Hermione's POV
Nang gumaling ako, inaya nga ako ni Sir Shawn mamasyal. Nagpunta kami sa iba't ibang mall at namili ng mga damit. Nagtanong siya sa mga edad ng mga kapatid ko, lalo na ang nanay ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa sobrang dami ng nabili ni Sir shawn baka hindi ko na mabitbit ito lahat.
" Sir shawn, bakit po ang daming damit na binili niyo ? Tsaka baka hindi ko kayang bitbitin ito "
" Don't worry, tutulungan kita sa pagdadala tsaka may gusto kasi akong bigyan niyan "
Napakamot ako sa ulo. Sino naman kaya ?
Pagkatapos mamili ng mga damit, nag drive tru kami. Bumili kami ng tatlong supot ng jollibee food. Baka pupunta kami sa isang bahay ampunan. Kaya napakarami ng pinamili niya.
Pagkaalis namin sa Jollibee, nagtanong siya kung saan ang bahay namin.
" Po ? Bahay namin ? Malayo ho yun "
" I know, kaya ko'ng bumeyahe ng ganoon kalayo. We don't need plane or boat para makarating tayo sa bahay niyo "
" Bakit ho tayo pupunta roon ? "
" I know you already missed them, hahayaan muna kita na makasama sila na kasama din ako "
" Huh ? Gagawin mo yan ? Paano kung hanapin ka sa inyo ? "
" Wala naman silang pakialam sa akin eh, for them black sheep lang ako at hindi matinong tao "
" Hindi lang kasi nila nakita yung tunay na nasa loob mo, hindi kasi nila matanggap na ayaw mo sa gusto nila. Kaya mo nasasabi yan, akala mo lang wala silang pakialam sayo pero mali ho kayo, Sir Shawn Mahal ka ho nila kahit hindi po nila ito ipinapakita "
Hindi na ito kumibo, nagfocus na ito sa pagmamaneho. Habang ako nama'y inantok sa haba ng biyahe.
Makalipas ang ilang oras, ginising niya ako.
" Its midnight already "
Nagmulat ako ng mga mata.
" Nasaan na tayo ? "
" I don't know where are we but I saw a hotel, mamalagi muna tayo rito. Bukas muli tayo babyahe "
Nasa tapat kami ngayon ng isang hotel. Sinipat ko yun...
LAVENDER SWEET HOTEL..
Napasulyap ako kay Sir Shawn.
" S-Sir, huwag ho tayo diyan. May isang hotel ho diyan sa malapit, doon nalang po tayo "
" Hermione, masyado nang madilim. Namamanhid na rin ang mga kamay ko sa pagmamaneho, dito na tayo. Okay ? Halika na "
Wala na akong magawa, doon na kami nagstay in muna.
Papasok palang kami ng hotel, kinabahan na ako. Malalaman niyo mamaya kung bakit ayaw ko dito sa hotel na ito.
" Miss..room for two "
" Room 0921 "
Napamulagat ako. Hindi ko malilimutan ang room number na yan.
" Miss, wala na bang ibang room dito ? "
" Yan nalang po ang available room namin dito, Ma'am "
Nagkasulyapan kami ni Sir Shawn
" We'll get it "
Kinuha niya yung susi, nauna itong naglakad. Sumunod naman ako.
Nang matunton namin ang room, binuksan agad ito ni Sir Shawn.
Bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng silid.
Isinara na ni Sir shawn ang pinto, doon na ako nawalan ng malay.
ANO KAYANG NANGYARI SA AKIN ?
Shawn Carter's POV
Tumawag ako ng medic nang mahimatay bigla si Hermione, baka napagod lang siya sa biyahe kaya nawalan siya ng malay.
Ilang sandali, nagising na ito.
" Ano pong nangyari, Sir Shawn?"
Napabalikwas ito ng bangon, inaya ko siya sa table.
" Nawalan ka kasi bigla ng malay kanina, kaya napatawag ako ng medic. They said sa pagod at gutom daw yan kaya nagpaorder na rin ako ng food natin "
Napasapo ito sa noo. Nagsimula na kaming kumain.
" Siyanga pala, huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko sayo, Hermione . Bakit nga pala ayaw mo sa place na ito ? May isang housekeeping dito na kilala ka. Nanggaling ka na ba rito ?"
Napalunok ito ng marahan.
" Sa katunayan po, Sir Shawn, Opo, nanggaling na ho ako rito. May isang pagkakataon po kasi na naisama ako ng boyfriend ko rito "
" Nagkaboyfriend ka na ? "
" Ang sama niyo naman, Sir Shawn. May hitsura naman din ho ako "
" I'm just kidding, what I mean is..anong ginagawa niyo dito ng boyfriend mo ? "
" Bata pa ako nun, naging suwail din ako tulad niyo nang iwan kami ni Tatay. Nagsimula akong maging matigas ang ulo, namulakbol ako at hindi pumasok ng eskwela kaya nga lubos akong nagsisisi na sa panahong yun naghihirap pala si Nanay para buhayin kaming magkakapatid. Dumagdag pa ako sa problema niya, noon kasi wala pa akong masyadong alam sa love. Pero pumasok ako sa relasyong hindi ko pa alam kung paano e-handle. Kaya muntik na niya akong...gahasain. Dito rin po sa mismong room na ito "
" Kaya pala, sorry hindi mo kasi sinabi agad "
" Okay lang po "
" Kumain ka na, uukupa tayo ng ibang room. Para maging komportable ka "
" Salamat po, Sir Shawn. Bakit ho ba naging mabait kayo sa akin ? Kamakailan lang parang ang lupit niyo sa akin. Siguro kung hindi ako nagkasakit, masama parin kayo siguro hanggang ngayon "
Napakamot ako sa batok.
" Sorry talaga, Hermione. Siguro mainit lang talaga ang ulo ko by then, hayaan mo pangako magpapakabait na talaga ako "
She smiled at me.
Tinapos na namin ang aming kinakain at bumalik sa baba upang umukopa ng ibang room.
Buti nalang may kakaalis lang na turista kaya yung unit nila ang uukupahan namin. Hinihintay nalang namin na matapos ang paglilinis ng room.
Nang matapos linisin ito, nagtungo na kami ni Hermione doon at nagpahinga na. Nasa sofa ako habang siya naman ay nasa kama.
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."