ALTHEA MONTE POINT OF VIEW
Tatlong buwan na ang lumipas simula nang mangyari ang tagpong iyon sa airport. Tatlong buwan na simula nang umalis si Zhairo at nawalan na ako ng balita sa kanya. Kahit sina Mayo, Jaiden, at Kiana ay walang sinasabi tungkol sa kaniya kaya seguro ay wala rin silang alam. Nabigla pa nga si Mayo at buong araw nakabusangot nang malaman ang tungkol sa pag-alis ni Zhairo, hindi raw niya alam. Tinawanan lang din naman siya ni Jaiden kasi hindi raw niya kailangan malaman.
While Rhea. Hindi ko alam kung may koneksiyon pa ba sila pero sa tingin ko naman ay oo dahil madalas siyang may kachat at minsan ay ka-call pa. Hindi rin naman niya sinasabi kung sino pero may palagay na ako kung sino iyon. I once saw Zhairo's name on her screen, calling.
"Kapagod din ito ahh." Kunot-noong reklamo ni Kiana habang hinihilot ang paa niya. Namumula ito dahil buong araw siyang naka-heels.
"Sino rin naman kasi ang nagsabing magheels ka buong araw?" Natatawang aniko. Kasalukuyan kaming nasa mansion nina Rhea dahil nagpapatulong ang girlfriend ni Mayo sa pagpromote ng dress na gawa niya. It was just a short photoshoot and si Kiana ang ginawang model. I think it's one of her projects, hindi ko lang alam kung anong course.
Napanguso si Kiana sa sinabi ko. Nagheels ba naman kahit na sinabing break muna. As in simula kaninang umaga, hindi niya talaga hinubad. Kagagahan lang.
"Sabi kasi ni Rhea bagay daw sa akin." Naiiling na sagot ni Kiana. Ni hindi ko alam kung sapat ba ang rason niya para sa ginawa niya. Halatang pinagsisihan niya ehh.
Mula sa pagbanggit sa pangalan ni Rhea ay bumaling kaming dalawa rito. Nakangisi ito habang may tinitingnan sa cellphone kaya ay tumaas ang kilay ko. Zhairo again? Araw-araw na ah, stay strong. Ngumiwi ako sa naisip.
Tumikhim si Kiana at hindi nalang sinita si Rhea. Itinuon ulit niya ang atensyon sa paa niya kaya ay kumuha nalang din ako ng cookies na nakahanda sa harap namin at sumimsim sa juice. I should stay out of their businesses. Bahala sila.
Maya-maya lang ay may naramdaman akong umakbay sa akin at tumabi ng upo sa couch na inuupuan ko. I looked at Jaiden and gave him a small smile. Nakasuot siya ng simpleng white t-shirt habang hawak-hawak ang camera na ginamit namin kanina sa photoshoot.
"Kumusta ang pictures?" Nakangiting tanong ko sa kanya kaya ay ngumiti siya sa akin pabalik. My eyes landed on his right cheek. His dimple reminds me of someone. Ipinilig ko ang ulo ko nang bumalik sa isip ang biloy ni Zhairo sa kaliwang pisngi.
"Maganda---"
"Talaga?!" Excited na tanong ni Kiana at lumapit pa sa amin.
"---yung damit. Maganda yung damit." Pagtutuloy ni Jaiden na ikinabusangot ng huli.
"Damit. Sa pagkakaalam ko ako ang pinakamaganda rito ehh." Bulong ni Kiana sa sarili niya bago umayos ng upo.
"Uhh, maganda ka rin naman..." Bawi ni Jaiden tsaka bumaling sa akin. "But not the prettiest here."
Nag-init ang mukha ko kaya ay natawa silang dalawa. Nakita kong nag-angat ng tingin si Rhea na nakakunot ang noo sa pagtataka, walang alam sa pinag-uusapan namin.
"Eh di si Thea ang gawin niyong model! Simple." Sarkastikong ani Kiana at inirapan pa kami kaya ay natawa ako. Mabilis din naman akong mapamaang ng makaramdam ng sakit sa pisngi ko. Kinurot lang naman ni Jaiden at nangingising lumayo dahil alam niyang gaganti talaga ako. I hate being pinched!
"Nah. Your position is safe Kiana. I prefer keeping Thea's beauty on my own."
"Jaiden!" Saway ko rito nang makita ang ngisi ng dalawa. Pati si Rhea na walang alam kanina ay tiningnan ako at nginisian.
BINABASA MO ANG
CAN I BE YOURS
RomanceAlthea lost her father the day she lost her mother. He drowned himself at work that he forgot someone was about to give up waiting on him. And so Althea was left alone to take care of her younger brother who seemed more affected by their father's mi...