Chapter 26

21 1 0
                                    

Hermione's POV

Nakarating na kami sa bahay bandang alas diyes ng gabi, buti nalang naalala ko pa ang bahay. Matagal kasi na hindi ako nakauwi. Anong matagal ? Isang buwan pa nga..unang sweldo mo pa, Hermione Marami lang nangyari kaya nasasabi ko na matagal akong hindi nakauwi.

Kinatok ko ang pinto. Nagbukas iyon.

" Nay "

"Hermione! "

Napayakap ng mahigpit sa akin si Nanay, napaluha naman ako sa sobrang saya.

Nang makita ni Nanay si Sir Shawn, nagbitiw ito ng yakap.

" Hello po, mano po "

Nagmano nga ito kay Nanay. Hala ?

" Hoy Hermione? Akala ko ba nagtatrabaho ka sa maynila. Sino itong lalaking ito ha ? Binuntis ka ba niyan ? "

Bulyaw ni Nanay sa akin, dinuro-duro pa niya si Sir shawn. Napangisi ako.

Inaya ko si Sir shawn sa loob, pinaupo ko naman si Inay.

" Nay, huminahon ho kayo. Siya po ang amo ko, siya po ang pinagsisilbihan ko sa maynila. Sa kanya po ako nagtatrabaho "

Natutop ni Nanay ang sariling bibig.

" Naku, Sir. Pasensya na ho, babae kasi ang anak ko. Alam niyo naman ang mga Nanay masyadong protective sa mga anak "

" Naku, okay lang po. Sa katunayan may dala ho akong mga damit at mga pagkain sa inyo "

Tinanggap naman ito ni Nanay.

Lumapit sa akin si Inay at bumulong.

" Nak, nanliligaw ba yang boss mo sayo ? Sagutin mo na , Nak. Giginhawa ang buhay natin sa kanya "

Siniko ko si Nanay.

" Nay, hindi. Sinamahan lang niya ako dito, tsaka po mahiya naman po tayo kay Sir shawn "

Ganting bulong ko kay Nanay.

" Teka, kumain na ba kayo ? Nagugutom ka ba, Sir ? Halika po sa kusina "

" Huwag na ho kayo mag-abala, Nay. I'm full "

Nay ? Yun ba ang tinawag niya kay Nanay ? Napalingon kami ni Nanay sa isa't isa.

" Sir, baka ho hindi kayo komportableng matulog dito kasi..mainit wala ho kaming electric fan or aircon "

" Okay lang po, Nay "

Tama nga ang rinig ko, Nanay nga ang tawag niya sa Nanay ko. Pero bakit ?

" Nay, pahinga ka na po. Aayusin ko lang ang hihigaan ni Sir Shawn"

" Talaga bang kaya mo ? "

" Opo "

Nagtungo na si Nanay sa kwarto niya, may sariling kwarto ako kaya doon ko inayos ang tutulugan ni Sir shawn.

" Dito na ho kayo matulog, Sir shawn.May pamaypay po ako, kapag naiinitan ho kayo gamitin niyo lang po ito "

" Wait ? Ako lang ? "

" Opo, kay Nanay ako tatabi "

" Bakit hindi nalang dito ? Lalagyan natin ng unan yung gitna "

" Sir Shawn,  ikaw na po rito. Tsaka namiss ko ang Nanay kaya sa kanya ako tatabi. Okay po ? Goodnight "

Nagtungo na nga ako sa kwarto ni Nanay at tumabi na sa kanya. Para akong batang paslit na nahiwalay ng mahaba sa ina, niyakap ko si Nanay ng mahigpit at kiniss ko pa siya sa pisngi.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na..

Shawn Carter's  POV

Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagkalabas ko ng kwarto, naratnan ko yung Nanay ni Hermione naghahanda sa kusina. Nilapitan ko siya.

" Nay, ako na ho diyan "

" Ha ? Naku hindi pwede , hijo. Bisita ka namin kaya kami ang maghahanda para sayo "

" Kayo ? Sino kasama niyo po ? "

" Ako po, Sir shawn "

" Maaga ka rin pala nagising ? "

" Opo, pinaaga ko ho talaga ang gising ko kasi namiss kong tumulong kay Nanay sa kusina "

" Pwede rin ba akong tumulong ? "

" Sir Shawn... "

" Nay, please ? "

Nagpacute pa ako sa Nanay niya para lang pumayag ito na tumulong rin ako sa pagluluto.

Atlast, napa-oo ko naman ajg Nanay niya. Nakapagluto kami ng siningag, adobong kangkong, tuyo at saka nilagang itlog. Sakto namang lumabas yung mga bata sa kwarto ng Nanay nito.

Nagsiupo na kaming lahat. Nasa gitna ako kaya hindi ako naligtas sa mga mata ng mga batang paslit.

" Nay, sino siya ? Boyfriend ba siya ni Ate ? "

Napangisi ako.

" Pasensya ka na , Sir Shawn. Siya pala ang bunso namin si Henry, at siya naman si kulit ang pamangkin ko "

" Akala ko ba tatlo kayong siblings ni Nanay ? "

Kapwa sila nagkasulyapan ng kanyang ina. Saka niya ako binalingan.

" Nasa...mental hospital po ang isa ko pang kapatid , Sir James "

" Ganoon ba. Puntahan natin ? Sama ka po, Nay. Isama na rin natin ang mga bata, dalawin natin ang kapatid mo "

Yaya ko sa kanila.

" Sir Shawn, ayaw kasi ni Nanay magpunta doon. Nasasaktan kasi siya sa tuwing nakikita niyang nasa loob roon si Lara"

" Sorry po, Nay. Hindi ko ho alam "

" Okay lang, Hijo. Si Inday nalang isama mo "

" Sino po'ng Inday ? "

Tumaas ang isang kamay ni Stephanie.

" Ikaw ? "

" Opo, Sir Shawn. Inday po kasi talaga ang tawag ng mga tao sa akin dito, palayaw ko po "

" Ah. Hindi bagay sayo, mas cute ka 'pag Hermione lang "

" Ooy, si ate. May boyfriend na "

Tuksong saad ni Henry Batang ito talaga sarap batukan, ang lakas manukso.

" Nay uh, si Henry"

" Tama na nga yan, nasa hapagkainan tayo. Kain na nang makalakad kayo ng maaga, Anak "

" Opo, Nay. Kain ka na po, Sir Shawn "

Napangiti ako. Ayaw ko man sa pagkaing nasa mesa, kailangan ko'ng respetuhin ang grasya.

Bakit kaya nasa mental ang isang kapatid ni Stephanie ??

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon