Hermione POV
Kinabukasan, maaga akong nagising. Hinintay ko na tawagin ako ni Sir Shawn, baka may gusto siyang ipagawa sa akin ng maaga mas maigi na maihanda ko ito sa oras na nais niya.
Alas singko na nang umaga, nasa tapat na ako ng room niya. Hindi ko na siya kinatok, hinintay ko nalang na tawagin niya ako.
Ngunit makaraan ang ilang oras, hindi parin ako tinawag nito. Nangalay na nga ang mga tuhod ko sa kakatayo, napaupo ako at napasandal sa pader. Tulog pa kaya siya ?
Napatingin ako sa relo na nasa wrist ko. Alas diyes na nang umaga, namataan ko yung lalaking nagturo sa akin kahapon kung nasaan ang bar room. Napatayo ako at binati siya.
" Magandang umaga ho, Sir "
" What are you doing here ? Have you eaten ? "
" Po ? "
" Ang sabi ko anong ginagawa mo diyan ? kumain ka na ba ? "
" H-hindi pa ho, Sir. Hinihintay ko kasi na tawagin ako ni Sir Shawn "
" Dito ka...naghihintay ? "
" O-opo "
" What is your name again ? "
" Hermione po "
" Hermione, si Carter kasi minsan tumatawag yan sa landline na nasa baba at doon niya sinasabi ang mga bagay na inuutos niya. Hindi mo ba alam ? "
Napamulagat ako. Napalinga-linga.
" Hindi po "
" Bumaba ka na, let me wake him up. May lakad kasi kami ngayon "
" Sige ho "
Bumaba na nga ako at tumapat sa may landline phone. Kung alam ko lang na tatawag lang siya hindi na ako naghintay sa labas ng room niya. Hindi naman kasi nasabi iyon ni Miss Agent, para tuloy akong tangang naghihintay sa wala.
Ang bobo ko talaga, hindi naman kasi lahat alam ko. Bawal nga kasi raw magtanong sa kanya, kaya minsan naging boba ako.
Gosh ! Kakayanin ko sana ito. Huwag niyo naman ako'ng pahirapan masyado, Lord. Pabaitin niyo naman si monster.
Shawn Carter's POV
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tindi ng sikat ng araw na tumama sa mukha ko, napatalukbong ako ng kumot ko. Ngunit may umagaw sa kumot na hawak ko.
" Ano ba ?! Natutulog yung tao eh "
" Get dress, Carter May usapan tayo, hindi ba ? "
" Usapan ? "
" I forgot, lasing ka pala kagabi. Hindi ba napag-usapan natin na lalabas tayo ngayon, boys out "
Napasapo ako sa noo ko.
" I change my mind, gusto ko pa'ng matulog "
Hinablot niya muli sa akin ang kumot na hawak ko. Naparolled-eyes ako.
" Pwede ba bigyan mo naman ng instruction ang bago mo'ng maid "
" What for ? "
" Kasi kanina nakita ko siya kanina sa labas ng room mo, hinihintay niya na gumising ka. Kawawa naman yung tao, hindi pa kumakain para lang hintayin ang paggising mo. Be a good man na, Carter "
" Stupid woman. Hindi ko naman sinabi na maghintay siya sa labas ng room ko ah "
" Kaya nga kausapin mo siya bigyan mo ng instruction para alam niya ang mga gagawin niya "
" Bakit ba napaka-concern mo sa maid na yun ? Do you know her ? "
" Her name is Hermione, I only knew her name. What I'm saying is, give her instruction para alam niya kung ano ang trabaho niya. Don't be so rude, Carter. Kahit amo ka pa niya, maging mabuti ka naman "
" Whatever ! Fine, gagawin ko yan. Pero hindi muna ako lalabas, please ? I want to stay alone, just me "
" Don't forget to do what I'm saying, Carter"
" Oo na , Attorney Luke "
Napaismid ito at lumabas na ng kwarto ko. Nagugutom ako, tatawag na nga ako sa istupida ko'ng maid.
" Hello ? "
Her voice..bakit iba ang naramdaman ko ng marinig ko ang boses niya mula sa kabilang-linya. Gago ! Gutom ka lang yan.
" Sir Shawn? "
" Y-yes its me..will you please prepare my breakfast. Magdala ka ng notebook at pen may pag-uusapan tayo at baka need mo yun. Okay ? "
" Yes, Sir. Pero ano po yung gusto niyong breakfast ? "
" Adobong pusit. Hurry up "
" Coming, Sir "
Ibinaba ko na ang telepono at nagtungo na sa banyo. Masarap kaya siya magluto ? Well let us see.. naligo na ako at nag-ayos na rin ng sarili.
***†***†***†***†
Dont forget to Vote and Comment💜
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."