Hermione'sPOV
Nagtungo nga kami ni Sir Shawn sa mental hospital, dadalawin namin si Lara roon. Kamusta na kaya siya ?
Dumiretso kami kay Doc Alice.
" Magandang umaga ho, Doc "
" Hermione, kamusta ka na ? Mabuti nakadalaw ka "
Nakipagbeso ito sa akin.
" Okay lang po ako, Doc Alice. Kasama ko ho pala ang amo ko sa maynila, dinalaw ko kasi ang Nanay. Pati na rin po si Lara"
" Boss mo pala siya akala ko kasi boyfriend mo, bagay kasi kayo eh "
Bulong nitong sabi sa akin. Siniko ko siya ng bahagya sa tagiliran.
" Doc Alice naman, daig mo pa si Henry eh "
" Joke lang, halika. Puntahan natin si Lara "
Habang papunta kami sa kwarto ni Lara, naparami ang tanong ko kay Doc Alice.
" Kamusta na ho pala si Lara, Doc ? "
" Makikita mo rin siya, ikaw na ang humusga "
" Po ? Bakit hindi niyo po ako masagot, Doc ? "
" Basta "
Bakit kaya ? Nang nasa tapat kami ng kwarto ni Lara, bumuntong-hininga ako.
Binuksan iyon ni Doc Alice. Pumasok kami sa loob.
" Ate Hermione ? "
" Lara ? "
Dahan-dahang nilapitan ko siya. Pero pinigilan ako ni Doc Alice.
" Bakit po, Doc ? "
" Sorry for saying this, Hermione. Pero hindi na siya ang dating Lara na kilala mo "
" Po ? Anong ibig niyong sabihin, Doc ? Bakit ako kilala niya ? "
" Its hard to say pero isang pangalan lang ang tanging nasasabi niya..palayaw mo lang Hermione. Naging bayolente si Lara this passed few months, nagkaroon nga ng kaso si Lara "
" Ka-kaso ho ? Paano ho nangyari yun, Doc ? "
" Naaalala mo ba kung ano ang dahilan kaya nabaliw ang kapatid mo ? "
" Oo, dahil sa boyfriend niya "
" Exactly ! Nagtungo rito ang boyfriend niya, gusto makipag-usap ng mahinahon ang taong yun. That time medyo magaling na si Lara, ngunit nagkaalitan sila dahil..gustong kunin ng lalaki yung anak nila. Ayaw pumayag ng kapatid mo, Hermione. Kaya ang nangyari, nasaksak ni Lara yung lalaki. Hindi namin alam kung saan nanggaling ang ginamit niyang panaksak. Mahirap sabihin ito, Hermione. Kapag gumaling si Lara, sa kulungan naman siya babagsak "
Napaupo ako sa sahig at napahagulhol sa kaiiyak. Kawawa naman ang kapatid ko, bakit nararanasan niya ang ganito ? Napakabata pa niya...
Naramdaman ko ang kamay na humaplos sa likuran ko.
Si Sir Shawn iyon. Lumabas na kami ng silid at bumalik na sa kotse.
" Okay ka lang ba ? "
Napalinga-linga ako.
" Naaawa ako sa kapatid ko, Sir Shawn. Dapat ngayon nag-aaral pa siya, dapat nasa kolehiyo na siya ngayon. Hindi ko dapat siya pinabayaang magboyfriend. Ako kasi yung...dahilan kung bakit pumasok siya sa isang relasyong hindi naman dapat. Napakabata pa niya "
Napahagulhol na naman ako sa kaiiyak. Niyakap ako ni Sir Shawn, sa dibdib niya ako napaiyak ng husto. Ilang sandali tumahan na ako.
" Sorry po, Sir Shawn. Nabasa ko pa tuloy ng luha ang damit mo "
" Okay lang yan, uwi na tayo ? "
Tumango ako. Umuwi na nga kami. Pero hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kay Lara. Paano ko ito sasabihin kay Nanay ?
Shawn Carter's POV
Late na akong nagising nang umagang iyon, pagkalabas ko ng kwarto naratnan ko si Nanay sa Kusina. Mag-isa lamang ito, I looked for Hermione but she's not around. Nilapitan ko si Nanay na abala sa pagluluto.
" Nay, nasaan ho si Hermione "
" Naku, nandoon sa ilog. Naliligo kasama ang mga bata, niyaya kasi siya nang dalawang batang yun. Kaya napa-oo nalang si Hermione May kailangan ka ba ? "
" Wala naman ho, Nay. May hihilingin ho sana ako, kung papayag po kayo, Nay ? "
" Ano yun ? "
" Pwede po ba na dumito muna ako in two months ? "
" Dalawang buwan ? Baka hindi mo kayanin ang buhay-probinsiya, Hijo "
" Kakayanin ko ho, Nay. Ayaw ko pa po kasing umuwi sa amin, mas maganda ho kasi rito. Sariwa ang hangin at malayo sa pulosyon "
" Kung...kakayanin mo papayag ako, sa isang kondisyon "
" Ano po'ng kondisyon ? "
" Basta ba hindi mo paiiyakin ang anak ko, lagi mo siyang pasasayahin ha ? "
" Yun lang pala, Nay eh. Kahit pa painlove-vin ko yan, Nay "
" Naku, Hijo. Huwag na, iba kasi magmahal iyang si Hermione ko, sobra-sobra kung magmahal yan. O siya, dalhin mo na ito sa kanila. Aalis pa ako ngayon pupunta ako ng palengke "
" Sasamahan na ho kita, Nay "
" Ano ? Sasama ka sa akin sa palengke ? "
" Opo, Nay. Bakit po ? "
" Naku, Mainit dun. Tsaka masikip, baka hindi ka tatagal sa dami ng tao sa palengke "
" Okay lang ho yun sa akin ,Nay. Ako po ang magdadala ng pinamili niyo, kung papayag ho kayo "
Saglit napaisip yung Nanay ni Hermione. Ibinigay niya ang basket sa akin.
" O sige, papayag na ako. Dalhin mo na ito kina Hermione ituturo ko sayo ang daan papunta sa ilog. Magmadali ka dahil aalis na tayo kaagad, sariwa ang mga gulay, karne, isda at prutas kapag maaga tayong pupunta ng palengke "
" Sige po, Nay. Salamat po "
Nagmadali na akong ihatid ang mga pagkain kina Hermione, nais kong maranasan kung gaano ba kasaya magkaroon ng simpleng pamilya.
Nang makita ko siya, nilingon niya ako at agad itong napalubog sa tubig.
" Sir Shawn, ikaw pala "
" Huwag kang mag-alala, legs mo lang ang nakita ko "
" Baliw ! "
Napahagikhik kami sa katatawa.
Inilapag ko sa nakalapag na towel ang basket.
" Aalis kami ngayon ni Nanay, pupunta kaming palengke. Sasamahan ko siya "
" Sasama ka...sa palengke ? "
" Oo, bakit ? "
" Seryoso ka ba, Sir Shawn ? "
" Oo nga, kulit "
Nagpaalam na ako sa kanya, siguradong hinihintay na talaga ako ng Nanay niya sa bahay.
Pagkabalik ko sa bahay, sumakay na kami sa kotse at tinungo ang palengke.
May gusto rin sana akong bilhin para kay Hermione..at sana.. magustuhan niya.
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."