Hermione's POV
Nakabihis na ako ng pantulog, ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya't lumabas ako ng kwarto at bumaba. Saan kaya ang kapehan dito ? Mabuti nalang madali ko'ng natunton ang receptionist area.
" Miss, saan ho ba ang kapehan dito ? "
" Yun lang ba, Ma'am ? Sana ho tumawag nalang kayo sa landline pwede naman ho kaming maghatid sa room niyo. May room service naman po kami for food and drinks "
" Ay naku hindi kasi ako tulad ng iniisip mo, maid lang po ako. Sa katunayan, sinama lang naman ako ni Attorney Luke at ng amo ko'ng si Sir Shawn"
" Speaking of your amo, Ma'am. Nakita ko siya kanina, patungong bar "
Napakamot ako sa batok. Naku! Maglalasing na naman ang bruho.
" Sige salamat, saan pala ang daan papunta dun ? "
" Sundan niyo lang po ang daan na ito, Ma'am. Lumiko ho kayo pakanan, tapos yun na po nandoon na po yung bar "
Nginitian ko siya.
" Salamat, Miss "
" Youre Welcome "
Pinuntahan ko na nga ang amo ko'ng lasinggero, bakit ba kasi ganitong oras na umiinom parin siya. Hindi ba siya napapagod uminom ?
Nang marating ko yung bar, agad akong pumasok sa loob at hinanap siya. Ayun, nasa tapat siya ng bartender. Napabuntong-hininga ako. At nilapitan siya.
" Sir Shawn, halika na po. Ibabalik na kita sa room niyo "
Ginagap ko ang kamay niya at pinasangko sa balikat ko ngunit inigkas niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. Kung hindi ako nakahawak sa silya malamang natumba na ako.
" Pwede ba, umalis ka dito "
Naparolled-eyes ako.
" Ano na naman ho ang problema niyo, Sir ? Kung gusto niyo po'ng maglasing..sa kwarto niyo nalang po kasi kung dito ka maglalasing at kapag nakatulog pa kayo hindi ko ho kayo kayang buhatin, Sir "
" Hoy, hindi ko naman sinabing buhatin mo ako o puntahan mo ako dito. I want to be alone, will you please leave me alone ? "
" Kung pwede lang sana , Sir. Ginawa ko na kaya lang hindi ho pwede, nangako ho ako kay Madam na aalagaan ko ho kayo bilang maid niyo. Mukha na nga akong yaya nito, malaki na ho sana kayo hindi naman na sana niyo kailangan ng alalay pero sa inasal niyo daig niyo pa ang batang paslit "
Sinamaan niya ako ng tingin.
" Kapag ito nalaman ni Luke. Ewan ko nalang sayo "
Akma ko siyang tatalikuran nang tawagin niya ako. Nilingon ko naman siya.
" Oh, bakit ? Sabi mo gusto mo'ng mapag-isa kaya iiwan na kita "
" Bring some alcohol, tara sa room "
Kumunot-noo ako.
" Sir, hindi ho ako papasok sa room niyo. Ihahatid ko lang ho kayo kasama ng alak niyo "
" Hindi...sasamahan mo akong uminom "
" Hindi ho ako umiinom, Sir "
" Ako ang masusunod ! Sasamahan mo ba akong uminom o maghahanap ako ng gulo dito ? "
Aba ! Tinatakot pa ako ng mokong.
Napakamot ako sa ulo.
" Oo na, Tara na "
Bumalik na nga kami sa room niya, iniupo ko siya sa kama habang ako nama'y inayos ang table at silyang uupuan ko.
Tig iisa kami ng baso, kaunti lang ang inilagay ko sa baso ko. Ngunit dinagdagan niya iyon. Buwesit talaga ! Dinadamay pa ako sa bisyo niya.
" Drink it "
Sinamaan ko siya ng tingin, tinungga nito ang laman ng basong para sa kanya. tinungga ko nalang yung akin. Tsk ! Ang pait !
Mukha na nga siyang lasing tapos hindi pa siya titigil, hays. Nasaan na ba kasi si Luke para mabatukan naman niya itong pinsan niyang napakalasinggo.
Nilagok ko na naman ang pangalawang laman ng baso, hindi ako sanay uminom kaya nakaramdam na ako ng pagkahilo. Hindi ako pwedeng malasing baka ano pa ang gawin ng lalaking ito sa akin. Doon ko na talaga siya iihawin, nilagyan na naman niya ang baso kong wala ng laman. Ininom ko na naman ito. Siguro kung magtatanong ako, sasagot siya ng mahinahon. Subukan ko nga ? Baka hindi siya magalit kapag nagtanong ako..
Hermione's POV
Naglakas-loob na akong magtanong sa kanya, hindi na baleng magalit siya. Nasa kanya naman yun kung sasagutin niya ang mga tanong ko.
" Sir Shawn ? "
" Kanina ka pa nakatitig sa akin, may gusto ka bang sabihin ? "
Bumuntong-hininga ako.
" Baka kasi...gusto niyong maglabas ng sama ng loob. Pwede niyo po sa akin sabihin lahat ng problema niyo, hindi man ako nakakatulong atleast may taong handang makinig sa inyo "
Tumaas ang isang kilay nito.
" Bakit naging corious ka naman ata ? Interesado ka bang malaman ang naging buhay ko ? "
Ayaw ko man pero oo. Gusto ko lang malaman kung bakit naghiwalay sila ng ex niya, dahil ba sa ugali niya o dahil sa pagiging alcoholic niya.
" Sabihin na nating corious lang ako pero hindi naman gaanong interesado. Baka kasi kapag naglabas ng sama ng loob, mapapagaan ko ang bigat sa dibdib mo, S-Sir Shawn "
" Fine, total makulit ka rin lang naman. Listen carefully, okay ? "
Napangiti ako at napatango ng marahan.
" I was twenty five years when I finally decide na yayain si Pearl na pakasalan ako. We became bestfriends before, nasasabi ko problema ko sa kanya. Nasasabi din niya yung problema niya sa akin, I fall inlove with him that day na nagkasakit ako and she's the one who take good care of me. Nagconfess ako sa kanya, and hindi aakalain na gusto rin niya ako. Umabot kami sa puntong nagbabangayan, nag-aaway kami sa maliliit na bagay. But naaayos rin naman namin agad. As I finally decide, that day na second anniversarry namin..I took the chance to propose to her. Pero nireject niya yun, she was inlove with another man. Una, nasabi ko lang na napagod lang siya kaya hindi siya umoo sa kasal. But I was the one who saw her with another man, doon na ako na-depress. Lahat yata ng bisyo pinasok ko na, but Daddy put me in the rehab. Kapag hindi raw ako magpapagaling hindi ko na raw makikita si Anny. Kaya nagpagaling ako para kay Anny, nakalabas ako ng rehab after a year. But still hindi ko parin matanggap ang pagkawala ni Pearl sa buhay ko. I still love her "
" P-paano kung...magkita muli kayo, Sir Shawn. Ano po ang gagawin niyo ? "
" If I met her again ? I'll hugged her "
Hindi ko alam na ganoon pala ang nakaraang pinagdaanan niya. Kawawa naman pala si bruho, ang pait ng sinapit niya.
Maganda siguro yung Pearl kaya baliw na baliw siya..
Na-corious tuloy ako sa hetsura niya...
***†***†***†***†***
PLS! Dont forget to Vote
And Comment❤️
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."