CHAPTER 31

68 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

"Saan ka galing?"

Bungad ni Theo sa akin nang makapasok ako sa kwarto ko. Kaharap niya ang computer ko at naglalaro rito. Nakapaglog-out na kaya siya?

Humiga ako sa kama ko at isinubsob ang mukha ko sa unan. Hindi ko alam kung napansin ba niya ang namamaga kong mata dala ng pag-iyak pero dahil wala naman siyang reaksiyon ay baka hindi.

Ipinikit ko ang mata ko. Ayaw ko munang makipag-usap kay Theo. I had enough of confrontations this day and I think I couldn't get myself to ask him why he kept it a secret to me. Bakit hindi niya agad sinabi? Or ito ba ang dapat sasabihin niya sana nung pinuntahan niya ako sa syudad? Then, bakit hindi niya tinuloy ang pagsabi sa akin?

Naaawa ako sa kaniya. How could a father punch his son so hard that it made a wound? How can a father force his own son to leave his home? How can a father bring himself to care more to another son than his own? How can a father inflicts pain on his own son and ignore it like nothing happened? How can a father neglect his responsibility as a father?

Gusto kong malaman kung anong iniisip ni Theo. Kung ano ang nararamdaman niya. Gusto kong malaman kung anong gusto niyang gawin. I want to at least hive him what he wanted.

"Ngayong gabi ang halloween party hindi ba?"

Sinulyapan ko si Theo na nakatuon pa rin ang atensiyon sa computer. Oo nga pala. "Hmm."

"Hindi ka pupunta?"

"Too late for that." Sagot ko na lang sa kaniya. Kung alam ko ba na ganito ang malalaman ko sa pag-uwi ko rito ay uuwi ba ako? Mas pipiliin ko pa rin bang subukan na ayusin ang pamilyang ito na mukhang malabo na rin namang maayos?

Malamang ay hindi. Malamang ay mananatili nalang ako sa syudad. Malamang ay pipiliin ko nalang na kalimutan na may ama pa ako. Kung nasa syudad lang kami ni Theo ngayon ay baka nakatakas pa kami sa bagong problema pansamantala. Hindi lang talaga permanente dahil hindi naman talaga pwede na palaging tumatakbo sa problema. But what now? Will I still be able yo face them?

Sa lahat ba naman ay si tita Zaya pa. Wala na ba siyang nakitang iba? Bakit si tita Zaya? Bakit siya pa? Itinuring ko na siyang pangalawang ina? Sobrang taas ng tingin ko sa kaniya dahil sa pansamantalang pag-alaga niya sa amin ni Theo noon. Akala ko ay isa siya sa magiging kakampi ko. Akala ko ay isa siya sa mga mapagkakatiwalaan ko. Bakit nagkaganito?

Alam ba ni Jaiden ito? Napabalikwas aki ng bangon nang maalala si Jaiden. Alam ba niya na magpapakasal ulit ang mommy niya? Alam ba niya na may relasyon ang mommy niya tsaka ang daddy ko? But, I don't even know if he still remember me. I doubt he recognized me, knowing na may plano siyang ligawan ako. Kung alam niya na ikakasal ang mommy niya at daddy ko, he shouldn't have courted me.

Napaungot ako sa inis tsaka muling ibinagsak ang sarili sa kama. Ang gulo! Ang gulo ng lahat! Nakakainis!

"Nakakabaliw 'yan." Komento ni Theo kaya ay napatingin ako sa kaniya. Maybe I can start with him? Pero pagod na ako. Sinasabi ng puso ko na dapat kong malaman ang lahat ngunit may binubulong ang utak ko na huwag ko nalang alamin ang lahat para hindi na ako masaktan pa. Because everytime I come to know something, it hurts me like h*ll. And part of me don't want to be hurt again.

"Pagod na ako Theo." Saad ko sa kaniya kaya ay lumingon siya sa akin. Tumagal ang tingin niya sa akin ng ilang minuto bago nagbuntong hininga at umiwas ng tingin.

"Ako rin Thea." Saad niya tsaka tumitig sa screen ng computer pero wala naman ang atensiyon niya roon. "Sobra."

Nanubig na naman ang mga mata ko lalo na nang makita kung paano siya lumunok na para bang hirap na hirap na. Kung kanina ay wala akong nakikitang buhay sa mga mata niya, ngayon ay kitang-kita ko ang pagod sa mga ito.

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon