Chapter 18

27 5 0
                                    

Hermione's POV

Nakita namin ang pagkislap at pagngiti ni Sir Shawn kahit nasa malayo kami. Kinunan ko ng picture ang ngiting yun.

" Bingo ! "

Masayang wari ko. Nilingon ako ni Luke.

" Mukhang nakapuntos ka sa adobong-pusit mo ah. Hindi talaga ako nagkamali na iyon ang lutuin mo para sa kanya "

" Oo nga, eh. Kasi nung unang silbi ko sa kanya, yan ang ipinaluto niya sa akin. Alam mo ba na kahit kaunting ulam at kanin na wala sa plato niya. Tingin ko nagustuhan niya yun "

" I see, so ano pa ang mga niluto mo ? "

" Tara sa taas ipapakita ko sayo "

Nahinto kami sa tapat ng elevator, hinila ko siya.

" Oh, bakit ? "

" Ayaw ko diyan, maghagdan nalang tayo "

" Bakit ayaw mong sumakay ng elevator ? "

" Natatakot ako.."

" Huwag kang matakot, nandito naman ako eh "

Hinawakan niya ang kamay ko, napatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.

" Akong bahala sayo "

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng elevator. Malakas yung kabog ng dibdib ko, halos sumabog na ito sa sobrang lakas.

Nang umandar na yung elevator, niyakap ako ni Luke. Naramdaman ko ang mainit niyang balat, naririnig ko ang mahihinang kabog ng kanyang dibdib dahil nakapasampa yung mukha ko sa dibdib niya. Napalunok ako ng marahan ng masamyo ko ang napakabangong cologne nito.

𝒉𝒎𝒎𝒑𝒑.. 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒏𝒈𝒐𝒐𝒐..

Napapikit pa ako. Nang hindi ko namalayan na bumukas na pala muli ang elevator.

" Hermione, we're here "

Napabuka ko bigla ang mga mata ko, at napalayo ng kaunti sa kanya.

" Hmp ! Ang landi-landi ! "

Rinig kong sabi ng mga babaing kasabay namin sa elevator. Napakagat labi ako at napalayo sa kanya. Nauna na akong lumabas ng elevator at pumasok sa loob ng room nila, doon kasi ako nagluto.

" Are you okay, Hermione ? "

" O-oo naman, L-lukas "

" I feel your heartbeat kanina, napakalakas. Talagang natakot ka sa elevator, ano ? "

" Opo, wala kasing ganoon sa probinsya namin. Nahihiya mang aminin pero unang sakay ko palang po sa elevator kaya sorry ha. Masyadong dumikit ako sayo kanina "

Nagkibit-balikat siya. Bakit ba sa tuwing nahahawakan ako ni Benny, namumula ako ? Hmp ! nababaliw na ata ako.

" Its fine, Hermione. Hayaan mo maghahagdan muna tayo, kasi may dadalhin tayo pabalik sa cottage "

" Oo nga, tara na "

" Wait, sa tingin mo ba madali mo'ng magagawa ang deal ? "

" Hindi pa ako sigurado pero sinusubukan ko naman "

" Dapat inlove na siya sayo bago matapos ang bakasyon natin dito "

" Ang bilis naman. Sa katunayan mahirap itong deal na ito ha, kasi monster ang kalaban ko rito "

" Kaya mo yan, naniniwala ako sayo "

Napangiti ako sa kanya.

Bumalik na rin kami ng cottage. Tapos ha ring mag-ihaw si mokong. Kumain na rin kami, pinagsilbi ko siya kahit pa ang turing sa akin ni Luke ay kaibigan at hindi katulong. Iba sa buwesit na ito, nakakakulo ng dugo.

Shawn's POV

Pagkatapos kumain, nagpasya akong maligo sa dagat. Ang sarap nung tubig, yung bawat hampas ng agos sa balat ko pinapawi lahat ng sama ng loob sa dibdib ko. Ayaw ko man aminin pero sa tuwing napapagalitan at nasasaktan ako ni Dad, ramdam ko na parang hindi nila ako anak.

Nang makaramdam na ako ng lamig, umahon na ako. Tanging summer short lang ang suot ko, wala akong damit pang-itaas.

Habang pabalik ako ng cottage, namataan ko si Hermione na halos malaglag ang laway sa kakatitig sa akin. Napangisi ako, ngunit nangunot bigla ang noo ko ng makita ko'ng she took a picture of me.

Nang makalapit ako sa kanya, tinago niya yung phone sa bag niya.

" Do you think I'm sexy ? "

Humagalpak ito sa katatawa, aba ! Nakakabastos yun ah.

" Excuse me ? Are you talking to me ? "

" Aba ! Namimilosopa ka na naman ah. Ano yung nakita ko kanina, ah ? You took a picture of me, akin na yan. Delete mo yan "

" Ako ? Kumuha ng picture mo ? Ew, kahit amo kita hindi po kita pagnanasaan noh "

" I saw it. Huwag ka ng magdeny "

" Wala nga kulit "

Naupo ito sa upuan ng cottage at nagbabalat ng prutas.

Bumuntong-hininga ako at umupo patapat sa kanya.

" Hermione"

Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

" Bakit po, Sir ? "

Padabog nitong sagot sa akin, abnormal talaga itong babaing to. Kung makipag-usap sa akin parang hindi niya ako amo.

Relax, Shawn. Hermione is just a maid, madali mo lang mapapaamo yan. Pa-iinlove-vin mo lang yan tsaka mo sasaktan. Hmp ! Baka diyan ako makaganti sa kanya.

" Look, alam ko galit ka dahil nung isang gabing nangyari sa atin "

" Sir, wala po'ng nangyari sa atin dahil po dumating ang savior ko "

" Sino ? Si Luke? "

Tumango ito.

" Kaya nga magsosorry ako sayo, sincere ako ah. I was drunk din kasi, hindi ko kasi nakontrol ang sarili ko that night "

Napansin ko ang pagsilay ng ngiti nito. See ? Its easy.

" Okay lang po, Sir. Tsaka hindi ko naman po iyon dinibdib, basta po huwag niyo na po uulitin ah ? "

I smile.

" I wont, so napatawad mo na ba ako ? "

" Opo, Sir "

" Good, so friends na tayo ? "

" Huh ? Friends ? Amo ko po kayo, Sir "

Kinuha ko ang kamay niya at nakipag-shake hands ako sa kanya.

" Its fine, friends na tayo ha. Wala ng bawian "

Lumapad ang ngiti ko. Pansin ko ang pamumula ng mukha niya.

Napakadaling maloko ng babaing ito, kunsabagay probinsyana lang naman siya. Humanda ka sa ganti ko, Hermione

***†***†***†***

Pls! Dont forget to
Vote And Comment

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon