na nakatukod ang ulo sa mga braso niyang nakayakap sa ibabaw ng tuhod niya at bahagyang nakatingin sa gawi ko.
Kahit ramdam ko ang titig niya ay pinilit ko ang sarili kong tumingin lang sa tanawin dahil alam kong iba na naman ang magiging epekto sa akin kapag nagtama ang mga mata namin.
"Thea." Bulong niya na kami lang dalawa ang makakarinig. Napakagat ako sa labi at pinilit ang sarili na ikunot ang noo bago siya tingnan.
'I missed you.' He mouthed kaya ay mabilis akong umiwas ng tingin habang pinapakiramdaman ang kabog ng dibdib ko. Delikado ako sa sitwasyong ito.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
RomanceAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...