Prologue

196 24 6
                                    

Lumaki ako na walang ama, yes I am. Katorse palang ako iniwan na kami ni Papa, at hindi ko na ito muli pa'ng nakita. Hindi ko na nga naaalala kahit pagmumukha nito. Kunsabagay wala na rin naman akong pakialam dun, laking-probinsya ako. Tubuhan lang ang tanging pagkakakitaan ng nanay ko, tatlo kaming magkakapatid. Ako yung panganay, yung isa ko'ng kapatid napasok sa mental kasi nawalan ng bait mula ng mabuntis at iwan ng nobyo nito. Yung anak niya, nasa poder rin ni Nanay. Yung bunso naman namin ay nag-aaral pa hanggang ngayon. Nasa kinse anyos na ito, habang ako nama'y bente siyete anyos na. Wala pa akong planong mag-asawa, mga kaibigan ko sa baryo nakapag-asawa na ng tagaroon rin. Kahit probinsyana ako, mas hinahanap ko parin ang lalaking taga maynila. Speaking of maynila, balak ko'ng magtungo roon upang magtrabaho. Ngunit wala pang opportunity na dumating sa akin. Sana meron na para matulungan ko na si Nanay sa panggastos, matanda na si Nanay pero mas ninais parin niyang magtrabaho upang may panggastos sa araw-araw.

Kahit elementary lang ang natapos ko, hindi parin naman ako nawalan ng pag-asa na makapag-highschool someday. Mag-aaral ako habang nagtatrabaho. Ngunit saka na ang pag-aaral kapag naging sapat na ang pangangailangan namin sa pang-araw-araw nais ko na rin patigilin si Mama sa pagtutubo. Mas gusto ko na nasa bahay lang siya at nag-aalalaga sa bunso namin at sa apo niya.

" Anak sigurado ka na ba talaga sa pagmamaynila mo ? "

Mayroon akong kapitbahay na may internet, nagtungo ako roon upang magsaliksik ng trabahong pa-maynila. So, ayun. Nakakita ako ng article na may mayamang pamilya na naghahanap ng personal maid sa nag-iisa nitong anak. Babae kaya siya o lalaki ?

******

A/N: Thanks you readers i hope you guys enjoy reading this story! And dont  forget to Vote And Comment🥰

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon