Chapter 20

25 1 0
                                    

Hermione's POV

Dalawang linggo na kami rito pero hanggang ngayon wala parin si Luke, ang sabi niya babalik siya kaagad ? Eh bakit hanggang ngayon wala parin siya ?

Tumunog yung selpon ko at nagningning naman ang mga mata ko nang masilayan kung kaninong pangalan ang nakatatak sa screen. Sinagot ko agad ito.

" Luke "

masayang sambit ko sa pangalan niya.

" Hermione, sorry kung hindi ako agad nakabalik diyan. Hayaan mo bukas na bukas din babalik na ako diyan, kamusta ka ba diyan ?"

" Okay lang ako, Luke.Tsaka wala namang ginawang kalokohan si Sir Shawn, mabait na ho siya ngayon "

" Its good to hear that, its getting late bakit hindi ka pa natutulog ?"

" Nagbabakasali kasi akong tatawag ka, hinihintay ko kasi talaga ang tawag mo "

" Bakit ? May gusto ka bang sabihin sa akin ?"

Bumuntong-hininga ako.

" H-huh ? W-wala. Kakamustahin lang naman kita, akala ko kasi kung napa'no ka na diyan. Hindi ka na kasi nagparamdam matapos ka'ng umalis dito "

" Sorry talaga, Hermione Sobrang busy kasi ako, ang dami ko kasing mga pending cases na dapat asikasuhin at pag-aralan. Hayaan mo kapag nagka-free time ako ililibre kita. Kahit anong gusto mo, I'll buy it for you "

" Naku, huwag na. Tsaka nakakahiya, maid lang ako "

" Sige ganito nalang kapag may free time ako at may free time ka, mag-aral tayo. Tuturuan kita para next enrollment makakapasok ka sa higschool "

" Ano ? Ako mag-aaral ulit ? Ang tanda ko na, Luke. Tsaka gastos lang yan, alam mo naman na may mahalaga akong pinaglalaanan ng pera hindi ba ? Mas kailangan yun ng family ko kaysa sa pangarap ko'ng makapag-aral ulit "

" I know, but you have to grab this opportunity. May own school ang family so madali lang para makapasok ka kaagad sa school. Please ? Para makabawi ako sayo "

I smiled silently. Bakit ba ganito siya kabuti at kabait sa akin ?

" O sige basta secret muna natin ito ha ? Baka kasi magalit si Monster shown "

" I wont. Tulog ka na, kita tayo bukas "

" Anong gusto mo'ng kainin ? Ipagluluto kita bukas "

" Hmmm..sinigang please ? "

" Sure. Bukas, hihintayin kita "

" I'll be there "

Off call. Yes ! Makakatulog na ako ng mahimbing kasi narinig ko na ang boses niya. Nakakagaan yung loob kapag kausap ko siya. Nawawala ang pagod at sama ng loob ko kapag narinig ko na ang boses niya. Tseee ! Baliw lang ata ako kung ano-ano na ang naiisip ko. Hindi kami pwede ! Hinding-hindi at alam ko na kung bakit. Wala rin naman akong magagawa kung ipinanganak akong dukha.

Hermione's POV

Kinabukasan..

Maaga akong nagising baka kasi maagang makabalik si Luke dito sa resort. Mas mainam na makapaghanda na ako pati ang susuotin ko kapag nagkita kami.

Habang abala ako sa kusina, pumasok bigla sa room ko si Sir Shawn. Ugh ! Hindi ba siya marunong kumatok ? Paano kung nakapanty lang ako tapos nakashort ? Nakakahiya...

" What are you doing ? "

Hinayaan ko nalang siya makapasok at hindi pinansin.

" Nagluluto "

" Breakfast ba nating dalawa yan ? Is that...sinigang ?"

" Opo, Sir Shawn. Pero hindi po ito para sa atin, para po ito kay Luke "

" Kay Luke ? Really ? He said ? Pabalik na ba siya rito ? Now ? "

" Opo, Sir Shawn. Tinawagan niya po kasi ako kagabi "

" He called you but he didn't call me. What's for ?"

" W-wala, kinakamusta niya lang ako at..siyempre ikaw din. Kaya babalik na raw siya rito ngayon. Naghahanda nga ako para sa kanya eh "

" Why are you doing this for him ? Do you like him ?"

Saglit akong natigil sa paghihiwa ng mga gulay para sa sinigang. Napatingin ako sa kanya, hindi ako makakibo.

" So I was right. Do you like him, silence means yes "

Tumalikod ako sa kanya para itago ang pamumula ng pisngi ko, ramdam kong namumula iyon dahil uminit ang pisngi ko.

" A-ano pala ang gusto mo'ng kainin, Sir shawn ? Ipagluluto na rin kita "

" No thank's. Nawalan na ako ng gana "

Nilingon ko siya subalit palabas na ito ng room ko. Nadismaya ko kaya siya, kasi siya naman ang amo ko pero ibang tao ang ipinagluluto ako. Bumuntong-hininga ako at nagpasyang puntahan siya sa room niya. Pero umurong ang isang paa ko, baka bulyawan naman niya ako. Hintayin ko nalang na makabalik na si Luke para siya na ang kakausap kay Sir Shawn.

***★***★***★***
A/N: Hola Amiga/Amigo🖤
sorry now lang ulit nakapag update
busy ang person Hope nag enjoy kayong
mag basa Lab lots😘

Dont forget to
Vote & Comment

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon