Chapter 11

36 11 3
                                    

Hermione's POV

Tumupad ako sa usapan namin ni Madam, nagtungo ako sa garden at doon siya hinintay. Alas siyete singkwenta na, alas otso ang sabi niya pero nagpaaga na ako. Wala rin naman akong gagawin.

Makaraan ang ilang oras..

" Hermione.."

Tawag ni Madam ng makalapit siya sa akin.

" Kanina ka pa ba ? "

" Opo, Madam. Alas nuwebe na po eh, kanina pa po kasi ako alas siyete dito. Pero okay lang po, Madam. Amo po kita, handa po akong maghintay "

Napangit siya.

" Here "

Iniabot niya sa akin ang isang supot.

" Bagong...selpon, Madam ? "

" Yes kagaya ng ipinangako ko sayo, just promise me na kukuhanan mo ng litrato ang bawat ngiti ng anak ko "

" Masusunod, Madam. Siyanga po pala, aalis kami mamayang ten PM. May out of town case po raw kasi si Sir Luke inaya niya si Sir Shawn. Isasama rin daw po nila ako "

" Siguro makakatulong iyon sa recovery niya, basta yung bilin ko ha ? "

" Opo, Madam "

" Inilagay ko na diyan ang number ko at ang email ko. Just message me okay ? "

" Opo, Madam. Salamat po dito "

" Youre welcome, say my goodbye to my son. May night out kami ng mga amega ko baka hindi ako makapagpaalam sa kanya "

" Ipagpapaalam na ho kita sa kanya, Madam "

" Thank's, I have to go "

" Ingat po kayo, Madam "

Pagkaalis niyay nagtungo ako muli sa loob ng bahay, ngunit napatampik ako sa dibdib ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Sir Shawn.

" Sir Shawn naman eh, nanggugulat ka naman eh "

Naiinis na turan ko sa kanya

" Anong kailangan ni Mommy sayo ? And what is that ? "

" Binilhan niya ako ng cellphone, kailangan ko kasi ng kontak sa pamilya ko. Bakit ? Masama ba yun ? Bawas naman ito sa sweldo ko eh "

" Bakit hindi mo sinabing wala kang cellphone ? Sana pinagbili na rin kita "

" Bakit ? Nagtanong ka ba ? "

" Kahit kailang talaga pilosopa ka "

" Sorry, Sir. Maghahanda na po ako para sa pag-alis, maghanda na rin po kayo, Sir. Kasi ilang minuto nalang susunduin na tayo ni Luke "

" What did you call him ? "

" Luke po . Sabi kasi niya Luke lang daw itawag ko sa kanya "

" Aba ! Close ba kayo ng pinsan ko'ng yun ha ? "

" Opo, kasi po mabait siya "

" What are you trying to say na masama ako ? "

" Wala naman po akong sinasabing ganoon, Sir. Sige po, maghahanda lang po ako. Bye, Sir "

Hindi ko man nakita pero ramdam ko na nainis siya, buti nga sayo.

Napatawa ako ng tahimik..

Ang sarap pala niyang inisin ano ? Parang granada na sasabog sa sobrang inis. Sorry nalang siya minsan talaga pilosopo ako sa mga taong hindi maganda ang ugali.

***†***†***†***

A/N: Sorry For late Update hehe... Btw thank you for reading❤

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon