Chapter 24

22 1 0
                                    

Shawn Carter POV

Pagbalik namin sa bahay, agad kong pinadala kay Hermione ang lahat ng gamit ko at binalaan ang mga ibang katulong doon na huwag tulungan si Hermione or else mawawalan sila ng trabaho.

After a few hours na pamamalagi ko sa kwarto, tumawag ako sa baba at pinaakyat si Hermione sa taas.

Nang makaharap ko ito, pansin ko na malungkot ito. I silently breath.

" Anong problema mo, Maid ? "

" Wala po, Sir Shawn "

" Wala ? Eh, bakit ganyan ang mukha mo parang pasan mo ang mundo "

" Wala nga po, Sir Shawn. Ano nga pala po ang ipag-uutos niyo sa akin ?"

" Wala naman "

" Wala ? Eh bakit pinatawag niyo po ako ?"

" Bakit ? Hindi ka ba pwedeng tawagin ? You are my personal maid.."

" Na parang yaya na "

" Shut up "

She shut her mouth.

" Anong niluto mo para sa hapunan ko ? "

" Si Manang Esing raw po ang magluluto para sa inyo, Sir Shawn"

" At bakit siya ? hindi ba't trabaho mo ang pagsilbihan ako "

" Siya po ang nagpresintang ipagluto kayo. Sino ho ba ako para umangal. Tsaka masama ho ang pakiramdam ko "

" Masama ang pakiramdam mo o tinatamad ka lang talaga ?"

" Masama ho talaga "

" Masama ? Dahil ba inilayo kita sa pinsan ko ? kaya masama ang pakiramdam mo ? "

Saan ko ba nahuhugot ang mga katagang yun ? Bakit ba nasasabi ko ito sa kanya ? Sa anong dahilan para gawin ko ito ?

" Hindi naman ho sa ganoon, Sir Shawn Talagang masama ho talaga ang pakiramdam ko "

" Huwag mo akong idaan sa kaartehan mo, Maid. Ipagluto mo ako ng masarap, ngayon na ! "

Bulyaw kong utos sa kanya.

Tumango ito.

" Opo, Sir Shawn "

Tumalikod na ito at lumabas na nang kwarto ko.

----

Hermione's POV

Masama naman talaga ang pakiramdam ko ah, bakit hindi ba halata sa kanya ? Kunsabagay ang taong walang puso hindi marunong maawa sa tao.

Nagtungo ako sa kusina.

" Manang, ako na ho ang magluluto kay Sir Shawn ng hapunan niya "

" Ano ? Hindi ba sinisipon ka tapos may lagnat ka pa, ako na diyan. Magpahinga ka na "

" Okay lang ho, Manang. Tsaka trabaho ko kasi ang pagsilbihan siya "

" Tutulungan nalang kita "

" Salamat po "

Pagkatapos ko'ng magluto, agad ko itong inihatid sa kanya. Marami pa siyang iniutos sa akin kaya hindi ako nakapagpahinga kaagad. Alas diyes na ako nakapanhik sa kwarto ko, nanginginig ang katawan ko sa lamig. Hindi ko na nagawang magbihis at nagtalukbong na nang kumot.

Nay, Nay...ang tanging nasambit ko.

Shawn Carter's POV

Maaga akong nagising today, balak kong mamingwit sa lake. Isa talaga sa hobbies ko ang fishing at balak ko'ng isama si Stephanie sa lakad ko, but she was not around nang makababa ako ng stairs. I saw manang esing sa kitchen, nilapitan ko ito at tinanong.

" Manang ? "

Nilingon niya. May bitbit siyang first aid kit mini bag, isang maliit na palanggang may tubig at may bimpo ito sa bisig.

" Saan mo dadalhin yan ? "

" Kay Hermione po, Sir "

" Why ? What happend to her ? "

" Inaapoy ho siya ng lagnat kahapon pa ho, Sir nung umuwi kayo galing sa resort "

" Really ? So tama ang sinabi niya last night na masama ang pakiramdam niya ? Naku, arte lang niya yan "

" Hindi ho, Sir. Gumamit nga po ako ng thermometer kagabi, narinig ko kasi na iyak ng iyak kaya bumangon ako at sinilip siya. Ayun, namumula ang katawan sa sobrang init. Mabuti nalang naaganapan ko kaagad kagabi kundi baka na naospital na yan "

Nakaramdam ako ng konsensya, napasobra yata ako.

Nagpresinta ako na ako na ang mag-aalaga kay Hermiome, she is my responsibility kasi kasalanan ko kung bakit siya nagkasakit. Hindi ko man lang napansin na may dinaramdam pala siya, utos pa ako ng utos sa kanya kagabi.

Nang makapasok ako sa kwarto niya, nakahiga ito at mahimbing na natutulog. Sinalat ko ang noo niya, mainit parin siya.

Binasa ko yung bimpo at pinunas sa kanya.

Sorry, Hermione. Sobra kitang pinahirapan kaya ngayon nagkasakit ka dahil sa akin.

Napansin ko na bumuka ang mga mata nito, napatayo siya ng makita ako at napaupo sa kama.

" Sir Shawn, sorry po. Hindi ako nakabangon kaagad ..magbibihis na ho ako.."

Nagkibit-balikat ako sa kanya.

" You need to rest, Hermione. Sorry hindi ko alam na totoo pala ang sinabi mo na may sakit ka. Hayaan mo akong makabawi sayo "

Hindi ito makakibo.

" O-okay na ho ako, Sir Shawn. K-kaya ko na po "

" No, you have to rest. Tatawagan ko ang family doctor namin para suriin ka kasi baka ayaw mo'ng magtungo sa hospital kaya dito nalang kita ipapacheck-up "

" Masyado ko ho yata kayong naabala, Sir Shawn"

" Its okay, its my fault din naman. You are my responsibility kaya hayaan mo naman akong makabawi . Please ? "

Inalalayan ko siyang makahiga ulit, pinunasan ko ang noo, pisngi, baba at kamay niya.

" Salamat po, Sir Shawn. Sorry po pala kung nadismaya ko po kayo doon sa resort. Sayo ako nagtatrabaho pero sa iba nakatuon ang atensyon ko. Nakalimutan ko na isang maid lang ako at may dapat na pagsilbihan. Hindi na po mauulit, mabait kasi si Luke kaya naipagluto ko siya "

" Its fine, nag-overreact lang din ako that time. Hindi ko inisip na hindi dapat ako nagreact ng ganoon. Hindi lang talaga ako sanay na may nagsisilbi sa pinsan ko aside sa yumao niyang asawa "

" Tungkol ho pala sa asawa niya, Sir Shawn Hindi ko na po itatanong kung bakit namatay po siya. Pero naisip ko lang po kasi na kamukha ko ba talaga ang asawa niya ? "

" Yes you are. Saka ko lang nga naisip na kamukha mo si Stella that time na naipagluto mo ako ng adobong pusit. Doon kita natitigan, stella is my ex girlfriend. Kaya kahit ako hindi ako makapaniwalang kahawig mo siya "

Napatango ito.

" Kapa gumaling ka. Lalabas tayo "

" Ho ? ilalabas niyo ako ? "

" Oo, hindi ba sweldo mo na ? Treat mo ako, kasi dahil sa akin kaya ka may sweldo "

Ngumiti ito.

" Maganda ka pala kapag ngumiti "

Napawi ang ngiti nito ang nag-iwas ng tingin.

" Magpahinga ka na. Call me, nasa kitchen lang ako, ipaghahanda kita ng mainit na lugaw "

" Talaga ho, Sir Shawn. Ipagluluto niyo po ako ? "

" Oo naman. Matulog ka muna, okay ? "

Tumango ito at ipinakit na niya ang kanyang mga mata.

Hindi ko alam na magaan pala sa pakiramdam kapag nakakatulong ka lalo na kapag hindi ka galit at bukas sa loob mo ang mag-alaga ng tao.

Ano kayang pamilya ang mayroon si Hermione? Masaya kaya ? Magulo tulad sakin ? Malaki kaya ang pamilya niya o maliit ?

Wait? Bakit naging interesado ata akong malaman yun ?

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon