Chapter 17

31 4 0
                                    

Hermione's POV

Pagkagising ko kinaumagahan, napasapo ako sa noo ko. Aray ! Masakit. Ganito pala kapag nakainom ka ng alak. Halos mabiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.

Bumukas yung pinto at iniluwa roon si Luke at...yung amo ko'ng bastos. Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit nag-iwas ito ng tingin sa akin.

Lumapit si Luke sa akin.

" Alam ko na masakit ang ulo mo, here may gamot ako'ng dala. Kumain na kami sa labas, kaya nagdala nalang kami para sayo "

Sinulyapan ko si Sir Shawn, hindi ito makatingin sa akin.

" Hoy, ikaw. Akala mo ba nakalimutan ko ang ginawa mo sa akin kagabi ha "

" Kaya nga ako nandito para..magsorry "

Napanganga ako, tama ba ang rinig ko ? Magsosorry siya sa akin ?

" Ano ? "

" Bingi ka ba ? Sabi ko sorry na, hindi na mauulit "

" Talagang hindi na mauulit kasi magreresign na ako at hahanap nalang ako ng among hindi kasing-samang tulad mo "

" Aba ! Ako na nga nagsosorry eh, ikaw pa ang galit. Gusto mong magresign, go ahead "

Nakita kong siniko ni Luke ang pinsan niya.

" Lumabas ka muna, Carter. Ako na ang kakausap kay Hermione "

" Talagang lalabas ako "

Padabog na umalis ito, pati pinto binalibag niya.

Walang modo talaga !

" Hermione, baka nabibigla ka lang sa desisyon mo'ng magresign. Baka pwede pa nating pag-usapan ito "

Napalunok ako ng marahan.

" Ayaw ko sana kaya lang hindi ko na kayang magsilbi sa pinsan mo, Luke. Habang tumatagal nakikita ko kung gaano kasama ang ugali niya "

Nagkibit-balikat sa akin si Luke, napatitig naman ako sa mga mata niya. Napakagwapo pala niya sa malapitan.

" Alam ko, alam ko. Hindi lang naman ang nakaranas niyan, pero sana habaan mo pa ang pasensya mo. Hermione, he needs you. Ikaw lang ang makakapagpatino ng pinsan ko'ng yun "

Napamulagat ako.

" Ako ? Bakit ako ? Gaano ka ba kasigurado na kaya ko ? Ugali nga nun hindi ko na kinaya "

" Look, maraming napagdaanan si Shawn"

" Alam ko na yun "

" Feeling ko kasi wala nang makakapagpabago kay Shawn kundi ikaw lang. Hindi ko alam pero sayo ko nakita yung chance na babalik ang dating Kiel noon "

" Paano ? "

" Sige ganito. I have a deal for you, pwedeng ma-fall pero bawal mainlove "

" Huh ? "

" Gawin mo lahat para bumait siya, if ever na naging mabuti na siya sayo at ipinapakita na niya kung ano siya noon. Pwede kang ma-fall pero bawal mainlove, kapag nagawa mo ang deal natin I'll give you fifty thousand for our deal. Pero kapag na fall ka tapos nainlove ka pa sa kanya..magreresign ka sa work. Heres the big mission, gawin mong mainlove siya sayo "

" Sus, napakadali pala ng deal mo. Hindi mangyayaring ma-fall ako sa bruhong yun tapos mainlove sa kanya ? Naku, hindi talaga mangyayari yun. Fifty thousand ? Deal. Malaking tulong na yan sa pamilya ko "

" Deal "

Nagshake-hands kami. Humanda ka ngayon, Sir. Sinisigurado ko na ikaw ang maiinlove sa akin at hindi ako. Mission planned.

Shawn Carter's POV

Nasa cottage kaming dalawa ni Luke, balak ko sanang umorder ng alak kaya lang inutusan ako ng pinsan ko'ng hilaw. Ako raw ang mag-iihaw ng pork, trabaho yun ni Hermione eh.

" Dude, kailangan ba talaga ako ang gumawa nito ? Dapat si Hermione ang gumagawa nito eh dahil siya yung maid "

" Dude, hindi lahat inaaasa sa maid. Kaya naman natin, hindi ba ?"

" Lagi kang may sagot "

" Ganyan kasi ang trabaho ko as a lawyer, dapat alam mo kung ano ang dapat sasabihin sa kaharap mo. Tsaka hindi naman ito mahirap na gawain, mag-iihaw lang naman tayo "

" Nasaan na ba kasi si Hermione, kanina pa siya wala ah. Naiinis na ako sa kanya "

" May pinapahanda lang ako sa kanya, bakit ba ang sungit-sungit mo ? "

" Naiinis lang ako ".

Ilang sandali dumating na ang bruhang si Hermione, dinuro ko siya ng pamaypay nang makalapit siya sa amin.

" Hoy, Maid. Bakit ang tagal mo sa loob ha ? Umiiwas ka ba sa mga gawain ? "

Ngumiti ito sa akin.

" Ay naku, Sir Shawn. Hindi ho ako umiiwas, sa katunayan ho kasi abala ako sa loob niluto ko kasi ang paborito mo'ng adobong pusit. Hindi kasi purke't wala tayo sa bahay niyo eh hindi niyo na matitikman ito "

Tumaas ang isang kilay ko, binuksan niya yung lalagyan ng pagkain at inamoy ko ito. Hmp ! Kapareha nung amoy na unang adobong pusit na niluto niya noon sa bahay. Iba talaga siya magluto, nakakatakam.

" Baka naman may lason yan "

" Wala..hindi naman po ako marunong lumason ng tao. Bumatok kaya "

" Ano ? Babatukan mo ako ? "

" Ay hindi ho, Sir Shawn. Ang sabi ko baka lumamig ho, kumain na ho tayo. May iba pa akong inihanda, nasa loob pa. Kukunin ko lang "

" Samahan na kita, Hermione "

Pagpepresinta ni Luke sa kanya.

Hindi na ako kumibo. Nang makalayo ang dalawa, pasimple ko'ng tinikman yung adobong pusit. Hmp ! Ang sarap. Ganito ba talaga magluto ang mga taga probinsiya ?

Bigla ko tuloy naalala ang pangarap ko'ng maging chef, kapag yun natupad. Malaki ang maitutulong sa akin ng Maid na ito. Subukan ko kayang bumait sa kanya , gusto ko lang malaman ang secret reciep ng adobong pusit niya. Hmp ! Naiisip niyo ba ang naiisip ko ?


***†***†***†***

Hello Reader's! Kamusta na kayo?
Sorry if now lang nakapag
update medyo busy kasi sa chikiting
hope na na iintindihan nyo po ako..

Pls! Dont forget to Vote And Comment😊

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon