CHAPTER 22

23 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Kumunot ang noo ko nang may liwanag na tumapat sa mata ko kaya ay umikot ako para hindi matamaan ng sinag ng araw ang mata kong nakapikit. I am still so d*mn sleepy and stressed. Parang gusto ko nalang na matulog.

Nang may pumasok na hangin mula sa labas ay inis na akong lumapit sa unan ko dahil sa init nito. Napahinga ako ng maluwag tsaka ito hinawakan. Kumunot ang noo ko nang may munting bukol ang unan ko at matigas ito nang pisilin ko.

"S-stop it Thea."

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Zhairo. Ang una kong nakita ay ang dibdib niya na nakabalandra at nang makita kung ano ang pinisil ko, mabilis kong inilayo ang palad ko sa dibdib niya kung saan ang maliit na bukol ay ang nipples pala niya. Nag-init ang mukha ko tsaka tiningnan ang mukha ni Zhairo. Seryoso siyang nakatitig sa akin habang nakatukod ang kaliwang kamay niya sa ulo niya at ang isang kamay ay nakahawak sa bewang ko.

Napalunok ako nang makaramdam ng munting kiliti sa katawan ko dahil sa kamay niya sa bewang ko at ang katawan niyang sobrang lapit sa akin. Hindi pa nakatulong na ang mga mata niya ay kung tumitig sa akin ay para bang ako lang ang nakikita niya. Nakakahipnotismo ang mga mata niya na kapag tumitig ka rito ay parang hindi mo na magagawang mag-iwas ng tingin pa.

"Enjoying the view?"

Napamaang ako nang ngumisi siya kaya ay nabalik sa reyalidad ang sistema ko at mabilis akong bumangon. Lumayo ako sa kanya hanggang sa bumaba na talaga ako ng kama.

"Y-you..." Turo ko sa kaniya habang hindi makapaniwala na nandito siya sa loob ng kwarto ko, sa mismong kama ko pa!

Dahil makapal ang mukha niya ay hindi man lang siya gumalaw sa kama ko at nanatiling nakahiga doon nang nakatagilid at nagawa pa niyang ngumisi sa akin. "Yes baby?"

Hindi pa rin makapaniwala akong nakatitig sa kaniya ng masama. "Why the h*ll are you in my room?!"

"Come on babe. It's not like we haven't done this before..." Mapaglarong sabi niya na mas ikinainit ng ulo ko, pati na rin sa mukha ko. Why does it sound wrong on his lips?

"M-mahalay ka!" Wala sa sariling sigaw ko.

Humalakhak naman siya sa narinig sa akin. "Seriously, what are you thinking?"

Mas pinatalim ko lang ang tingin ko sa kaniya. Nasaan ba si Theo? Bakit niya hinayaang makapasok ang lalaking ito sa kwarto ko?

Nang makita niya na wala ako sa mood makipagbiruan ay kumamot siya sa batok tsaka bumangon at isinandal ang likod sa headboard. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya at napalunok ako ng makita ang abs niya. Ito ba ang tinatawag nila na 6 pack abs? Bakit parang ang tigas?

Ipinilig ko ang ulo nang makitang nakangisi na naman siya. "Want to touch it again?"

"W-why would I?!" Singhal ko sa kaniya.

"Why won't you?" Balik tanong niya naman sa akin kaya ay binato ko sa kanya ang t-shirt na suot niya kagabi. Nang masalo niya ito ay binato niya lang din ito sa study table ko. What's with this guy?

Sinamaan ko siya ng tingin kaya ay nagbuntong-hininga nalang siya. "Okay look. I came here hoping na may extra t-shirt pa ako na available sa closet mo but it turns out na tinapon mo lahat."

"And finding a shirt requires you to lay beside a woman in her bed?" Sarkastiko kong sabi habang nakataas ang isang kilay at pinagkrus ang braso sa dibdib ko.

"Well, about that..." Kumamot ulit siya sa batok. "I just find you cute while sleeping kaya tumabi ako."

Umawang ang bibig ko sa rason niya. Actually, Rhea is cuter than me. Kapag ba nakita niya itong natutulog ay tatabihan niya ito kasi cute ito?

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon