CHAPTER 29

50 1 1
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

"Nasan si daddy?" Deretsong tanong ko sa personal driver ni daddy nang makita ko ito sa kusina kasama si Manang Felly at dalawa pang kasambahay.

Napatingin ito sa akin at nang makita ang talim ng tingin ko ay napalunok ito. "N-nasa opisina po."

"Ihatid mo ako sa kaniya." Mariing utos ko tsaka tumalikod para pumunta sa parking lot. Narinig ko naman ang mga yapak niya na sumusunod sa akin.

Hindi ko akalain na muntik na akong maniwala sa isiping magbabago siya. Na babawi siya. In the first place ay wala naman talaga siyang planong ganun.

How can he marry someone else when, in fact, he couldn't even be a father to his own son?! Sinuntok pa niya! Pinalayas pa! How could he.

Nang makarating kami sa parking lot ay mabilis kaming pumasok sa sasakyan na madalas dalhin ni daddy. "A-ayos lang po kayo, maam?"

"Just drive." Malamig kong ani sa kaniya habang malalim ang bawat paghinga.

Gusto kong magwala. Gusto kong ilabas lahat ng galit, frustration, disappointment at sakit. Parang bumalik lang din lahat. Parang kahit anong subok ko na ayusin. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na maging okay sa kaniya ay parang mas binibigyan niya ako ng rason para kamuhian siya.

At habang nasa gitna ako ng byahe. Parang bumabalik sa utak ko yung mga gabing umiiyak ako. Yung mga katanungan ko noon sa kaniya. Kung bakit siya aalis. Kung ayaw na ba niya sa amin. Kung hindi na ba niya kami babalikan. Yung mga panahong hinahanap siya ni Theo sa akin at hindi ko alam ang isasagot. Yung mga recognition and events sa school na kasama ng ibang mga bata ang parents nila habang wala akong kasama. Yung family day na hindi ko magawang puntahan kasi wala siya.

Gusto kong magreklamo sa kaniya. Gusto kong ipakita sa kaniya kung gaano kaapektado ang mga anak niya sa mga pinaggagagawa niya.

"Nandito na po tayo maam."

Pinahid ko ang isang luha na kumawala sa kaliwang mata ko at nagbuntong-hininga bago bumaba ng sasakyan. Pumasok ako sa building mabilis kong nilapitan ang isang staff. "Where is Mr. Monte's office?"

"Top floor po ma'am. Straight lang po then turn right."

Nagpasalamat ako sa kaniya at mabilis na pumasok sa elevator. Ilang minuto lang ay nakarating ako sa top floor at gaya ng sabi ng staff ay lumiko ako sa kanan at isang hallway ang nadatnan ko. Sa dulo nito ay isang malaking pinto. Mabilis ang hakbang ko palapit dito.

"Ano bang gusto niya? Maybe he want new car? I can give him that. Or condo?"

Tumigil ako sa nakaawang na pinto nang marinig ang boses ni daddy.

"Hon. You don't need to give him something. He'll be happy just by seeing you."

Umawang ang labi ko sa narinig. It's tita Zaya's voice. Siya ang planong pakasalan ni daddy? Hindi ko akalain na may mas ikakasakit pa pala akong maramdaman mula nang mawalan ako ng ina. Parang mas piniga ang puso ko nang marinig na plano niyang magpakaama sa iba. At sa anak pa ni tita Zaya? I trusted her. Nagtiwala ako na kakampi namin siya. Akala ko ay maiintindihan niya kami ni Theo. Akala ko ay sa amin siya panig.

"No. Hon, I want to. Gusto kong ibigay sa kaniya yung mga bagay na kaya kong ibigay sa kaniya. I want to give him the best I could offer. I want to be the best father to him."

Seriously?

The best father for him? He couldn't even be a father to us!

Ano nalang ang iisipin ni Theo kung narinig niya ang bagay na iyon? Ano nalang ang mararamdaman niya? Ni sa pag-aaral ni Theo ay hindi siya binibigyan ni daddy ng pera. Tapos sa ibang anak ay halos lahat ay ialay niya?

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon