Chapter 1

101 25 5
                                    

Hermione's POV

Napahinto ako sa pagliligpit ng mga gamit ko sa bag nang mamataan ko ang paglungkot ng mukha ni Nanay. Tumabi ako sa pagkakaupo sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

" Nay, huwag na po kayong malungkot. Gagawin ko po ito para sa inyo, ayaw ko ng magtrabaho ka sa tubuhan. Gusto ko na nasa bahay ka nalang, mas makakapagpahinga ka pa ng maayos ".

" Pero, Anak. Nag-aalala ako sayo, malayo ang maynila. Mapapalayo ka sa amin ng mga kapatid mo "

" Nay, alam ko ho yun. Pero kailangan ko po itong gawin, para kapag gumaling si Lara mailalabas na natin siya sa mental hospital. Mag-iipon ako, Nay. Para sa pag-aaral ng bunso ko, tsaka para na rin makapag-aral si Henry yung pamangkin ko "

" Inako mo na lahat ng responsibilidad na dapat ako ang gumawa, Anak "

" Nay, isipin niyo nalang na gumaganti lang ako sa sakripisyong nagawa mo sa aming magkakapatid. Panahon na rin para gawin ko bilang panganay ang pagganti sa nagawa niyo sa amin, Nay "

" Mamimiss kita, Anak "

" Mamimiss ko rin kayo, Nay "

Napayakap kaming dalawa sa isa't isa. Sana hindi ako ma-homesick sa maynila, buti nalang dalawa ang copy ko sa family picture namin. Yun lang ang tanging makakapagpawala ng pagod ko kapag nakapagtrabaho na ako sa bahay na iyon.

Hinatid ako ni Inay mula sa sakayan, namumugto nga ang mga mata ko kaiiyak pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya.

Hermione's POV

Pagkarating ko ng maynila, sinundo agad ako ng isang recruiter agent.

" Are you Miss Hermione Hayashi  ? "

" Opo, ako nga po "

" Hop in "

Sumakay na nga kami sa kotse, at habang nasa biyahe kinausap niya ako tungkol sa mga gagawin sa mansiyon..

Mansiyon ?

Ibig sabihin..malaking bahay iyon ?

" Where is your document, Miss Hayashi? "

" Heto po, Ma'am "

Iniabot ko sa kanya ang brown envelope na nasa kamay ko.

Sinipat niya iyon at binasa ng maigi.

" So, hanggang elementary lang pala natapos mo. Ano ? "

" O-opo, Ma'am. Pero masipag naman po ako, Ma'am. Kaya ko po'ng gawin lahat ng gawaing bahay. Kahit ano po "

" To tell you frankly, hindi lang ito basta bahay lang, Hermione. Lawyer family ang pagsisilbihan mo, you have to be careful lalo na sa pagpasok sa mga silid na hindi pinapagawa sayo. Do you understand me ? "

" Yes po "

" Ihahatid kita doon, mayroon silang anak na lalaki medyo matigas ang ulo. Sa kanya ka magsisilbi. All you have to do is doing what he want. Kung ano ang mga iuutos niya, susundin mo "

" Opo, Ma'am "

" Malaki anh sweldo doon, Hermione. Worth ten thousand ang monthly salary mo at posibleng lumaki pa yan if makikita nila na maganda ang trabahong ipinapakita mo "

Nagliwanag ang mukha ko, akalain mo sampung libong piso ang kikitain ko buwan-buwan. Ang posibleng lumaki pa ito kapag pinagbutihan ko pa ang trabaho ko.

" There is one more thing that I had to tell you, Hermione"

" A-ano po yun, Ma'am ? "

" You have to be careful with this man name...Shawn Carter Sandoval"

" B-bakit po ? "

" Malupit yun pagdating sa mga personal maid na kinukuha para sa kanya. Mahilig mag-acuse yun ng mga bagay-bagay na hindi mo naman ginawa kaya nga paiba-iba ang maid niyan, baka weeks lang umalis ka na don. Siya pa naman ang pagsisilbihan mo "

" Susubukan ko ho, Ma'am. Ang mahalaga ho kasi magkaroon ako ng trabaho para may maipadala ako sa pamilya ko. Umutang na nga lang ako ng pamasahe para sa pagluwas ko dito sa maynila "

" Basta sinabihan na kita, okay we're here "

Binuksan ng driver ang van, namangha ako ng makita ko kung gaano kalaki yung bahay. Napa WOW! pa nga ako eh. Sobrang laki talaga nung bahay at yung pool ang lawak, pumasok kami sa loob nito. Mas namangha pa ako dahil sa mamahaling gamit at furnitures nito. Ang sarap siguro manirahan sa bahay na ito.

*******

Thank you for reading reader's hope you like this story🥰 pls dont forget to vote and comment💜

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon