CHAPTER 20

19 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Natatawa ako habang pinagmamasdan si Mayo at Kiana na nag-aagawan ng saranggola. Si Jaiden naman ay nakangisi ring nakatingin sa kanila habang nagpapalipad ng sarili niyang saranggola at si Rhea na tinuturuan niyang magpalipad ay nasa tabi niya habang pinagmamasdan ang saranggola niya. Si Zhairo ay inaayos ang mga alak dahil mukhang may balak yata silang uminom habang si Theo ay nakangiti ring nakatingin kina Kiana at nakaupo sa tabi ko.

"Kailan mo pala balak bumalik, Theo?" Tanong ko sa kanya na hindi siya tinitingnan.

"Kung kailan ka uuwi." Sagot niya.

Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Paano kung hindi ako uuwi?"

"Then... hindi ako babalik." He stated back, na parang ang simple lang non sa kanya. "Besides, I like it here."

Napatitig ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya kaya ay umiwas lang din ako ng tingin. Maybe I can transfer him here? Para naman mas malapit nalang din siya sa akin.

"Alam ko nasa utak mo." Bahagya siyang tumawa at inakbayan ako kaya ay kumunot ang noo ko. Since when did he become touchy? "Don't try it. May mga kailangan din naman akong gawin sa buhay ko. Magagawa ko lang iyon sa pinanggalingan ko."

"Ano naman iyon?"

Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Maybe I'll start with kicking you out of my life?"

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang sinapak kaya ay napabitaw siya sa akin. Tumawa pa siya na para bang may nakakatawang bagay siyang nakita.

"Seryoso kasi Theo." Reklamo ko na mas ikinatawa niya. "Ano nga pala 'yung sasabihin mo dapat sa akin?"

Tinitigan ko siya at nakita ko kung paano siya natigilan. Why? Sabi niya handa na siyang magsabi. Ano na naman ang rason niya ngayon para mag-alinlangan siya? Nakita ko kung paanong naglakbay ang mga mata niya sa isang bagay kaya ay sinundan ko ito ng tingin. Pati ako ay natigilan nang makita si Zhairo. Nasa likod siya ni Rhea at hawak niya ang dalawang kamay nito na nakahawak sa maliit na lubid ng saranggola.

Natahimik ako habang pinagmamasdan kung gaano sila kalapit at ang pagbuka ng bibig ni Zhairo na parang may ibinubulong. Kunting tingin nalang ni Rhea sa gawi niya ay maghahalikan na sila. Nagbara ang lalamunan ko habang nakatulala sa kanila. Wow.

"I don't think I should tell you." Sabi ni Theo sa mahinang boses na halos hindi ko na rin marinig.

Tumikhim ako at pinilit ang sarili na ibalik ang tingin kay Jaiden na tinuturuan si Kiana magsaranggola. Hindi ko mapigilan ang pait na nadarama ko nang ikumpara ang posisyon ni Jaiden at Kiana kina Zhairo at Rhea. Jaiden is just standing beside Kiana while telling her what to do. Hindi naman pala kailangan ng ganun kalapit magturo. The bitterness inside me spread to my system.

I shut my eyes close. What am I even expecting? Hindi ko naman gusto na magkalayo sila 'di ba? Bakit ko naman gugustuhin na magkalayo silang dalawa? Susuportahan ko nga dapat. But why am I feeling this? Gusto kong kaladkarin si Zhairo palayo. Gusto ko siyang sumbatan. Why would he make me feel something for him kung may ibang babae naman siyang lalapitan? Why would he steal glances at me if he have someone special?

Nang mag alas diyes ay bumalik silang lahat sa pagkakaupo sa blanket. Nagsimula silang uminom ng alak hanggang sa mag alas dose ng gabi. Nang tingnan ni Kiana ang oras ay malapit nang mag ala una. "Oh my ghod! We need to go home na!" Kiana shouted.

"Patay ako nito." Bulong pa niya na hindi nakalagpas sa pandinig ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ba siya nagpaalam?

Tumayo na ako at si Theo na namumula na ang mukha dahil pilit nang yinuyugyog ni Kiana si Mayo na nakahiga na sa damuhan sa labas ng tent. Si Jaiden naman ay mukhang walang epekto ang alak dahil hindi inubos ang isang bote. Habang si Zhairo ay nakasandal sa may puno habang nakapikit ang mata na mabilis nilapitan ni Rhea.

Madali na para sa amin ang magligpit dahil nagligpit na kami ng ibang mga gamit bago kami pumasok sa tent para doon uminom. Zhairo and Mayo seems hopeless dahil parang hirap na silang tumayo. Sila kasi ang may pinakamaraming nainom kaya ay segurado akong hindi sila makakapagdrive.

Inakay si Mayo nina Kiana at Theo pabalik sa kotse nito habang si Jaiden at Rhea naman ang umalalay kay Zhairo pabalik sa kotse din nito. Si Jaiden at Theo nalang din ang bumalik para kuhanin ang tent at mga bote.

"Ako na ang magdadrive ng sasakyan ni Zhairo." Boluntaryo ni Rhea. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Kiana sa narinig kaya ay napalunok ako.

"Rhea, Mayo can't drive. Kay Mayo yung dalhin mo para mas mabilis." May bahid na inis niyang sabi. Mabuti nalang ay pumayag nalang din si Rhea kasi alam din naman niya na mas mabilis nga kapag kay Mayo nalang ang dalhin niya dahil iisa lang naman sila ng uuwian.

Nang bumalik si Jaiden at Theo ay mabilis nilang inilagay ang mga gamit sa compartment ng sasakyan ni Zhairo.

"Jaiden, sa'yo na ako sasabay." Saad ni Kiana kay Jaiden na tumingin naman sa akin. I gave him a smile para hindi na siya mag-alala pa sa akin kahit na kinakabahan na ako. Parang alam ko na ang kahihinatnan ng uwiang ito. Sa totoo lang ay ayoko talagang lumapit kay Zhairo, kahit na lasing siya.

"How about Thea? Si Jaiden maghahatid sa kanya 'di ba?" Angal ni Rhea na mabilis namang tinaasan ng kilay ni Kiana as if Kiana can sense something. Nagkatinginan kami ni Jaiden.

"This is not about who's courting who Rhea. Hindi ako nagpaalam kay mommy, okay? Tsaka ayaw niya na nagdadrive ako dahil naaksidente ako last week 'di ba? At mas lalong ayaw niya na may makitang may kasama akong lasing. Baka ma grounded pa ako." Saad ni Kiana na may inis na. "Would it be an issue for you kung si Thea ang magdadala sa sasakyan ni Zhairo?"

Natahimik si Rhea at napalunok nalang ako nang makita kung paano siya mag-iwas ng tingin. Mabilis naman pumagitna si Jaiden at tiningnan na may pagbabanta si Kiana. "Stop it, will you?"

"Sorry, lasing lang." Pagrarason ni Kiana na alam naman naming lahat na hindi totoo. Isang bote lang naman ang ininom niya and it only contains 5% of alcohol.

"Thea, do you know how to drive?" Baling ni Jaiden sa akin kaya ay lahat sila ay sa akin napunta ang atensyon na para bang hindi nila naisip iyon.

"I have a car." Simpleng sagot ko lang na ikinatango nila. It's true though. Nasa mansiyon ang sasakyan ko. Dad gave it to me at my 17th birthday.

"Take care." Saad ni Jaiden bago ibinigay sa akin ang susi ng sasakyan ni Zhairo. Tinanguan ko sila tsaka naunang pumasok sa driver's seat ng sasakyan ni Zhairo. Sumunod naman si Theo at umupo sa passenger's seat. Sinulyapan ko pa si Zhairo na nakahiga sa back seat. Nasa baba ang paa niya habang nakatagilid dahil hindi siya magkasya.

Nakita kong pumasok na rin sila sa mga sasakyan nila. Naunang magdrive si Rhea paalis. Akala ko ay susunod si Jaiden pero sinenyasan niya ako na mauna kaya ay pinaandar ko na ang sasakyan. Tahimik lang si Theo sa tabi ko at nakatingin lang sa windshield. Nang sulyapan ko siya ay kumunot ang noo ko sa okupado niyang isip. "What are you thinking?"

"Wala." Mabilis niyang sagot sa mababang boses.

"Hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung bakit may sugat ka." I stated when I saw his bruise. Namamaga ito at nagkukulay na.

"Para namang bago sa'yo kapag may sugat ako. Araw-araw nga akong umuuwing may sugat 'di ba? Normalized na ito." Mahabang paliwanag niya na hindi man lang nasabi ang gusto kong malaman. Although he's saying it's just a bruise from the same reason as his bruises before, the look in his eyes tell me that something is off.

"You're hiding something from me."

Sinulyapan ko siya at nakitang inihilig niya ang ulo sa upuan tsaka pumikit ng mariin. Bago ako mag-iwas ng tingin para tingnan ang dinadaanan namin ay nahagip pa ng mata ko ang sakit na bumalatay sa mga mata niya nang muli niya itong imulat.

"Oo Thea. May tinatago ako at hindi sinasabi sa'yo. Marami." Saad niya sa mababang tono na parang matagal na niya iyong iniinda. And it hurts me. Knowing na kapatid niya ako pero hindi niya masabi sa akin lahat. Napakagat ako sa labi ko nang makaramdam ng kirot sa puso ko lalo na ng sulyapan ko siya sa rear-view mirror at makita ang isang patak ng luhang mabilis lang din niyang hinawi.

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon