ALTHEA MONTE POINT OF VIEW
Sinulyapan ko ang cellphone ko na nasa kama ko sa bandang paanan. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko na itong sinusulyapan pero mag tatatlong oras na ay wala pa rin akong natatanggap na tawag.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang nakatitig sa cellphone ko. Alas otso na ng gabi at nasa kwarto ko lang ako. Tahimik na ang buong mansiyon kaya ay natutulog na seguro sila.
Ganitong oras naman siya tumatawag sa akin noon. Nagalit kaya siya? Nagtampo? Nainis? Nahiya? Bakit hindi pa siya tumatawag? Ni wala man lang text.
Napasapo nalang ako sa noo. Bakit ba hinihintay kong tumawag si Zhairo? Ano na Thea? Binasted mo nga indirectly, 'di ba? Anong gusto mo? Walang kayo at hindi magiging kayo pero parang may kayo? Yung someone special ka niya pero hindi naman dapat? Yung ikaw lang uunahin at priority niya pero wala kang plano sa kaniya?
Pero akala ko ba joke lang iyon?! Kung joke lang naman pala iyon... kung hindi naman pala iyon seryoso, bakit hindi na siya nag tetext o tumatawag man lang?
Dapat ba ako ang unang magtext? Dapat ako ang tumawag?
Pigil ko ang hininga ko nang kunin ang cellphone ko para mag message kay Zhairo. Akmang magtatype na ako nang matigilan ako. Ano namang sasabihin ko?!
"Urgh." Ang tanging lumabas sa labi ko tsaka sumalampak sa kama. Inis akong napapikit. Bakit ba hindi pa ako natutulog? Matutulog na lang ako! Bahala ka sa sarili mo Zhairo! Hindi mo na ulit maririnig iyong Abo!
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya ay mabilis akong napadilat. Nag vavibrate kasi ang cellphone ko kapag may paparating na text o tawag. Nang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext ay napangisi ako. Magtetext din naman pala, nadelay lang.
Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko tsaka inayos ang nagulo kong buhok bago binasa ang message.
'Nasa labas ako ng gate niyo. Can we talk?'
Nawala ang ngisi ko nang makitang hindi si Zhairo ang nagmessage. Hindi ba pwedeng bukas nalang makipag-usap sa akin itong si Jaiden? Mainit pa naman ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. Huminga ako ng malalim at saka pabagsak na inilagay ang cellphone sa kama ko tsaka nag-ayos para puntahan si Jaiden.
Wala na akong nadatnan ni isang kamag-anak paglabas ko ng mansiyon kaya seguro ay natulog na silang lahat dala ng pagod. Nang makalapit ako sa guardhouse ay napatigil ako ng ilang segundo. Napalitan na naman seguro ang guard na iyon? Or baka naman hindi niya duty ngayon?
Nasagot ang tanong ko nang makita ko siyang pumasok ng gate. Kumunot ang noo nito nang makita ako kaya ay napabuntong hininga nalang ako.
"Ayh ma'am, bisita mo na naman ang nasa labas?" Tanong niya na parang may nangyayaring krimen sa lugar namin.
"Opo, kuya Guard." Matamlay kong sagot sa kaniya.
"Ehh, nagpaalam ka po ba sa daddy mo ma'am?"
Tumaas na ang kilay ko sa tanong niya. May plano ba itong sumali sa pamilya namin? Gusto ba nitong maging lolo ko?
"Diyan lang naman kami sa labas." Pagrarason ko pa pero umiling-iling lang siya na parang dismayado.
"Kay babae mo pong tao ma'am tapos may kinikita ka pong iba-ibang lalaki at gabi pa." Komento pa niya. "Oh siya. Sige. Pero isang oras lang."
Inirapan ko siya at saka ako lumabas. Ang daming say niya sa buhay ko. At may pa curfew pang nalalaman.
Nang makalabas ako ay nakita ko si Jaiden na nakaupo sa hood ng sasakyan niya sa tapat ng gate. Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt at saka maong na short.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
RomanceAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...