ALTHEA MONTE POINT OF VIEW
Mabilis kong ipinilig ang ulo ko para mawala ang imahe ni Zhairo rito. Imposible. Paano naman magiging si Zhairo iyon? Magkausap kami kanina kaya imposible na siya iyon. Tsaka hindi lang naman si Zhairo ang may ganung aura seguro. Sa dami ng tao sa mundo ay malamang hindi lang talaga si Zhairo. At kung sakali man, bakit naman sila magkasama ni tita Zaya. It's just too impossible.
"Anong iniisip mo Thea?" Napatingin ako kina Chanel at Farah na nakataas na naman ang kilay sa akin.
"W-wala." Sagot ko na pumiyok pa kaya ay tumikhim ako. Bumalik sila sa pag-uusap tungkol sa lalaking nakita raw nila habang ako ay nagpatuloy sa pagkain.
Minsan ay kumukunot ang noo ko sa mga naririnig sa kanila pero hindi ko pinahalata na medyo apektado ako sa pinag-uusapan nila. Bakit naman kasi ako apektado? Ni hindi ko nga kilala ang pinag-uusapan nila. I hate it. I hate how they talk about the guy they saw. I hate the wishful eyes I can see on them. I hate how they fantasize the guy. And I hate how they described him.
But most of all, I hate the way my heart reacts to all I hear from them. Bakit ako kinakabahan? Bakit ang lakas ng pintig ng puso ko? Bakit palagay ko ay kilala ko talaga ang pinag-uusapan nila? At bakit si Zhairo ang naiisip ko sa mga sinasabi nila?!
This is hilarious. I want to see the guy they're referring to. Nakakabaliw macurious. Gusto kong makita sa sariling mga mata ko kung sino ba siya. Kilala ko ba talaga siya? Si Parr ba? Pero imposible naman na si Jaiden. Imposible rin na si Zhairo pero siya lang ang naiisip ko ngayon. Pero kung siya man, bakit naman sila magkasama ni tita Zaya?
Or maybe I am just overthinking it. Baka hindi ko talaga kilala. Pero bakit hindi ako mapalagay? D*mn it. Sino ba kasi iyon?
"Galing niyong tumakas ah."
Napatingin kaming tatlo sa pasukan ng rooftop. Nakangisi si kuya Jordan habang papalapit sa amin at may dalang dalawang bote ng alak. Nakasunod naman sa kaniya ang iba kong mga pinsan sa side ni mommy na sina Aya, Miko at Deinn, at sa side naman ni daddy na sina Kalla, Vena, Roselyn, Lila, Josiah, Rowen, Charles, Nico, at Rosh na karga si Zharr.
Tumingin sa akin ang bata kaya ay bumalik sa utak ko ang paghanap niya kay Theo kanina. Nginitian ko siya. "Hi Zharr."
"Why wala si kuya Theo?" Inosenteng tanong nito sa akin, nanahimik naman si Rosh na may karga sa kaniya habang ang iba naming pinsan ay nagkaniya-kaniyang puwesto para mag-inuman.
"Your kuya Theo need to go somewhere, Zharr." Sagot ko nalang sa kaniya kaya ay ngumuso siya at tumango.
"Bakit naman kasi si Theo ang hinahanap mo, nandito naman si kuya Rosh mo." Saad ni Rosh na pinaliit pa ang boses tsaka ngumuso. Inirapan lang siya ng bata kaya ay natawa ako.
"Mag-iinuman na nga lang, may dala pang bubwit." Komento ni Rowen nang lampasan niya kami para umupo sa tabi ng kapatid niyang si Roselyn.
"Kasalanan ko bang may cute akong pamangkin?" Habol na sagot naman ni Rosh tsaka inilagay sa foam si Zharr. Kiniliti niya pa ito bago umayos ng upo sa tabi ni Nico.
Magkatabi pa rin kami nina Farah at Chanel sa dulo ng foam habang nasa sahig naman nila inilagay ang mga bote ng alak na dala nila.
"Nasaan nga pala yung daddy niyan?" Tanong ni Farah habang itinuro ang bata na tumaas ang kilay sa daliring nakatutok sa kaniya.
"Bukas pa darating si kuya Rolan." Sagot ni Rosh habang kinukulit si Zharr.
"Ano ba iyan, ang dami niyong dalang alak, tapos walang baso?" Mataray na saad ni Gaya na kakarating lang habang may dalang mga baso. Nakasunod sa kaniya ang kapatid niyang si Kyle.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
RomanceAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...