CHAPTER 13

16 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

"Let's dance Thea!" Iwinagayway ni Kiana ang bote ng alak mula sa inuupuan namin kaya ay bahagya akong natawa. My vision is getting blurred but being drunk won't ever make me dance. Hindi ako sasayaw kapag walang steppings.

"Ikaw na lang Kiana." Mahinang saad ko na may bahid ng tawa. I am still sitting in the same chair, and I gulped the remaining alcohol in the bottle bago ako kumuha ng bago. This is one reason why I don't want to go to parties. Alam kong kapag nagsimula na akong uminom ay hindi na ako titigil nang hindi bumabagsak.

I could still feel the creepy stare of someone. Hindi ko makita kung sino dahil maraming tao but I force myself to stay alarm. It's fine as long as I am in public, I am sure the culprit won't harm me. Unless he's here to assassinate me, which is kinda possible.

Napasapo ako sa noo ko nang mahilo ako. Sa isang iglap ay bumaliktad ang sikmura ko. Tumayo ako at hinanap ang cr. Hindi ko alam kung saan ngunit nang may narinig akong nagpaalam sa kabilang table dahil pupunta raw ng cr ay sinundan ko nalang. Hindi ko alam kung maayos pa ba akong maglakad pero feeling ko naman ay ayos lang. Ang bigat ng ulo ko na parang ilang sandali ay matutumba ako na siya namang nangyari. Natumba ako sa gilid at malayo-layo sa dagat. Mabuti nalang at sa buhangin ako natumba kaya ay hindi masyadong masakit.

Tiningnan ko ang langit. Ang ganda ng mga nagkikislapang bituin. Parang dinuduyan ako kasabay ng ingay mula sa alon ng dagat. I smiled when a familiar figure stood in front of me, staring at me. Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya dahil sa papikit ko nang mata, but before I could close my eyes and let myself sleep, I smell the familiar scent of perfume.

"Take me home Abo." Mahinang aniko bago ako tangayin ng tulog.

__________

Mahinang gumalaw ako sa kama ko nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Iminulat ko ang mga mata ko at ang una kong napansin ay ang maliit na panda-styled clock sa bedside table ko. 9:17 AM. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis napabangon na pinagsisihan ko naman. Napapikit ako ng mariin nang sumakit ang ulo ko. Sinapo ko ito at kunot-noong lumabas sa kwarto para uminom ng tubig. I went to the kitchen at nakita ang isang supot sa lamesa katabi ng isang baso ng tubig at gamot. Kumunot ang noo ko. Did Jaiden prepare this for me?

May note na nakadikit sa supot kaya ay kinuha ko ito at binasa.

'I ordered food for you. Wag ka munang uminom ng malamig na tubig. Take your medicine and move faster. Malelate ka.'

Tumaas ang isang kilay ko. The note sounds demanding, not Jaiden's style, pwede pa si Mayo pero sa katamaran nun ay seguradong sa sala lang ako inilagay nun at umalis na para umuwi. Maybe Kiana prepared this.

Hindi ko na pinag-isipan pang muli at kumain nalang. Ininom ko ang gamot kagaya ng sabi sa note at nag half-bath tsaka nagbihis. Nang ayos na ang lahat ay tsaka ako bumaba at sumakay ng taxi papuntang GWU

Nang makarating ay nagbayad na ako tsaka mabilis ang lakad na pumunta sa department namin. Para lang akong nakalutang habang naglalakad dahil hindi pa rin tumatalab ang gamot and I am still sleepy. Binuksan ko ang pintuan ng room ng first class namin at nakita kong kakarating lang ng mga kaklase ko. I sighed in relief.

"Move." Napaigtad ako nang marinig ang malamig na boses ng Prof namin sa likuran ko kaya ay mabilis akong nagbigay ng daan sa kanya.

Sinulyapan niya lang ako gamit ang walang emosyon niyang mata bago ako nilampasan para pumasok sa classroom. Kagat-labing sumunod naman ako sa kanya papasok tsaka dumeretso sa upuan ko na katabi ng kay Rhea na nakatingin sa akin na may pag-aalala.

"You good?" Bulong niya sa akin nang makaupo ako na tinanguan ko lang dahil nagsisimula nang magsalita si Prof Dwayne sa harap. He's actually a good-looking professor. He's just aloof and always cold. Pero may sabi-sabi na may asawa na raw siya, kay Kiana ko nalaman.

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon