ALTHEA MONTE POINT OF VIEW
Pilit ang ngiti ko nang kalasin ko ang yakap niya sa akin. "Kumusta, dad?"
He chuckled. "We should catch up Thea. Ang dami kong gustong ikwento sa'yo."
Mahina akong tumango sa kaniya tsaka hindi sinasadyang mapatingin sa railings sa itaas na palapag. Theo is standing, both hands in the railings, while looking at us with an unknown expression.
"Can we just catch up later dad? May pupuntahan kasi ako." Saad ko tsaka tumingin sa kaniya. "Sge dad, mag-aayos lang ako."
Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magsalita at sinulyapan ang gawi ng babaeng nakita ko kanina ngunit wala na ito roon.
Naglakad na ako palayo sa kaniya. Hindi ko kayang magtagal. I have learned how to fake my emotions but seems like the mask I put in my face to hide it is gone. Hindi ko kayang balewalain ang galit sa puso ko because I have been feeding it for too long.
Pumanhik ako sa palapag kung saan nakatayo si Theo at sinalubong naman niya ako ng may nag-aalalang tingin. "Are you okay?"
Tumango ako sa kaniya. "Samahan mo ako. Gala nalang muna tayo sa labas."
Nauna akong maglakad sa kaniya pabalik sa kwarto ko. Nang makapasok ako ay mabilis din siyang sumunod ngunit may hawak na siya na bola. "Basketball tayo."
Tumango lang ako sa kaniya kahit na hindi naman ako marunong at nagpunta sa closet ko para magbihis.
Nang lumabas ako ay nakatulala ito sa bolang nasa kamay niya. Hindi ko alam kung napansin ba ako nito dahil parang malalim ang iniisip niya hanggang sa magsalita siya. "Will you forgive him?"
Hindi na ako nagulat pa sa tanong niya. Alam kong katulad ko ay naisip na niya ito ng ilang beses.
"Will you?" Because I will forgive him if you will. I will give him a chance if you want. Only for you. Kasi iyon naman talaga ang punto ng lahat ng ito. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako, kami, nandito.
"I don't know." Mahina ang tinig na sagot niya na hindi pa rin tumitingin sa akin. "It's not like it matters anyway."
Nagpakawala ako ng hininga dahil may punto siya. Hindi na importante kung papatawarin ba namin si daddy. Kasi sa kilos niya kanina, parang siya na rin ang nagdesisyon na patawarin namin siya. He left us with no choice but to accept him again.
Kinuha ko ang litrato ni mommy sa bedside table ko. Sa nakangiting mukha ni mommy ay kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya.
"Mom said na kapag may nagawa daw na mali sa atin ang ibang tao. We can always find a way to forgive them."
"But what if that man has caused us great damage we just couldn't find a reason to forgive him?" Tanong ni Theo habang nakatingin na rin sa litrato.
"You will. Theo you will. Because forgiving is the first step to happiness Theo. Kung hindi marunong magpatawad, mas kinukulong mo lang ang sarili mo sa lungkot na dapat ay matagal mo nang nilampasan. Na dapat ay hindi mo na nararamdaman." And yet I couldn't find myself to forgive him. He has inflicted me too much pain. Hinayaan niya ang anak niya na lumaki sa pangangalaga ng iba. Hinayaan niya ang anak niya na maghanap sa kaniya. Na maghanap ng pamilya.
Lalo na si Theo. Si Theo na mas nakakita ng pamilya sa mga barkada niya kesa kay daddy. Si Theo na laging napapaaway habang pinoprotektahan ang mga kaibigan niyang itinuring niyang pamilya. He found family outside this household. And maybe that's one thing I regretted the most in my life. Because that's partially my fault. Kung nagampanan ko lang ng maayos ang pagiging pamilya sa kaniya, bagay na hindi nagawa ng ama namin, baka iba ang takbo ng buhay niya ngayon. Baka hindi ko makikitaan ng lungkot at pangungulila ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
RomanceAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...